Ilang araw na rin mula ng masaksihan ng dalawang mata ko ang taglay ng amo namin.
Oo. Si Alejandro DelaVega. Siya lang naman iyong nakita ko kasama ang isang maarteng babae. At kilala ko na kung sino.
Papasok na ako ulit sa Casa. Okay na si Tita Alice kaya masaya ako ngayon. Malaki ang nakukuha kong tip gabi- gabi. Pwera pa yung bayad sa akin kaya talagang malaking tulong sa amin.
Papasok pa lang ako sa lobby ng may humarang sa akin..
"Hi!" masiglang bati niya sa akin. Parang walang nangyari ah.. 'Gaga wala talaga dahil hindi niya alam na nakita mo siya habang gumagawa ng milagro.'
Pilit akong ngumiti. "Hello, Sir?" nag aalangan bati ko na ikinatawa nito.
"You know what? Your making me laugh! I like you because of that!" eh di wow. Ang bilis ah. Wala naman nakakatawa pero naisingit niya at napatawa pa kunwari. 'STYLE mo DelaVega..Gamit na!'
"Hahaha..Masyado kang mabilis Sir, ah.." tawa ko kunwari. Totoo naman kasi eh.
"Ang galing mo mag observe ha..Napansin mo agad!" weh di nga? Obvious kaya. Hindi porket virgin ako magpapauto ako sa iyo!
"Oo naman, Sir. Bago kasi 'yong da moves mo eh!" pasaring ko pa. As if naman na mahuhulog ako sa ganyan. Virgin lang ako pero hindi ako tanga..
"Hahaha nakakatawa ka talaga. Bago ba yun? Wala pa nga akong ginagawa eh." wala pa nga. Kaya hindi ko na hihintayin na may gawin ka. Napatingin ako sa relo ko.
Holy Cow!
Lagot! Tiyak mahaba na ang pila sa session room ko.
Napansin yata niya ang pagkabalisa ko. "Ah, Sir. Excuse po muna ha..Kailangan ko na pong unalis. Tiyak mahaba na ang pila sa session room ko. Lagot ako kay Madam pag nainip ang mga iyon!" wika ko.
"Ohh....oo nga pala. Sige, see you later!" see you later ka dyan. Ayoko nga!
"Bye po!" saka ako mabilis tumakbo papasok sa lobby. Hindi ko na siya hinintay na sumagot.
Pagdating ko sa session room ay mahaba na nga ang pila.
"Pasensya na po kung naghintay kayo ng matagal. Kinausap kasi ako ni Mr. DelaVega." hinging paumanhin ko.
"Pwede na pong pumasok ang nasa unahan." tawag ko sa nauna sa pila. Hindi na ako dumaan sa casino para lang makaabot at hindi malate ng tuluyan.
Body massage ang pinagawa niya. Pati na din ang mga sunod hanggang sa matapos ang session. Napagod na naman ako. Pero makita ko lang ang masyang mukha nila pagkatapos ay masaya na din ako.
Bago pa ako makalabas sa session room ay pumasok na si Kuya guard.
"Miss Lia, pinapapunta ka sa casino." wika niya.
Bakas ang pagkagulat sa akin. "Bakit daw po?" tanong ko.
"Hindi ko alam. Pero sa tingin ko si Mr.DelaVega ang nagpatawag sa iyo." sagot niya.
Napasimangot ako. "Hay! Gagawin talaga niya ang lahat makuha lang ako." inis na wika ko.
"Kaya mag ingat ka. Wag kang iinom ng kahit na ano kapag may nagbigay sayo. Babantayan kita doon." sabi ni Kuya guard. Buti naman. Kahit paano safe ako. Pero paano niya ako babantayan? Bahala na nga.
Lumabas ako ng session room. Nagsuot lang ako ng jeans at tshirt na palagi kong sinusuot. Kahit may naiipon na ako ay hindi ako mahilig gumastos. Wala akong alam sa fashion. Kung ano lang ang sa tingin ko ay komportable ang isinusuot ko.
BINABASA MO ANG
Buying a Prostitute(COMPLETED)
Romance(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya ng mangailangan siya ng pera ay sinikmura niyang mag trabaho sa isang casa bilang masahista. Subali...