BAP: Chapter 13

17.8K 325 16
                                    



Malakas ang tibok ng puso ko. Parang nasa isang karera at hinahabol ng demonyo. Ganyang ang pakiramdam ko ngayon. Pinasok ko ang silid ng kung sino. Hindi ko alam kung ligtas ba ako rito.



Imagine this place, lahat ng nasa lugar na ito ay myembro ng Mafia DelaVega. Kung hindi man ay tapat sila mga ito. Kaya kung sino man ang makakita sa akin ay tiyak na ang katapusan ko.



Kung kanino mang silid ito sana walang tao. Tahimik sa loob. Madilim. Nakatayo ako sa tabi ng pinto at nakikiramdam sa paligid. Lalo na sa labas.



Hindi ko rin marinig ang mga yabag nila dahil sound proof ang lahat ng kwarto ng hotel. Isa na lang ang magagawa ko.


Lumapit ako sa pinto at sumilip sa peephole. Hindi ako nagkamali. Nagtatakbuhan ang mga tauhan ng Mafia DelaVega. Tiyak din na bawat floor ng hotel ay may bantay.



Paano ako makakalabas dito? Walang ngang tao dito sa silid na ito pero hindi ako pwedeng magtagal dito. Once, na malaman ng nakatira rito na nagtatago ako dito ay may possibilities na isumbong niya ako.

Dapat makaisip ako ng paraan. Kahit madilim sa loob ng unit na iyon ay nagawa kong makalapit sa may bintana. Sinilip ko iyon kung maari ba iyong daanan palabas.



Mataas ang floor na iyon. Siguro nasa 15th to 20th floor ang kinalalagyan ko. Masyadong mataas. Mahangin sa labas at tanging ilaw mula sa hotel ang nagsisilbing liwanag sa labas.


Kung sa bintana ako dadaan hindi ako mahuhuli pero siguradong patay din ako kapag nahulog ako.

Napabuntong hininga ako! Lord, ngayon na ba ako mamatay? Dito ba sa impyernong lugar na ito?


Mamatay ba ako ng hindi man lang nakikita si Tita Alice? Hindi ko man lang nakilala o nakita man lang ang mga magulang ko? Bakit masyadong unfair ang buhay para sa akin? Himutok ko habang nakatingin sa labas ng bintana.


Aalis na sana ako doon ng may maramdamang gumalaw sa likod ko. Humarap ako ngunit ganoon na lamang ang takot ko.


Naramdaman ko ang malamig na bagay na nakatutok sa noo ko. Sh*t! Katapusan ko na talaga. Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya. Ganun ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko narinig ang pag bukas ng pinto?


Naitaas ko ang dalawa kong kamay. May nakatutok na baril sa ulo ko kaya hindi ako makagalaw.

"Who are you? What are you doing in my Room?" tanong ng ma awtoridad na boses. Ang lamig na boses niya na nagpatayo sa balahibo ko sa batok.


Sh*t!


'Sagot Lia, kung hindi mamatay ka!'

"I-i a-am s- sor-ry...I-i h-have to h-hide..." utal na simula ko. Huminga ako ng malalim upang makontrol ang kaba na nagsimula ng bumangon sa dibdib ko. "..and your room is not locked that's why I enter here. I am sorry!" wika ko sabay yuko.



Naramdaman ko ang paggalaw niya. Umatras ito. Siguradong bubuhayin niya ang ilaw. Nakayuko pa rin ako ang buhok ko ay nakasabog sa mukha ko kaya hindi ko siya makita. Nag umpisa ng sumabog ang liwanag sa paligid.



Nanatili akong nakayuko. Nag uumpisa ng maglandas ang luha ko. Tiyak na isusumbong niya ako sa mafia. Kailangan kong magsalita.


"Please don't tell them that I am here! They gonna kill me. I know mafia DelaVega are still chasing me. Alajendro DelaVega might kill me!" pagmamakaawa ko.


Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon