BAP: Chapter 5

24.2K 420 1
                                    

My SPG ang chapter na ito! Paki skip na lang kung hindi ka sanay magbasa ng ganung content.

***

Halos isang linggo na din akong nagtatrabaho sa casa tuwing gabi. Hindi naman ako nabigo dahil halos gabi-gabi ay puno ang session room ko ng mga nakapilang gustong magpamasahe. Malaki ang tip na nakukuha ko mula sa mga costumer, na itinatabi ko para kay Tita. Naoperahan na din siya kaya medyo okay na ang lagay niya.

Nakaka-kain na din siya ng ayos at hindi na namumutla. Sabi ng Doctor ay nagrerespond ang katawan niya sa gamot matapos alisin ang cancer.

Masaya ako dahil may chance pa na magkasama kami ng matagal. Tulad ngayon..

"Tita, marami po akong dalang prutas. Kainin n'yo po lahat ha. Papasok na po ako mamaya, kaya yung nurse na ang bahala sa inyo!" paalala ko sa kanya.

"Ano ka ba naman? Kaya ko na. Malakas na ako at patuloy pang nagpapalakas," kontra na naman niya sa akin.

"Alam ko po. Pero mas mabuti iyong may tumitingin sa inyo pag wala ako," katwiran ko.


"Oo na po, " birong sagot niya sa akin. Alam ko na malakas na siya pero mas panatag ako kung may titingin sa kanya.

"Paano po? Aalis na ako? Nasabihan ko na yung nurse kanina. Pahinga na po kayo ha!" paalam ko sabay halik sa noo niya.

"Mag iingat ka ha!"

"Opo! Kayo din po!" wika ko saka lumabas ng kwarto niya. Pagdating ko sa nurse station sinabihan ko na lang ulit iyong nurse na naka toka kay Tita bago ako umalis.

Nasa lobby na ako ng casa ng biglang magkagulo ang mga guard. Isang mamahaling sasakyan kasi ang tumigil sa harap ng entrance ng casa. Hindi ko inalis ang tingin ko sa pinto. Humanay ang mga guard ng lumabas ang isang lalaking naka shades kahit gabi.

"Welcome back, Mr. Rinaldi," sabay- sabay na bati ng mga ito.

Dumaan siya sa gitna ng mga guard ng hindi ito pinapansin. Pagtapak ng mga paa niya sa entrance ay automatic na umikot ang paningin nito sa paligid. Hanggang tumapat sa akin bago nagbawi ng tingin at umalis. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Naiwan akong nakatayo doon. Hindi ako naaatract sa lalaki. Nagulat lang ako sa pakikitungo sa kanya ng lahat ng mga empleyado.

"Nakaka star struck noh?" wika ng boses ng babae.

"Oo nga. Ang gwapo n'ya!" wika ng isa pa.

"Sino kaya siya?" rinig ko pang komento ng isa pa.

Nilingon ko sila. Yung mga kasama ko pa lang masahista rin. Kumaway ang mga ito sa akin. Pero yung maarte magsalita ay nakasimangot.

Ewan ko ba pero may galit yata siya sa akin. Kumaway lang ako at ngumisi saka sumenyas na mauuna na ako. Isang tango lang ang nakuha kong sagot mula sa kanila.

Pumasok na ako sa dressing room ko saka nagbihis ng uniform ko. Lumabas na ako at dadaan na naman sa may casino. Ang daming tao ngayon. Mas doble kesa noong mga nakaraang araw.

Kasama ko ang dalawang guard na lagi kong bantay. Nauuna yung isa habang yung isa ay nasa likod ko. Suot ko ang Mini dress na kulay itim. Iba iba pala kada gabi ang uniform namin. Depende din sa araw. Kaya black ang suot ko ngayon. Dahil maputi ako ay mas bumagay iyon sa akin.

Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa may entrance ng casino ay tumigil na ang lahat sa ginagawa nila. Lahat ng mata ay nakatingin sa akin. No! Sa mahaba na makinis at maputi kong mga hita sila nakatingin, saka sa dibdib kong tila luluwa na sa suot kong damit.

Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon