BAP: Chapter 23

14.2K 239 10
                                    


Gray's pov

Namumutla siyang lumabas sa opisina ni Mr. Rinaldi. Naabutan niya akong nakatayo sa labas noon.

"Hey, Are you okay?" kunot noong tanong ko.

Mabilis niya akong hinila at dinala sa kwarto niya. Mabilis niya iyong isinara saka padausdos na napaupo. Humagulgol na ito ng iyak.


"He....he was...plan...ning...to....k-kill...you...Gray.." putol-putol na sabi niya habang naiyak.

Matapos kong marinig ang sinabi ni Lia, naikuyom ko ang kamao ko. Alam ko na ayaw niya ang pagdikit ko kay Lia pero hindi ko maiwasan. Habang humahagulgol siya ay nakabuo na ako ng plano sa aking isipan.

"Shhhh... Don't worry. He didn't mean that. He can't kill me right now. He wants me to help you in your mission. Kaya naman hindi pa niya ako papatayin." saka ako ngumisi. Kitang kita ko ang pag angat ng mukha niya na tila naguguluhan.

"Nagtatagalog kana? Bakit?" tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako saka pinahiran ang luha sa mata niya.

"Tayo lang naman dalawa eh. Lahat naman dito nagtatagalog. Hindi mo lang naririnig. Saka nagtatagalog talaga ako kahit noong sa Pinas pa." sabi ko na ikinatawa niya. Totoo naman kasi. Lahat dito ay nagtatagalog kahit na nasa Italy kami. Pero hindi ito ang oras para doon. Kailangan naming magplano para maisagawa na ang mission niya.

"So, sino ang malas mong target?" tanong ko sa kanya. Binuksan niya ang folder saka kinuha ang laman noon. Inilahad niya sa lamesa ang mga papel saka namin iyon binasa.

"Lionel Rossi?" pagbasa niya sa pangalan na nakasulat sa isang papel. Mabilis ko iyong inagaw sa kanya kaya naman napakunot ang noo niya sa ginawa ko.

"Sorry." hingi ko ng tawad, saka binasa ang nasa papel. Kung ganoon siya ang next target ni Lia? Sa kanya talaga ibinigay ang misyon na ito?

"Huh? Bakit? Kilala mo?" mabilis akong tumango. Kinuha ko ang passport ni Lia saka siya niyaya na lumabas.

Hinila ko siya papunta sa kotse ko. Pinasakay ko siya doon kahit na naguguluhan siya.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa akin.

"I will explain later. But, for now let's go somewhere else." pagkasabi ko noon ay mabilis kong pinaandar ang kotse ko saka may tinawagan.



"Ayusin n'yo na ang sasakyan. Aalis kami ngayon din. Oo. Kailangan namin makarating doon. Asap!" saka ko pinatay ang tawag.


"Hoy, Gray. Saan tayo pupunta?" ulit na tanong niya. Ngayon bakas na ang inis sa mukha nito.




"Pupunta tayo sa target mo." iyon na lang ang sinabi ko sa kanya. Sisiguraduhin ko na hindi kami masusundan ni Rinaldi sa pupuntahan namin.



Bigla akong natahimik. Alam ko na nabasa niya ang profile ng target ko pero hindi ko alam na ganito ang gagawin namin.



Sa mga oras na ito ay sakay kami ng private plane na papunta sa kung saan. I know that my target is in USA right now. Ngunit ang byahe ng private plane ay papunta sa ibang lugar. Hindi ko naman makausap si Gray dahil marami itong ginagawa. Hinayaan ko na lang siya na humarap sa laptop niya kaya nanahimik na lamang muna ako. Pero ang ikinagulat ko ay ang announcement pilot..



'Please fasten your seatbelt, we will be landing in Moscow, Russia in any minute..'



Holy sh*t!


Russia? Ang layo ng USA sa Russia? Paano kami napunta sa lugar na ito? At ano naman ang gagawin namin sa bansang ito?



Kinakabahan ako ng sobra. Sa dami ba naman ng bansang pwede naming puntahan, bakit dito pa sa Russia?



Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon