BAP: Chapter 1

29.3K 542 3
                                    

Palakad-lakad si Lia habang nag iisip kung paano siya makakaroon ng malaking pera para sa operasyon ng kanyang Tita Alice. Isang paraan na lang ang naisip niya.

'Gagawin ko ang lahat para ma-operahan ka Tita Alice. Kahit ano ay papasukin ko magkapera lang!' sigaw ng isip niya habang nakatanaw sa labas ng pinto kung saan nakahiga ang kanyang mahal na tiyahin.

Pumasok siya sa loob saka hinalikan si Alicia sa noo.

''Babalik po ako Tita. Sisiguraduhin ko na makakahanap ako ng pera para ma-operahan ka,'' bulong niya saka muling lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ng ospital isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan.

'Saan naman kaya ako maghahanap ng trabaho? May trabaho ba na kikita agad ako ng malaking pera? Kung meron man, ano naman yon?' tanong niya sa sarili.

Tulalang naglalakad si Lia sa tabi ng kalsada. Uuwi muna siya upang kumuha ng gamit ng tiyahin. Wala siyang pamasahe kaya maglalakad na lamang siya.

Mataas ang sikat ng araw dahil magtatanghali na pero hindi niya ininda ang init na nararamdaman niya. Nakalimutan kasi niyang magdala ng kahit ano kaninang umaga ng biglang mahimatay ang kanyang tiya.

Malayo na siya sa ospital, malayo pa rin ang lalakarin niya. Hinihingal at  sobrang pagod ang kanyang nararamdaman, subalit kailangan niya iyong indahin para sa tiyahin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad sa ilalim ng init ng araw. Ilang kanto na lang ang layo niya mula sa kanila ng isang kulay pulang kotse ang nakita niyang palapit sa kanya. Huminto siya sa paglalakad upang pagmasdan iyon.

Makintab ang sasakyan at halatang mamahalin. Alam niyang walang mayaman sa skwater area na pinanggilan ng mamahaling sasakyan.

'Huh? Kanino kaya ang kotseng iyon? Masyadong maganda iyon, tiyak na hindi taga skwater area ang may ari noon!' sigaw ng isip niya.

Lumagpas ito sa kanya kaya pinagpatuloy niya ang paglalakad.

Tatawid na siya ng may kotseng paparating na nagpahinto sa kanya sa pagtawid. Mabilis siyang lumingon sa likod niya. Ganun na lang ang naging gulat niya ng makita ang mamahaling kotse na nasa likod niya.

Humarap siya doon ng may kunot ang noo..

'Problema ng kotseng 'to? Galing na dito kanina hindi pa e,hindi pa huminto? Pahirap sa sarili. Ay, mali! Marami lang siguro siyang pambili ng gasolina. Tama, tama!' habang tumatango tango pa sa kanyang naisip.

Agad bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang isang magandang babae. Naka sun glasses ito kaya hindi niya makilala. Sa itsura ng babae ay halatang isa itong mayaman. Sa porma nito na nakasuot ng isang maikling red dress. Naka killer heels na nasa 5 inches ang takong. Ang labi niyang sobrang pula ang lipstick..

Kahit nagtataka ay napatitig siya dito. "Bakit po?" agad niyang tanong.

Napangiti ang babae bago nagtanggal ng suot na sun glasses. "Hoy, gaga! Surprise!" wika ng babae sa masiglang boses. Nakabuka din ang dalawa nitong braso na tila nag aabang ng yakap mula sa kanya.

Ang nagtatakang mukha ni Lia ay napalitan ng panlalaki ng mga mata. "Oh my Gulay...Ikaw na ba yan Amanda?" masiglang tanong niya.

Lumapad ang ngiti ng babae na tinawag niyang Amanda. " The one and only! Ang pinaka ambisyosa mong kaibigan. Amanda Ganda!" with matching taas kilay pa.

Si Amanda ay kababata niya. Kasabay sa paglaki at classmate noong elementary. Nagkahiwalay silang dalawa ng lumuwas ang pamilya nito sa Maynila at doon na rin ito nag aral.

Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon