Gwen's POV"Enrico, wag kang OA, pinayagan ko si Gwen." Kanina pa umaangal si kuya kay mama. Sabi sa inyo e, di ako papayagan ni kuya pumunta.
"Pero ma!" Baka kaya naman ayaw niya akong pasamahin ay may babae siya tapos pinagtataksilan pala niya si ate Nami.
"Pupunta si Gwen, sa ayaw at sa gusto mo." Bleh, walang nagawa si kuya. Lumabas ng bahay, ay wait! Iiwan nanaman niya ako.
"Kuyaaaaaaaaa!" Pinaharurot niya yung kotse niya, aish.
Di daw kasi ako masusundo ni Dayne ngayon, ginabi daw kasi nagpractice sila.
Naglakad na ko, habang naglalakad ako parang may sumusunod sa likod ko, Hala! Baka nakatakas na yung gustong magrape sa akin dati, kaya tumakbo ako papalabas ng subdivision. Nang malapit na ko sa gate, may biglang humawak sa pala-pulsuhan ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Unti unti akong lumingon sa humawak ng kamay ko.
"Miss, you drop your handkerchief." Akala ko kung ano na, napaparanoid na ko. Koreano ito ah, pogi, pero mas gwapo si Jk.
"Kamsahamnida." Nagbow ako kaya nagbow din siya, napatingin siya sa id ko.
"You are Miguela? Right?" Tanong niya.
"Um, yes why?"
"You are Dayniel's friend right? He told me to get you." Napanganga ako, nag-utos pa siya sa iba para lang sunduin ako.
Saktong tumunog yung cellphone ko.
Dayniel Calling...
"Hello, Dayne?"
[Good Morning prinsesa, pinasundo kita kay Ryle, sorry talaga ako dapat ang susundo pero---]
"Naku, Dayne, nag-utos ka pa sa iba, okay lang naman ako e."
[Sige na basta sumabay ka kay Ryle, wag ka ng makulit Leet, sayang effort ko na pinasundo kita.] Natawa naman ako kasi kahit hindi siya yung sumundo sa akin, pinasundo pa rin niya ako sa iba.
"Sige na, bye Dayne!"
[Bye Leet Ko!]
Binaba ko yung phone at binuksan naman ni Ryle yung pinto ng kotse at pumasok na ko.
"Thanks for driving me to school, Ryle!" Sabi ko bago ako bumaba.
"No problem, humingi lang ng pabor sa akin si Dayne." Nagtatagalog pala siya, pinahirapan pa niya ko.
"Sige ingat! Salamat ulit!" Tumango siya at isinara ang windshield.
Pumasok na ko sa school, at ito ako aatake nanaman sa giyera!
Atake! Para sa pag-aaral!
***
Papunta na ko ngayon sa canteen at kasabay ko sila Sheena at Kira.
Halos dumugo utak ko, kakapiga sa mga brain cells ko. Pero nakapasa ako at ako ang highest! Yey for me!
"Grabe lang magpaquiz si sir Hel, just like hell!" Napahawak sa noo niya si Kira.
BINABASA MO ANG
Accidentally in love with a bad boy
Teen FictionCOMPLETED Highest Rank: #31 in Teen Fiction Ang buong akala ko ay aksidente lang ang lahat ng ito... "Ang Magmahal" Para sa akin ito ang pinakamaganda at ikinatutuwa kong aksidente... Ito rin ang ipinagmamalaki kong aksidente... Ang Mahalin Siya. An...