BAP: Chapter 4

23.5K 389 1
                                    

Lia's Pov

Eksaktong 10 pm ay nandito na ako sa Casa Blanca. Nakauposa isang mono block chair dito sa loob ng silid na pinagdalhan sa amin kanina. Nakasuot na rin ako ng uniform. At sobra ko talaga itong kinainisan. Masahista ako pero daig ko pa ang prostitute sa suot ko.

Bakit ba hindi ako maiinis? Ang alam ko ay isang blouse at may partner na pants ang uniform namin. Yun pala isang mini dress na parang yung napapanood ko sa mga anime.

Tama, tulad ng iniisip ng karamihan sa amin. Yung maikli na hanggang kalahati ng hita na tipong isang tuwad mo lang eh, labas na ang panty mo. Kainis di ba? Tapos yung harapan ay masyadong revealing. Ang baba ng neckline at halos lumuwa na ang dibdib ko.

My Ghad!

What the fvck!

At eto pa..nakasuot lang naman kami ng medyas na itim hanggang sa may gitna ng hita. Tapos yung buhok namin inayos na para ding anime. Ginawa kaming kaakit akit. Mukha akong prostitute. My Ghad!

Kahit magreklamo ako ay wala akong magagawa. Dahil ganoon ang uniform ng lahat. Kahit saan ako tumingin. Kahit doon sa mga nasa casino kanina ay ganoon din ang suot. Maraming tao kapag gabi. Mga mayayamang businessman, mga pulitiko at mga foreigner.

Noong dumaan nga kami kanina sa casino ay tila ako hinuhubaran sa mga tingin nila sa amin. Halos lahat naman kasi napatingin ay napapalingon kapag my dumadaan doon. Lalo na kapag katulad daw naming bago. Sa mga hita at dibdib namin madalas ang mga mata nila.

Pero dahil sa kailangan ko ng pera kailangan kong magtiis. Kesehodang hubaran nila ako sa isipan nila.

Nang makarating kami sa session room ay nagulat ako sa haba ng pila sa labas. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang pangalan ko sa labas ng pinto ng session room ko.

Damn!

Lahat ng mga nakapila ay matatanda na at mukha pang mga manyak. May mga nakangisi pa pagkakita pa lang sa akin.

'Shocks! Tiis Lia. Hindi ka naman nila siguro i-re-rape. Hahawakan lang nila ang katawan mo pag may pagkakataon sila. Fvck!' bulong mng utak ko.

Nasa ganoon akong pag iisip ng may humawak sa balikat ko na agad kong ikinalingon.
"Relax! They' re not going to rape you! Bawal iyon dito!" Lumuwag ang paghinga ko ng marinig iyon. Atleast, hindi nila ako i-re-rape.

Pumasok na ako sa loob. Sa pagpasok ko ay mag uumpisa na ang trabaho ko. Napansin ko din na may bantay sa labas na puro armado. Kaya siguro nila nasabi na hindi ako mare-rape. Okay na din!

Inayos ko ang lahat ng gagamitin. Saka tinawag ang unang customer.

"Pasok na po kayo," tawag ko sa unang customer na iginiya pa ng guard na nasa labas. Lahat kaming masahista ay may bantay.

Pumasok na ito sa loob. "Ano po ang session na gusto nyo?" tanong ko.

"Body massage na lang. Gusto kong madama kung gaano ka galing magmasahe," sabi niya sabay kindat. Napalunok ako pero hindi ako nagpakita ng takot.

"Ganoon po ba Sir? Ako na po ang bahala sa inyo! This way po. Palit po muna kayo ng damit. May robe po dyan!" Iginiya ko siya sa isang maliit na room kung saan pwede silang magpalit ng damit.

"Pakihubad na lang po ng damit nyo maliban sa brief or boxer nyo!" pahabol ko pa. Ngumisi lang siya sa akin.

Mabilis kong inayos ang gagamitin para sa body massage. Mga 5 minutes ng lumabas si Sir na nasa edad 40's na siguro.

"Are you ready Sir?" tanong ko saka ngumiti.

"Always ready miss Lia. Galingan mo ha!" Bago siya dumapa sa maliit na higaan.

Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon