Chapter 22

6.5K 176 10
                                    

Gwen's POV

"Hindi!"

"Oo!"

"Hindi!"

"Oo!"

Kanina pa kami paulit ulit na nag-aaway dahil lang sa pinapanuod namin kanina.

Yung babae kasi sobrang ganda, at ako naman si shunga tinanong kung maganda ba yung babae, sabi niya 'hindi' sabi ko naman 'oo'. At doon nagsimula ang away namin.

"Oo!"

"Hindi!"

"Bakit hindi sige nga!"

"Ikaw muna bakit oo?"

"Isa pa talaga!"
"Bakit nga?" Tanong ko pa rin sa kanya.

"Kasi nga... mas... mas maganda ka!"
Kanina pa 'to bumubulong! Di ko nagets yung sinabi niya bandang huli.

"Mas? Ano ba! Ano?" Mukhang kabado siya kanina, doon sa sinabi niya sa bandang huli pero ngayon nakangiti na ng nakakaloko.

"Kasi may mas maganda pa doon!" Palusot niya.

"Hoy! Sino? Torpe ka pala! Naturingang bad b--" tinakpan niya yung bibig ko.

"Wag ka ngang maingay! Bingi ka kasi kaya di mo narinig! Bwahaha!" Siniko ko siya kaya natanggal ang pagkakatakip sa bibig ko.

"Sige isisgaw ko na Tor--" tinakpan niya ulit yung bibig ko.

"Subukan mo! Mamatay ka!" Pananakot niya sa akin, sabihin niya napipikon lang siya.

"Piks!" Tinalikuran ko siya at pagkaharap ko sa katapat naming upuan ay tumatawa sila, isang babae at isang lalaki, sophomore lang siguro sila.

"Sweet niyo naman po ate." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babaeng sophomore.

"Huh? Yan?" Sabay turo kay piks "Hindi noh!" Sabi ko sa kanya pero tinawanan lang ako, di ko na tuloy alam kung saan ako haharap.

Maya maya ay nakarating na kami sa Pinto Arts Museum.

Mga 10:00 kasi kami umalis ng Baguio pabalik.

Pagkababa namin pumasok kami sa museum at nag-ikot-ikot. Ang gaganda ng mga paintings at yung ibang mga crafts doon.

Sa labas may garden na magandang mag-picture kaya kumuha kami ng ilang litrato doon ni Bianca.

Sandali lang kaming dumaan ng Pinto Arts Museum kasi pupunta pa kaming EK!

**
Enchanted Kingdom

Pagkadating sa EK pumunta muna kami sandali sa CR para magpalit kasi, noong nasa pinto arts museum kami nakasweater pa kami. Kaya ngayon inalis na namin.

Pagkalabas namin, what a coincidence, parehas pa kami ng supt ni Dario, naka white v-neck plain sin siya tapos si Bianca naka Gray v-neck sila ni Miguel.

Para tuloy kaming couple ni Piks, ah! Correction! Kupal! Siya lang hindi ako kasali diyan.

Nagkayayaan kami na oumunta muna sa mga games yung pwede kang manalo ng stuff animal.

Ang cute nung bear na kulay purple! Tumigil kami sandali at naglaro pero pagkatapos ng ilang try di namin nakuha ni Bianca ang gusto namin.

Kailangan mo kasing barilin yung mga bola na maliliit para makakuha ng prize pero hanggang dalawa, isa, o wala pa nga, kailangan pa kasi lima.

Accidentally in love with a bad boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon