Lia's pov
Mula ng pagpasok namin sa silid na ito, siguro mga isang oras na din. Naiinip na ako. Ano ba kasi ang pag aaralan at kailngan pa namin maghintay ng matagal dito?
'Heller! Patuturuan nga daw mag masahe di ba? Kaya maghintay ka! Para yan kay Tita Alice!' bulong ng konsensya ko.
Napasimangot tuloy ako. Hindi ko na maitatago pa ang inis ko sakaling abutin pa kami ng isang oras pa ulit..
Kamusta na kaya ang Tita Alice? Kung hindi siguro niya pinagod ang sarili niya ay tiyak na hindi siya magkakasakit. Masyado kasi siyang masipag..
Ang pag kainip at pag iisip ko ng kung ano ay nawala ng may pumasok sa silid na iyon na dalawang babae.
"Hello, girls!" masiglang bati nito. "Ngayon ay sisimulan na natin ang training. Lahat ng ang ipinunta dito ay maging masahista pwede na kayong sumama sa akin. Ang hindi naman ay maiiwan dito!" wika ng babae. Walang kumilos. Ang lahat ay nakatingin sa babaeng nagsalita. Siguro ay ako lang ang nag aply para maging masahista?
Tumayo ako saka lumapit sa babae. Tumayo ako sa tabi niya. "Sya lang ba? Ang alam ko lima kayo? Nasaan na yung apat?" tanong ulit ng babae.
'Akala ko ako lang. Lima naman pala kami? Bakit hindi pa sila natayo?'
Matapos magtanong ng babae ay tumayo ang apat pang babae. Lumapit sila sa amin.
"Okay! Ang kasama ko na ang bahla sa inyong natira dito!" sabi niya saka binuksan ang pinto at lumabas. Sumunod naman kami sa kanya.
'Ano naman ang gagawin ng mga naiwan sa silid na iyon?' tanong ko sa isp ko.
"Ano kaya ang gagawin ng mga naiwan sa room na iyon?" bulong ng isang babae sa likod ko.
"Duh! Malay namin noh? Who cares ba?" maarteng sagot ng isa.
Oo nga naman. Pakialam ba namin? Basta ako kailangan ko na ng trabaho.
"Ehem! Enough, girls! I'm Suri. You can call me Miss Suri." sita niya habang nakasunod kami sa kanya. Lumiko kami sa isang pasilyo saka pumasok sa isang pinto doon.
"Ito ang training room." binuksan ni Miss Suri ang pinto saka kami pinapasok sa loob noon. " Ang mga nakikita nyo dito ay magagamit nyo sa pagiging masahista! Simulan na natin?"
Tumango kaming lima. "Nakita nyo yung pinto na yan?" Turo niya sa isang pinto na katabi ng pintong pinasukan namin. " Diyan nagbibihis ang mga customer nyo. May mga bathrobe dyan na isusuot nila sa session.Tapos dito..." Turo niya sa maliit na higaan.."...dito nyo sila pahihigain kapag mag uumpisa na kayong mag session sa kanila."
Tumango ulit kaming lima. Nakinig akong mabuti. Alam ko na iyon. Tinuruan ako ni Tita Alice ng mga ganyan noong bata pa ako.
"Mayroon tayong iba't ibang klase ng massage. First, the most common massage is the Swedish massage. Swedish massage is a gentle type of full-body massage. Karaniwan ito sa mga taong; bago pa lang nagpapa massage, mga taong sensitive to touch and a people with lot of tension." huminto siya sandali saka pinakita kung paano gawin.
"Pwede n'yo ito i-aply sa mga taong gusto lang magrelax o i-manage ang minor pain sa katawan nila."
Napatango lang ako sa sinabi niya.
Tulad ng tinuro ni Tita sa akin noon. Ito raw yung pinaka common na masagge sa lahat. Ang alam ko may meron ding tinatawag na Stone massage. Ginagamitan iyon ng heated stone para sa muscle tension, blood flow, stress at relaxation.Meron pang tulad ng Aromatherapy massage, Deep tissue massage,Soft massage, Reflexology, Shiatsu at iba pa na halos pare-pareho lang naman ang treatment. Pero mas pinag aralan ko ang mga Therapy nito.
BINABASA MO ANG
Buying a Prostitute(COMPLETED)
Romance(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya ng mangailangan siya ng pera ay sinikmura niyang mag trabaho sa isang casa bilang masahista. Subali...