Prologue

36K 502 3
                                    

Sa isang barong barong nakatira si Lia. Kasama niya ang kanyang tiyahin na nagpalaki sa kanya. Si Alicia.

Isang masipag na babae na gagawin ang lahat para mapalaki ng maayos ang nag iisang pamangkin. Subalit, lingid sa kaalaman ng kanyang pamangkin ay pinapahirapan na ito ng karamdaman. Meron siyang cancer.Stage 4.

Ngunit hindi niya iyon ipinaparamdam sa pamangkin na meron siyang iniindang sakit.

Masaya siyang ngumiti ng lumabas sa kwarto niya ang dalaga.

"Good morning, Lia!" bati niya sa masiglang boses. Agad ngumiti ang pamangkin niya.

"Goodmorning din po, Tita Alice!" ganting bati ng pamangkin.

"Halika na ng makapag almusal na tayo," tawag niya dito sabay upo sa harap ng hapag.

"Saan ang punta mo ngayon?" tanong ni Alicia sa pamangkin. Nakabihis kasi ito ng panlakad. Kahit iilan lang ang kanilang maayos na damit ay hindi maipagkakaila ang angking ganda ng pamangkin niya. Nineteen years old pa lamang ito pero kitang kita na ang taglay nitong kagandahan.

Meron kasi itong natural na kulay brown na buhok. Ang mata niyang kulay hazel brown at may magandang hubog ng mga kilay. May matangos na ilong na halatang hindi makikita sa pangkaraniwang Pinay. Ang kanyang natural na mapulang labi at ang kanyang makinis at maputing kutis.

Simpleng t-shirt, kupas na maong na pantalon at lumang rubber shoes ang kanyang suot pero litaw ang kanyang ganda.

"Sa may labasan ho Tita. Susubukan kong mag aply ng trabaho." sagot niya sabay tingin sa tiyahin.

"Ah, ganoon ba? Mag iingat ka ha!" paalala niya sa pamangkin. Tumayo si Alicia upang kumuha ng tubig ng bigla na lamang itong matumba.

"Tita Alice!" sigaw ni Lia sabay tayo. Agad siyang lumapit sa tiyahin na namumutla na.

"Tita, ano pong nangyayari sa inyo?" tanong niya subalit hindi na nakasagot ang tiyahin niya.

"Tita, gising po! 'Wag po kayong mag biro ng ganyan ha. Hindi po nakakatuwa!" Mangiyak-ngiyak na wika niya habang niyuyugyog ang tiyahin. Ngunit, hindi ito sumasagot.

"TITAAAAAAAA!!" sigaw niya habang naiyak.

"Mga kapitbahay tulong! Tulungan n'yo kami!" sigaw niya.

Ang malakas na sigaw ni Lia ang bumulabog sa skwater na tinitirhan nila.

##

Sa ospital na pinagdalahan ng mga kapitbahay kay Alicia ay hindi mapakali ang dalaga.

Pabalik balik siya sa labas ng Emergency room, kung saan dinala ang tiyahin. Inaalala niya ang kalagayan nito. Kung saang kamay ba ng Diyos niya kukunin ang pera na ipambabayad niya sa ospital.

Napatigil siya sa pagpabalik-balik sa labas ng E.R ng lumabas ang doctor mula doon.

"Doc, Kamusta na po ang Tita ko?" agad na tanong niya ng makita ang doctor.

Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot. " Tatapatin na kita, Miss. Ang Tita mo ay may cancer. Ovarian cancer at nasa stage 4 na ito."

Humagulgol ng iyak ang dalaga. "Pero Doc, mabubuhay pa po ba ang Tita ko?" wala sa sariling tanong niya.

"May mga cases na nabubuhay ang pasyente after ng operation. Pero hindi lahat ay nagtatagumpay. Malaking pera ang kakailanganin mo. Sakaling ma operhan siya hindi pa rin sure kung kakayanin iyon ng katawan niya!" mahabang paliwanag ng doctor.

Nanghihinang napaupo si Lia sa bench na nandoon. Hindi niya matanggap na kahit maoperahan ang tiyahin ay walang kasiguruhan na mabubuhay ito.

Pero isang bagay ang gusto niyang mangyari. Ang sumugal. Gusto niyang ma operahan ang tita niya. Mas may chance na mabuhay ito kung maalis ang cancer sa kanya.

Agad siyang tumayo. "Gawin n'yo po ang lahat, Doc. Ako na ang bahala sa perang pambayad." sabi niya saka tinalikuran ang Doctor.

##

Prologue done!

Chapter 1 next..

•Leiyne

Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon