BAP: Chapter 14

18.3K 333 9
                                    

*Mr.Rinaldi/Mr.Shades' pov*

Isang buwan akong hindi nakapunta ng Casa Blanca dahil sa pagiging busy. Nalaman ko rin na wala na sa casa si Lia. Nalaman ko iyon Kay Gray na laging nagbabantay sa kanya. Dinala raw siya sa Macau kasama ang mga karamihan sa babae nila rito.



Inis akong napamura. "F*ck!" Kung nasa Macau siya isang lang kahihinatnan niya. Maari siyang ibenta doon. Hindi ako makakapayag! Walang sino man ang pwedeng gumalaw sa kanya.




Because of frustration. I flew to Macau. I used my private plane. No one could dare to touch her. I'm gonna kill them all!




Kaya pala kating-kati ang paa kong makabalik agad ng Pilipinas dahil may mangyayaring hindi ko magugustuhan.



Alam ko na sa Casa Blanca sa Macau siya dadalhin. Pagdating doon ay agad akong nagpunta sa Casa. Ang Casa Blanca Hotel and Casino. Nagpareserve ako ng room doon. Doon ko balak mamalagi hanggang hindi ko siya nakukuha.


Nabalitaan ko sa ibang costumer na may namatay doon. Isang costumer daw na inatake sa puso habang may kasamang babae. Bigla akong kinabahan. Sana hindi siya iyong kasama.

Pinaimbestigahan ko iyon. Ganoon na lang ang gulat ko ng malaman ko na si Lia nga ang babaeng kasama nung matanda. Mabuti nalang at walang nangyari sa kanila.


Nung sumunod na gabi. Hindi ako nakapunta  nung time na ibebenta ulit sila. Nagkaroon ako ng biglang meeting. Nalaman ko nalang na kasama ulit siya sa nabili.


Pinasundan ko pa siya noon. Lumabas sila, kasama niya ang isang Chinese bussinesman na lasing na lasing. Wala namang nangyari sa kanila pero nabalitaan ko na kinabukasan ay namatay din iyong lalaki. Ang sabi ng doctor na tumingin daw sa bangkay ay namatay ito dahil sa sobrang caffein. Lumabas sa laboratory na na-overdose ito. Ewan ko kung paano pero masaya ako sa nangyari.




Kaya kagabi. Iyon na ang huling pagkakataon ko. Aalis na ako bukas kaya pinilit ko na makapunta sa Buyer's Choice upang makita si Lia kung nandoon siya. Hindi naman ako nabigo.


Sa loob ng isang kwarto, nakatayo siya doon. Kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon.


"I want to buy that girl!" turo ko kay Lia.

"Who's girl Mr. Rinaldi?" tanong ni Madam Lucia.


"The girl with red dress. Everyone knows her. Sa Pilipinas pa lang," sagot ko. Napangisi siya saka nagsalita.



"She's priceless! But, if you want I give her to you....in a high price!" tusong sabi niya. Alam ko ang gusto mo tanda. Ibebenta mo siya ng mahal.


"Ofcourse. I will buy her! Not her time. But, she, herself!" diretsong sabi ko. Alam ko hindi niya ibibigay basta basta si Lia kaya handa na ako doon.



"You want her that much, huh?" tanong niya ng may pang uuyam.


"Yes! I will give you 1 million. Just give her to me!" alok ko sa kanya. Kita ko ang paglapad ng ngiti niya.



"That's not I expected you Mr. Rinaldi. She's our asset. And 1 million pesos is not..." I cut her off.


"1 million dollars, Madam Lucia. Not a peso." I said seriously. Mas lalo siyang napangiti ng malapad.


"Hmmm...A high price for that girl huh? Not bad! She's all yours! Sign a contract!" agad niyang  iniabot ang contract sa akin. Pinirmahan ko iyon agad.



"Deliver that girl to me as soon as possible. And don't fool me Madam Lucia. You all know me!" banta ko saka ako mabilis na tumalikod at umalis.



Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon