Mabigat ang talukap ng aking mata ng mag mulat ako. Tulad ng inaasahan ko nasa loob ang ng isang kwarto. Malamang nasa hospital ako ngayon dahil sa kulay puti ang kulay na nakikita ko..
Dahan dahan kong iginala ang mga mata ko sa loob ng silid na iyon. Maraming aparato doon na nakakabit sa akin. Nasa loob ng silid sila tita Alice kasama si Alessandro na nakahiga sa tabi ng kama ko.
Sa kabila ng panghihina ay nagawa kong igalaw ang mga daliri ko at sinubukan kong magsalita..
"T-tita.." mahinang bulong ko.
Kitang kita ko ang mabilis na pagbangon niya mula sa pagkakahiga. Ganoon din si Alessandro na tila lumiwanag ang mukha ng makita akong gising na.
"Oh my God! Gising na si Lia! Grace gising na siya!" naluluhang wika ni tita ni Alice. Agad na napabangon Si Grace at nagmamadaling lumapit sa akin.
"Call the Doctor, Sandro!" utos niya sa lalaki na halos magkandarapa sa paglabas ng pinto. "Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Pinatawag ko na ang doctor!" saka niya hinawakan ang kamay ko. Magsasalita pa sana siya ng isa isang pumasok ang mga doctor.
Chineck up nila ako at ginawan ng test. Narinig ko ang sabi nito kila tita na okay na daw ako. One week na observation at maaari na akong lumabas.
Kita ko pa ang pag iyak at pasasalamat ni Graciella Rossi sa doctor. Habang si Alessandro naman ay lumapit sa akin.
"Kamusta? Akala ko matatagalan ka pa gumising. Ayoko ng mawalan ng kapatid." malungkot na sabi niya habang nakangiti sa akin.
Mawalan ng kapatid? Ulit? So wala na si Alejandro? Bakit may ulit? Ilan ba ang kapatid niya?
"Anong ginagawa mo dito? Dapat puntahan mo si Alejandro. Kahit hindi maganda ang relasyon nyo, kapatid mo pa rin siya." paalala ko sa kanya.
Ngumiti lang siya tipid sa akin. "Nailibing na siya. Tanggap ko ng wala na siya. Pero hindi ko matatanggap kung ikaw ang mawawala!" saka siya tumitig sa akin. May kung ano sa mata niya na hindi ko maipaliwanag. Kasunod noon ang pag bukas ng pinto at pagpasok ng isang pamilyar na lalaki.
"Kamusta na ang anak ko?" rinig kong tanong niya. Lumingon sila Tita Alice sa akin saka ibinalik sa lalaki ang tingin.
Anak niya? Sino naman? Baka si Alessandro? Napakunot ang noo ko. Si Antonio ang tatay niya kaya imposible yon. Unless...
Napatingin ako kay Tita Alice. Ngumiti siya ng bahagya saka lumapit sa akin. Hinawakan ang kamay ko at bahagya pang pinisil.
"Lia, I want you to meet Lionel and Graciella Rossi." sabay tingin sa mag asawa. "They are your parents." saka ako tiningnan ng may naluluhang mata. "I am sorry! Itinago kita noon dahil nanganganib ang buhay mo sa Italy. Dinala kita sa Pilipinas ng walang nakakaalam kundi ang lola mo. Pinalaki kita ng walang ano mang alam tungkol sa kanila. Patawarin mo sana ako.." saka siya napahagulgol.
Niyakap ko siya at hinimas ang likod niya. "Di ba sabi ko napatawad na kita sa ginawa mo? Naiintindihan ko Tita..kaya please..wag ka ng umiyak!" saka ko siya nginitian. Napangiti lang siya saka ako niyakap ulit.
"Salamat!" wika niya.
Pagkatapos niya akong yakapin ay siya namang sugod sa akin ng mag asawang Rossi.
"Lia, anak!" sabay sila yumakap ng mahigpit sa akin. "Akala namin hindi ka na namin makikita. Buti nalang ligtas ka!" naiiyak na wika ni Mommy Grace.
"Ano ba yan! Napaka drama mo talaga Grace. Wag mong paiyakin ang anak natin!" wika naman ni Lionel Rossi. Ang tatay ko. Akalain mo, sa kabila ng nakakatakot na itsura niya ay napakacool pala niya? Napatawa na lang ako.
BINABASA MO ANG
Buying a Prostitute(COMPLETED)
Romance(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya ng mangailangan siya ng pera ay sinikmura niyang mag trabaho sa isang casa bilang masahista. Subali...