Gwen's POV"Hi!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Dayne.
"Oh! Dayne!" Kinuha ko yung order ko at naglakad.
"Liit talaga ng mundo, gaya mo." Sinamaan ko siya ng tingin.
"At kung gaano kaganda ang mundo, ganoon ka din." Di ko naintindihan yung sinasabi niya kasi palabas na kami ng mall."May sinasabi ka ba?" Tanong ko sa kanya, pero umiling lang siya.
"Lett, samahan mo nga ko, please." Tinaasan ko siya ng kilay pero nagpapacute pa din siya.
"Paano kung... ayoko?" Binelatan ko siya pero nagpout lang siya. "Joke! Aba malakas ka kaya sa akin!" Bawi ko, napangiti naman siya sa akin.
Naagaw ng atensiyon ko ang isang lalaking nagtatago sa likod ng isang kotse. Parang namumukhaan ko pero hindi ko alam, nakashades siya na dark. Parang koreano dahil nakadown yung buhok.
"Ano ba yung tinitignan mo doon?" Lumingon si Dayne pero biglang nawala yung nagtatago sa likod ng kotse.
"W-wala, parang may nakita lang."
Papunta na kami ngayon sa Galvin High kung saan exchange student si Dayne, isasama daw niya ako sa practice nila, makakalaban daw nila ang school namin kung sakaling manalo sila.
Pagkadating namin doon ay ipinasok niya yung kotse sa loob ng school, ngayon pa lang ako makakapasok dito sa Gavin High, dito nag-aral si kuya James at dito din sana si kuya Enrico kaso dahil sa akin nagstop siya.
Naunang bumaba si Dayne kasi inaalis ko pa yung seat belt ko, kaya pinagbuksan niya ako ng pinto.
Napalingon ulit ako sa gate at parang nakita ko nanaman yung tumitingin sa amin kanina yung nakawhite long sleeves na nakatupi hanggang siko na nakashades ng black na parang koreano.
Ilang beses akong umiling, hala! Paano kung isa siyang kidnapper? Stalker? Tss, napapraning na ata ako.
Naglakad kami papunta sa gym nila at nadatnan namin doon ang mga kasama niya sa varsity.
"Upo ka diyan." Sabay turo sa bleachers, umupo naman ako. "Nga pala, si Nicole... kababata ko."
Kumaway sila sa akin kaya at sinuklian ko lang sila ng ngiti.
Nagpalit muna ng jersey si Dayne, kaya nagbukas muna ako ng facebook.
Agad na tumambad sa facebook ko ang picture ni Miguel at ni Bianca.
Caption:
So fun here in Batangas, especially when your with this one of a kind girl.
Like.. Comment.. Share
2 days ago..Nasa Lemery, Batangas sila sa Fantasy World. Ang ganda doon. Para kang nasa fantasy, pero hindi ikaw ang prinsesa niya.
Nabalik ako sa wisyo ng magkantiyawan sila, kasi nakathree points na pala si Dayne.
Kumindat siya sa akin, gwapo ng bestfriend ko, ngayon at nakajersey siya.
Ilang shoots at dunk ang ginawa nila Dayne, minsan nga napapatayo ako sa galing niya.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at alas kwatro na rin ng hapon, kanina lang ay alas dos, dalawang oras na rin pala.
"Tara kain tayo!" Hinila niya ako kaya napatayo ako, nakabihis na rin siya ng t-shirt.
BINABASA MO ANG
Accidentally in love with a bad boy
Teen FictionCOMPLETED Highest Rank: #31 in Teen Fiction Ang buong akala ko ay aksidente lang ang lahat ng ito... "Ang Magmahal" Para sa akin ito ang pinakamaganda at ikinatutuwa kong aksidente... Ito rin ang ipinagmamalaki kong aksidente... Ang Mahalin Siya. An...