BAP: Chapter 9

19.2K 333 6
                                    

Pagbalik namin sa Casa hindi ko alam na ngayon din pala ang alis namin papunta sa Macau. Ang akala ko kaming masahista lang ang kasama, pero nagkamali ako. Ang halos lahat ng kasabay ko ng pumasok noon sa casa ay kasama rin.



Pinasakay kami sa isang bus. Ito yata ang magdadala sa amin sa airport. Kasama rin sa bus si Madam Lucia na nakangisi habang nakatingin sa aming lahat.




Pagdating ng aiport may naghihintay na doong private plane na sasakyan namin papunta ng macau. Hindi ko na nagawang mamangha sa ganda ng eroplano dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi lang siguro pagiging masahista ang gagawin namin doon.




Isa isa kaming pumasok ng eroplano. Pinaupo kami ng samasama sa isang part doon.



Saktong pag upo namin ay siyang rinig namin sa boses ng piloto.


'This is a private flight heading to Macau! Please fasten your seatbelt! Where ready for take off!'


Tahimik kaming nagseatbelt. Mayamaya ay ramdam ko na ang pag angat ng eroplano. Ito ang first time kong sumakay sa eroplano pero hindi ko ma-enjoy. Dahil pag baba namin sa Macau tiyak na magbabago na ang buhay ko. Ang tahimik at simple kong buhay ay wala na.




Pagkatapos ng take off, nasa ere na kami. Ang boses ni Madam Lucia ang umagaw ng atensyon namin.



"Girls, listen! Gusto kong pagdating natin sa Macau ay walang maging problema. Sundin n'yo lang ang gusto ko at hindi kayo masasktan!" nakangising sabi niya.



May nagtaas ng kamay. Magtatanong yata."Ano po ba ang gagawin namin sa Macau?" lakas loob na tanong niya. Oo nga. Ano ba talaga ang trabaho namin doon?




"Madali lang naman. Mag i-entertain lang kayo ng mga costumer sa Casa Blaca. Kung ano ang gusto nila ay gagawin n'yo!" kampante niyang sagot.




What the fvck!
Ibig sabihin magiging entertainer kami? Kaya pa iyon ng sikmura ko. 'Wag lang ang magbenta ng katawan. Kaya ko silang sayawan kung iyon ang gusto nila.



"Sus, entertainer lang pala. Kaya namin gawin yon. Sasayaw at gigiling sa harap ng costumer!" confident sa sabi ng isang babae. Ngumunguya pa siya ng chewing gum.




"That's the spirit! Sana magawa n'yo iyan mamaya dahil maraming costumer na darating ang Casa! Mag beauty rest muna kayo, ha!" saka siya umalis doon at pumasok sa isang kwarto doon.




Ipinikit ko ang mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Isang himas sa braso ko ang nagpabalikwas sa akin. Pagdilat ko si Bogart ang nakita ko.




"Buti at gising kana. Sayang ang kinis mo pa naman. Ang sarap mong panggigilan!" nakangisi ito sabay basa sa labi niya.




Yuck!


Ewww!
Pinunasan ko ang hinawakan niya. Nakakakilabot.



Tumawa siya ng malakas. "Bumaba kana. Nasa labas na silang lahat." tumalikod na siya at lumabas kaya sumunod na ako sa kanya.



Paglabas ko may bus naman doon na sasakyan namin. Sumakay na ako dahil nakasimangot na si madam Lucia.



Umalis ang bus ng airport. Sa tantiya ko aabutin kami ng isang oras bago makarating sa Casa Macau. Maganda pala dito sa Macau. Sabi nila ay ito raw ang Las Vegas ng Asia. Pero nandito rin sa Macau ang mga sikat na sindikato sa Asia. Hindi ko lang alam kung kabilang doon ang mga DelaVega.




Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon