#57 in romance as of 5/12/18 ang BAP.. Thank you for your support guys...Habang palapit kami ng palapit sa lugar na iyon ay palakas ng palakas naman ang kabang nararamdaman ko. Ewan ko ba? Pero hindi talaga ako mapakali!
Hindi na rin ako makapagsalita. Kung kanina pinairal ko ang katiting kong pagiging childish sa ngayon wala ng bakas ng ano mang emosyon sa aking mukha.
I think napansin na nila ang pananahimik ko.
Tanaw na tanaw ko na ang tila maliit na village na iyon. Iyon na lang ang itatawag dahil mukha naman iyong village sa gitna ng parang. Pero ang hindi ko mapalampas ay ang mismong kinatatayuan noon. Dahil pagliko ng sinasakyan namin ay ang pagtambad ng eksaktong posisyon noon. Nakatirik ang tila village na iyon sa gilid ng bangin.
What the f?
Are you kidding me? Sa gilid mismo ng clip?
Nasa likod noon ay ang kulay asul na dagat na sobrang taas ng alon.
Kahit namangha ako ay hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Mas inuna ko ang mga nakangiting mukha na nakikita ko ngayon.
Pagbaba nila ay ako ang huling lumabas ng sasakyan. Lumapit sa amin ang isang lalaki.
"Welcome Back, Jyosef." malakas na bati ng lalaki. Ano daw? Yosef? Ano ba talaga ang totoong name ng Gray na ito? Do I really have to trust this man? Mabilis na niyakap ng lalaki si Gray at gumanti naman siya ng yakap pabalik sa lalaki. The man is in his middle thirties na siguro. Maputi, matangkad, blonde na buhok, kulay blue na mata at malaki ang pangangatawan. Isang typical na russian man. Nakatayo lang ako sa kanilang likod kaya hindi ako masyadong napapansin.
Aatras sana ako ng may magsalita sa aking likuran. " Hi." bati naman sa akin ng isang dalagita na sobrang ganda. Kung lahat ng physical features ko ay brown maliban sa aking balat; ang dalagita naman ay napakaputi. Mula sa bolde hair niyang hindi lalampas ng balikat. Emerald green na mata at pointed nose. Masasabi kong maganda ang katawan niya na batak sa exercise.
I remain my self expressionless saka gumanti ng bati sa pinaka cold kong boses. I used my intimidating aura to maintain myself. "Hello." bati ko without any emotion. Kumunot ang noo niya. Nakita ko din ang pagdaan ng kung ano sa mata niya. Takot? Ewan ko ano man iyon. Wala akong pakialam.
Napaatras pa siya ng kaunti na siyang ikinatawa ng malakas ni Gray. Halos lahat ng nandoon ay napatingin sa kanya.
"Hahahahahahaha..." tawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil siya sa pagtawa. "Sorry!" Lumapit siya sa akin saka ako inakbayan. "Nakalimutan ko na may kasama pala ako! Welcome to the Rossi Village, Hell!" he said. He spread his two arms saka umikot na tila ipinagyayabang sa akin ang maliit na village na iyon. Rossi Village? Lionel Rossi? Hindi kaya...?
Wala namang kakaiba doon bukod sa nasa gilid ng bangin ang village ay may matataas din iyong building. Pero ang cool noon dahil sa naisipan nilang iyon sa gilid ng bangin. Pero ang hindi ako makapaniwala ay ang halos sabay sabay na pagsigaw ng nandoon.
"HELL?" sigaw nila na ikinagulat ko. Bakit big deal ba sa kanila ang pangalan ko? Napataas tuloy ang kilay ko dahil sa reaction nila.
"You mean, she is the famous Hell?" tanong ng dalagita kay Gray. Samantalang si Gray naman ay parang timang kung makangisi.
Ugh! I hate him and his wicked smirk!
"YES! The one and only!" sagot niya na ikinaatras ng iba. Pero ang dalagita imbes na matakot ay agad pa akong dinambahan saka niyakap ng mahigpit."Hello! I am Ynesha Patrikov! Welcome to the Rossi Village! Can you be my sister?" mabilis na sabi niya saka ako niyugyog. Hindi pa ako nakakasagot ng biglang.." Oh, really? Yes! Payag na siya! My ate na ako!" tuwang tuwa na sabi niya saka ako niyakap ulit.
BINABASA MO ANG
Buying a Prostitute(COMPLETED)
Romance(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya ng mangailangan siya ng pera ay sinikmura niyang mag trabaho sa isang casa bilang masahista. Subali...