BAP: Chapter 17

19.1K 347 17
                                    




Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa braso ko. Agad akong nagmulat ng mata. Tumambad sa akin ang mukha ni Gray.. Yung men in black ni Mr.Shades. Napatingin ako sa paligid. Nasa loob pa rin kami na private plane. Umalis siya at bumalik na sa pwesto niya. Kasunod noon ang anunsiyo ng pilot.



"This is the pilot, we were taking a flight from here in Macau to Italy. Fastened your seatbelt and we're taking off in any minute!"




Iyon ang narinig ko kaya naman imbes na magseatbelt ay napatayo ako. Iginala ko ang paningin ko at hinanap si Mr. Shades. Wala pa ang lalaki. Nasaan na ba siya? Akala ko hihintayin namin siya? Bigla akong kinabahan. Natulala ako ng biglang mapatingin sa isang tv screen sa taas ng hallway. Hindi ko marinig ang nasa balita..



"Gray, pakilakasan yung volume ng tv." pakiusap ko. Agad nitong nilakasan ang volume. Ganoon na lang ang gulat ko sa narinig.




'Breaking news..A casa hotel in the mainland was burned. They said that it's an attack from the terrorist."




Iyon lang ang naintindihan ko dahil naging chinese na ang balita. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang Casa Blanca. Pero nasunog? Sino ang may gawa? Alam ba nila na pag aari iyon ng isang mafia? Nasa ganoon akong pag iisip ng biglang bumukas ang pinto ng private plane. Pumasok si Mr.Shades kasunod ang dalawa pa niyang men in black.



"Go back to your seat, Lia. The plane is taking off!" utos nito sa akin. Bumalik ako sa upuan ko kanina. Pero ang tingin ko ay nasa screen pa rin. Tulala akong napatingin doon kaya hindi ko namalayan ang paglapit ni Mr.Shades sa akin.




"Your thinking too much, again. Don't worry, everything is gonna be alright!" wika niya saka ikinabit ang seatbelt sa akin.




"Ikaw ang may gawa ng sunog sa casa, hindi ba? Hindi terorista?" nagawa ko iyong itanong sa kanya. Agad naman siyang tumango.




"I've told you. I'll make them pay. No one can fool me. They deserve that. Besides, they can't say that I am behind the attack. That's why they told them to the news that it was an terrorist attack who did that." sagot niya. Ngayon alam ko na. Ipaalala nyo sa akin na wag gagalitin si Mr. Shades. Bigla akong napakapit sa kanya ng biglang gumewang ang eroplano. Nagtake off na ito. Nasa tabi ako ng bintana kaya naman kitang kita ko ang pagtaas namin.




Hindi ko napigilan ang maluha. Sa wakas. Nakatakas ako sa mga DelaVega. Sana lang ay magampanan ko ng maayos ang pagiging assassin. Iyon ang kapalit ang kalayaan ko. Itataya ko ang buhay ko para sa taong pinagkakautangan ko ng panibago kong pag asa.





**




Isang lalaki ang mabilis na naglakad papasok sa opisina niya. Walang tigil ang pag mumura nito dahil sa napanood na balita. Halos ibato na niya ang lahat ng mahawakan. Mabilis niyang nadampot ang telepono saka may tinawagan..




"Hello?" sagot sa kabilang linya.



"Who's the fvck have the guts to burned the casa?" galit na sigaw niya sa kausap. Halos lumabas na ang mga ugat niya dahil sa galit.





"It's Rinaldi. He burned the casa. And I have the bad news to you!" sagot ng kausap.

"Rinaldi? What's the bad news?" mabilis na tanong ng lalaki. Ang kausap ay ilang segundong natigilan bago sumagot.





"He's dead. Antonio is dead!" mahina ngunit rinig ng kausap ang sinabi niya. Muntik na nitong nabitawan ang telepono.




"What? Antonio is dead? When? How?" naguguluhang tanong ng lalaki. Hindi nakapagsalita ang nasa kabilang linya. Galit na galit na ito.

Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon