Nagising ako ng masakit ang balikat. Hindi ako makakilos dahil may mabigat na nakadagan sa bewang ko. Nilingon ko ang orasan. 3 am pa lang ng umaga. Saka ko naalala na may tama ako sa balikat. Nasa kanan iyon kaya nakahiga ako pakaliwa. Lumingon pa ako sa braso na ginawa kong unan. Hindi ko maalala na may katabi ako kagabi pero alam ko na sinabihan ako ni Gray na matulog.
Dahan dahan akong kumilos. Aalisin ko sana ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko pero hindi ko matanggal. Mas lalo lang niya akong hinihila palapit sa kanya. Nilingon ko ulit siya. Maamo ang mukha niya alam ko. Kahit hindi ko iyon masyadong makita dahil natatakpan iyon ng sunglasses niya. Pati ba naman sa pagtulog suot niya iyon?
Dahan dahan ko iyong inalis kaya mas kita ko na ang mukha niya. Maamo nga kahit nakapikit siya. Ngayon ko lang nakita ang buong mukha niya. Mahabang pilikmata at matangos na ilong. Mapula ang labi at may perfect jaw line. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan.
"Staring is rude." sabi niya na ikinataas ng kilay ko. Gising pala siya pero nagpapabebe pa? Pinitik ko ang ilong niya para dumilat siya. Gusto kong makita ang mata niya.
"What's that for?" nakapikit pa ring tanong niya.
"Dumilat kana Gray. Gising kana eh!" maktol na sagot ko. Kung hindi lang masakit ang balikat ko at walang nakadagan sa akin tiyak pinilit ko siyang dumilat.
"Why? It's still dark outside. Let's go back to sleep!" saka niya ako hinila pabalik sa dibdib niya.
"Gray?" tawag ko sa kanya. Hindi siya lumingon pero alam kung gising pa rin siya.
"Why are you doing this?" nilingon ko ulit siya pero hindi na naman siya sumagot. Ilang minuto na ang lumipas bago ko narinig ang sagot niya.
"I want you to trust me. I will protect you no matter what happened." sa puntong iyon hindi ako nakaimik agad. Pinagkakatiwalaan ko naman siya. Pero ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ako sigurado. Ibang sagot ang gusto kong marinig.
"Gray, gusto kong makita ang mga mata mo!" iyon ang lumabas na tanong sa bibig ko. Ewan ko kung bakit. Malakas ang kutob ko na may tinatago siya sa akin.
"Show me your eyes, so that I can saw if your telling me the truth. I want to trust you, Gray!" kahit ang totoo may tiwala ako sa kanya.
"I'll show you my eyes, but can you promise that you won't tell to anyone about me?" mabilis akong tumango. Napaupo siya kaya umupo din ako. Inalis niya ang nakayakap na braso sa katawan ko. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata. Tumitig siya sa akin saka ngumisi ng nakakaloko.
"Ikaw? Bakit iba ang kulay ng mata mo?" nagtatakang tanong ko. Paanong siya si Gray? Hindi ako makapaniwala. Naguguluhan ako. Gusto ko ng paliwanag.
"Shhh...don't say anything! I wear contact lenses that time. But this is the real me..." kahit hindi pa siya tapos magpaliwanag ay dinamba ko na siya ng yakap. Namiss ko siya. All this time lagi siyang nandiyan para sa akin. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. Hindi ko talaga siya nakilala.
"You missed me huh?" pati ang pagsasalita niya ay may accent na din kaya wala akong idea na siya pala iyon.
"Promised me that you keep my secret between the two of us. Okay?" hindi ako sumagot. Alam na niya iyon. Tutupad ako sa pangako. Naramdaman ko din ang pagyakap niya sa akin. Mahigpit.
"I wish that I will hugged you like this until forever." bulong niya na rinig na rinig ko naman. Yeah..I feel the same. Being in his arms is like a precious stone that locked in a treasure box, and treasured forever. That no one can find until he opened the box again. I feel safe and protected.
BINABASA MO ANG
Buying a Prostitute(COMPLETED)
Romance(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya ng mangailangan siya ng pera ay sinikmura niyang mag trabaho sa isang casa bilang masahista. Subali...