"Tita Alice?" sabay na tanong Ni Gray at ng nanay niya.
Now I feel betrayed. Really!
Big time!
Hindi ko pinansin ang tanong nila. Naka focus lang ako kay tita Alice.
Hinihintay ko ang pagsagot niya. Tulala pa rin siya.
"Tita Alice? What are you doing here? I thought you're in the Philippines right now!" I coldly said.
Huling nakita ko siya sa hospital. Ang sabi niya sa akin ay okay lang ang magiging lagay niya. Humingi siya ng tawad kasabay ng binigay niyang sulat na hindi ko naman nabasa. Nagtiwala ako pero hindi ko naisip na ganito kaayos ang magiging lagay niya. She feels at home.
At ang nakakainis pa hindi man lang niya ako hinanap. Kung ganito ang kalagayan niya ay may kakahayan siyang hanapin ako. Pero walang hanapang nangyari. Kung nandito si Gray at kilala din niya ako ay may possibilities na kilala din niya si Tita Alice.
Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Ano ba ang totoo sa hindi? Lahat ba ng alam ko ay puro kasinungalingan lang?
"Lia, pamangkin ko. Akala ko hindi na kita makikita ulit. Buti naman maayos ang lagay mo!" naiiyak na wika niya sabay yakap sa akin. But, I didn't hug her back. I don't let my emotion eat me. I need an explanation.
"Really, Tita? You are here, so, I think you are capable of finding me. Pero ano? Kung hindi pa ako nakarating ng Russia, magkikita kaya tayo?" nang uuyam na tanong ko sa kanya.
"Lia, I will ex...." pinutol ko ang sasabihin ni Gray.
"Isa ka pa! I thought all this time you are my knight, my protector. But what did you do? You betrayed me! Of all people na akala ko kakampi ko. Kayo pa ang manloloko sa akin?" galit na sigaw ko sa kanila. Nagsimula akong umatras. Dala ko pa din ang gamit na meron ako pati na ang passport ko. Makakalabas ako ng bansang ito sa ayaw o sa gusto nila.
Tinungo ko ang pinto saka nagsimulang lumabas. Hahakbang na sana ako palabas ng biglang may magsalita.
"Hindi ka pwedeng umalis, Lia. Hindi ako papayag na umalis ka!" sigaw ni tita Alice.
"Aalis ako at hindi n'yo ako mapipigilan!" sigaw ko sa kanila. Lumabas ako ng mansyon na iyon. Pero naagaw ko ang atensyon ng mga tao doon.
"Hindi ka aalis. Kayo! Pigilan siya pero wag n'yong sasaktan!" muling sigaw ni Tita Alice.
Napangisi ako. Hindi daw ako sasaktan? Nagpapatawa ba sila? Kung gagawin nila iyon, p'wes sila ang masasaktan. I prepared my self from the sudden attack.
Humarang ang lahat ng nakakita sa amin. Pati na yung lalaki na bumati kay Gray kanina. I started to get pissed. Kapag ako hindi nakapagpigil mapapatay ko silang lahat. I release my intimidating aura. I stand straight and stared them one by one.
Hindi ako kumilos. Tinitigan ko sila pero wala ni isang kumilos sa kanila. Akala ko ba pipigilan nila ako? Nilingon ko sila Tita Alice at Gray. Nakatayo lang din sila. I smirk!
Nagsimula na akong maglakad. Lahat ng mata nakasunod sa akin. Naglakad lang ako na tila wala sila sa paligid. Nang may maramdamang palapit na bagay sa akin ay agad akong gumilid. Hinuli ko ang bagay na iyon gamit ang dalawa kong daliri.
Tiningnan ko iyon. Mas lalo akong napangisi. "Really, Tita Alice? Alam kong sa iyo ito galing. Tinuruan mo ako dati ng mga ganito di ba? Pero mas mahirap pa ang dinanas ko noong maging assassin ako. Kaya kong ako sa inyo, wag ninyo akong susubukan." banta ko sa kanila saka nagsimula na ulit maglakad.
BINABASA MO ANG
Buying a Prostitute(COMPLETED)
Romance(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya ng mangailangan siya ng pera ay sinikmura niyang mag trabaho sa isang casa bilang masahista. Subali...