Lia's pov
Sa isang malaki at mataas na building huminto ang taxi na sinasakyan ko. Pagtigil nito sa harapan ng mataas na building ay hindi ko maiwasan ang magtaka.
"Manong, tama po ba yung adress na pinuntahan natin?" tanong ko sa driver ng taxi.
"Oo, naman iha. Tingnan mo sa taas, nakasulat yung pangalan," sagot ni manong driver sa akin. Tumingin nga ako doon at tama siya. Nakasulat nga doon ang pangalan ng casa.
Nakasulat iyon sa malalaking bold letters at kumikinang dahil sa makulay na ilaw nito.
"Salamat po! Heto po ang bayad," sabay abot sa isandaang papel.
Kinuha iyon ng driver saka nagbigay ng sukli. "Ingat ka, iha," pahabol pa nito.
"Oho, salamat."
Tiningala ko ulit ang buong building. Sa taas nito ay tiyak na nasa tatlumpong palapag ang lahat ng floors doon.
'Casa Blanca..Hotel and Casino' basa ko sa may entrance. May guard doon na siyang nagbabantay sa mga pumapasok at lumalabas sa naturang gusali.
Lumapit ako sa guard para magtanong.
"Excuse me, Manong Guard," bati ko sa nagbabantay na guard."Yes, miss?" sagot nito. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tila mine-memorize ang aking itsura. Pagkuway kumunot ang noo nito.
"Saan po ba yung papunta sa H.R department?" muling tanong ko kahit naiilang. Kung makatitig kasi ito ay tila gusto na niya akong hubaran sa kanyang isipan. Fuck.. Manyak!
Ngumisi pa muna ang guard bago sumagot. "Tanong mo na lang doon sa lobby pagpasok mo," sagot nito.
Tumango na lang ako saka nagpasalamat. "Ah, ganun po ba? Thank you po!" saka pilit na ngumiti.
"Sige. Ingat ka miss.." sagot ni Manong guard.
"...maganda at seksi ka pa naman!" makahulugang paalala nito saka ngumisi ng malapad.Mabilis ko siyang tinalikuran at pumasok sa lobby.
'Ahhh..ang manyak..kung makatingin akala mo naman gwapo eh, mukha namang unggoy!" inis na bulong ko.
Pagpasok sa lobby ay hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. Halatang may class iyon at para lang sa mga mayayaman.
'Ang ganda naman ng lobby nila. Ang linis at ang kintab ng sahig. Pwede ng manalamin. May malaki pang chandelier sa gitna.'
Alam ko na mayaman ang may ari ng Casa Blanca dahil sa ganda nito. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar pero hindi naman ako ignorante.
Dumiretso ako sa front desk saka matamis na ngumiti. "Excuse me, miss," tawag ko sa babaeng nakapwesto doon. Receptionist yata ang tawag sa kanya.
"Yes, ma'am? What can I do for you?" balik na tanong nito sa akin. Sandali akong natahimik. Hindi dahil sa hindi ko naintindihan ang tanong. Kundi dahil sa paraan nito ng pagtatanong.
Hindi man ako naka graduate ng college, pero tapos naman ako ng high school. Isang sem lang ang natapos ko noong nag enroll ako ng first year college, pero huminto din ako dahil sa laki ng tuition fee. Mas minabuti ko na lang na magtrabaho kesa ang mag aral.
Ang ganoong pagtatanong ay bahagi ng trabaho ng babae. Lahat ng papasok at magtatanong ay tinatawag nila ng ma'am at sir.
"Ah, itatanong ko lang sana kung saan yung H.R Department dito," tanong ko sa babae.
Ngumiti muna ito bago sumagot. "Oh, mag aapply ka po ba? Turn left ma'am. May pinto doon, katok lang kayo at sabihin ang pakay nyo." Tinuro pa nito ang kaliwang bahagi na off limits yata sa mga papasok sa hotel dahil may nakabantay doon.
BINABASA MO ANG
Buying a Prostitute(COMPLETED)
Romance(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya ng mangailangan siya ng pera ay sinikmura niyang mag trabaho sa isang casa bilang masahista. Subali...