"Target, spotted!" mahinang bulong ko sa maliit na device na nakakabit sa isa kong tenga. Sinisilip ko ang target sa isang sniper assault rifle na dala ko. Nasa loob ako ng isang mataas na building. Walang makakahalata na dito ako nagtatago dahil sa natatakpan ng isa pang building ang kinalalagyan ko. Nakikita ko lang ang target dahil sa glass window ng building na nasa unahan ko. Actually, nasa likod ako ng isang exclusive hotel na tinitirhan ko pansamantala habang nandito sa bansang ito.
Ang aking target ay isang kilalang Iranian phycisist. Si Ab Nabal Haram. Isa siyang member ng terrorist group na gumagawa ng mga bomba. Ibebenta sa ibang part ng middle east at gagamitin sa US forces. Kaya siya pinapa assassinate sa akin.
"Okay. Wait for the clear shot!" sagot ng partner ko. Si Gray. Hindi ko talaga siya partner, pero dahil sa walang may gusto na samahan ako sa misyong ito, siya ang temporary partner ko. Okay lang naman sa akin dahil kilala ko na siya. Siya din ang madalas kong kasama noong nakaraang anim na buwan. Siya ang training partner na ibinigay sa akin kaya gamay ko na kung paano siya magtrabaho.
I've waited until their guards down. Yung tipong kita ko na ang kalahati ng kanyang ulo. Huminga ako ng malalim saka kinalabit ang gatilyo ng sniper rifle ng maasinta ko ng kahit kaunti ang ulo niya. Tatamaan iyon ng bala once na maglock sa telescope ang target. Kahit makaiwas siya susunod ang bala sa kanya. Iyon ang bagong develop na assault sniper rifle ng mafia. Kaya pinili nila iyon ang subukan sa misyon na ito.
Matapos makalabit ang gatilyo. Mabilis na lumipad ang bala palapit sa target. Naka silencer ang rifle na gamit ko kaya hindi nila malalaman kung saan magmumula ang bala. Agad akong napangisi ng makita ko ang pagtagos ng bala sa ulo ng target. Nagkagulo doon sa kabilang building dahil sa pagtumba ng Iranian phycisist.
"Target down! I repeat, target down!" mahinang bulong ko. Mabilis kung inayos ang mga gamit ko saka ipinasok sa loob ng unit na inoocupy ko.
" Copy! Good job, Hell! Prepare your things. We're leaving this hotel in a minute." iyon ang sagot ni Gray. Agad kong naitago ang mga ginamit ko sa isang bag saka dineretso iyon sa loob ng basurahan kung saan dadaan sa harap ng unit ko si Gray na isang hotel crew. Bago ko simulan ang assassination ay nakatawag na ako para mag order ng pagkain. Si Gray ang magdadala noon kaya siya na ang bahalang maglabas ng mga ginamit ko kanina.
Naglakad ako palapit para ibigay kay Gray ang bag. Pagtanggap niya noon ay agad niya iyong inilagay sa ilalim ng cart na dala niya bago siya naglakad paalis. Kakain muna ako. Pagkatapos ko ay dumiretso ako sa elevator. Magche-check out na ako dahil 30 minutes na lang tapos na ang hotel reservation ko dito.
Paglabas ko sa hotel ay siya namang pagtigil ng isang black Bugatti Veyron Super Sports 2017 edition. Sakay na noon si Gray. Mabilis akong sumakay doon saka niya ito pinahaharurot. Pero hindi pa kami nakakalagpas ng intersection ay may bumuntot na agad sa kotse na sinasakyan namin.
"Gray, black cars are tailing us." sabi ko habang nakatingin sa likuran. Lumingon siya sandali bago mas binilisan pa ng pagtakbo ng sasakyan. Mabilis ang pagsunod nila sa amin kasabay ng pagpapaputok ng mga ito.
Inilabas ko ang armalite ko at inasinta ng ayos ang gulong ng sinasakyan nila. Tinamaan ko ang gulong ng tatlong sasakyan pero may nakasunod pa rin. Malapit na sila kaya naman mas binilisan pa ni Gray ang sasakyan.
Halos 200 kilometer per hour ang takbo namin pero hindi maiwanan ang nasa likuran. Nakabuntot pa rin ang mga ito. Ngayon ay nagtataka na ako kung sino ang humahabol sa amin. Alam naming pareho ni Gray na malinis ang ginawa naming trabaho kaya naman nakakapagtaka ang nangyayari. Mabuti na lang at nakalabas na kami ng syudad. Wala ng kabahayan at puro puno na lamang ang nasa paligid. Diretso na rin ang mga kalsada sa parteng iyon ng lugar.
BINABASA MO ANG
Buying a Prostitute(COMPLETED)
Romance(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya ng mangailangan siya ng pera ay sinikmura niyang mag trabaho sa isang casa bilang masahista. Subali...