"I need an explanation, Alicia!" seryosong saad ni mommy. I have to find her but, I don't let my mom to get pissed. Masama siyang magalit. Kinakabahan ako sa mga itatanong niya. Aminado ako na may pagkakamali akong nagawa ng hindi ko sabihin kay Lia ang totoo kong pagkatao. Pero mas kinakabahan ako para kay Tita Alice.
Tita Alice is dad's younger sister. Actually half sister lang siya. Kapatid siya sa nanay. But dad, Lionel Rossi treats her as his real sister. Sobrang mahal niya ang kapatid niya. Kaya naman ng konatakin siya ng kapatid niya ay dinala niya ito dito sa Russia ng matagpuan niya sa Pilipinas.
And now, mommy Grace demand her an explanation. Ang side niya kung ano ba talaga ang nagyayari.
Nakaupo kami sa couch. Magkatabi kami ni Tita Alice. Habang sa katapat na couch naman ay nakaupo si Mommy. Nakita ko ang pag baba ni Leo mula sa hagdan. May benda na ang braso at hita niya. Naupo din siya sa single couch habang nakatingin sa amin..
"So, start explaining Alicia. Don't make me wait!" she seriously said. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa maamo niyang mukha. Pareho sila ni Lia.
Nagtinginan muna kami ni Tita saka ako tumango.
"Her real name is, Helliana Chase Rossi. And she is your daughter, Graciella," she said na ikinagulat namin. Maski na ako. Hindi ko akalain na siya ang nawawalang anak ng mga Rossi. Pero bakit siya napunta kay tita Alice?
Sa pagkakaalam ko, nawala ang anak nila noong baby pa lamang ito. Sinasabi nila na may kumuha sa bata noong nasa Italy sila. Si tita Alice ba ang kumuha sa bata? Bakit?
Napatingin ako kay mommy. Bakas sa mukha niya ang galit at pangungulila. "Ikaw ang kumuha sa kanya? Kaya pala nawala ka ng matagal na panahon!" galit na sigaw niya. Naiiyak na ito sa sobrang galit. Maging si tita Alice ay naiiyak na rin.
"No! Hindi ako ang kumuha sa kanya!" rinig kong sagot niya.
"Kung hindi ikaw bakit hindi mo siya ibinalik sa amin? Matagal namin siyang hinanap! Alam mo iyon!" humagulgol na sa iyak si mommy kaya naman tumayo ako saka siya nilapitan at niyakap.
"Oo, alam ko! Pero may dahilan kung bakit hindi ko siya ibinalik sa inyo!" mahinang sambit niya pero rinig naman namin. Napatingin siya sa akin pati na kay Leo. Tumango lang ang lalaki. Handang makinig.
Si mom naman ay patuloy pa rin sa pag iyak, pero alam ko na nakikinig siya.
"The day na mawala siya, papunta palang ako sa bahay nyo sa Italy. Sinabi sa akin noon ni mom na nasa mansyon na nga kayo kasama ang anak ninyo. Sinabi niya na kung maaari ay ako ang magbantay sa bata habang nasa party kayo. Maraming tao noon sa mansyon dahil iyon ang celebration ng five years anniversary ng organization at ipapasa ang pamamahala kay kuya. Busy ang lahat ng dumating ako. Dumaan lang ako kay mom, saka nagpunta sa kwarto ng bata.
Pero pagdating ko doon, wala na siya. Hinanap ko siya. Halos nalibot ko na ang buong mansyon ng walang nakakahalata na may hinahanap ako. Dumaan ako sa back door noon, nagbakasakali ako na doon dumaan ang kumuha sa bata. Hindi nga ako nagkamali. Tumatakbo ang dumukot sa kanya saka sumakay sa isang van. Hinabol ko sila noon. Unang beses akong nakipaghabulan gamit lang ang motorsiklo na nakuha ko sa likod ng mansyon." tumigil muna siya saka kami tiningnan. Huminto na sa pag iyak si mom dahil sa naririnig niya.
"Sinundan ko sila hanggang sa tumigil sila sa abandonadong bodega. Doon nila dinala ang bata. Nakipaglaban ako doon, hanggang sa dumating ang mastermind nila. Tinanong ko sila kung bakit gusto nilang kunin ang bata. Ang sagot niya, para mapilayan ang mga Rossi. Kapag nawala ang anak nila ay hindi sila makakapag focus sa organisasyon na siya naman nangyari noong mawala ang bata. Nilabanan ko sila pero marami sila." ramdam ko ang paghihirap ni Tita Alice ng sandaling iyon. Ang ikwento at balikan ang pangyayari na muntik na niyang ikamatay.
BINABASA MO ANG
Buying a Prostitute(COMPLETED)
Romance(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya ng mangailangan siya ng pera ay sinikmura niyang mag trabaho sa isang casa bilang masahista. Subali...