BAP: Chapter 7

21.6K 338 4
                                    

Lia's Pov






Dahil sa nagkakainitan na ang mga nandito sa casino, naisip ko na ako na lang ang magbibigay ng game sa kanila.





Wala akong alam sa poker kaya hindi ko alam kung sino ang mananalo. Kaya oras na siguro para ako ang pumili ng laro.




"POKER ang lalaruin natin!"




"Nope!"




"Bakit natatakot ka bang matalo kita sa poker?" wika ni DeleVega. Balak niyang inisin si Mr.Shades pero hindi siya pinapatulan.





Naririndi na ako sa kanila. "Walang maglalaro ng poker. Ako ang magbibigay ng game!" lakas loob na sabi ko.




Napatingin ang lahat sa akin. "What? No, Milady! Poker ang lalaruin namin."





Konti na lang talaga..Malapit na akong mainis. "Kung poker ang lalaruin nyo, wag n'yo akong idamay sa pustahan!" asik ko sa kanya. "At kahit boss kita, wala kang karapatan na ipusta ako dahil hindi mo ako pag aari!" inis na singhal ko sa kanya.





Natahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Lahat ay naghihintay kung ano ang magiging desisyon ng dalawa.




"Fine. You can choose what game we should play!" Mr.Shades.




Napangiti ako dahil sa narinig. Pabor sa akin ang laro na mapipili ko. Sisiguraduhin ko na walang mananalo.





"Okay. What game you want us to play?" DelaVega.




Ano nga ba ang maganda? Dapat hindi cards dahil laman ng casino ang dalawang ito. I'm sure na master na nila ang lahat ng card games.





'Isip Lia..Anong game ang alam mong hindi ka malulgi?' sa kaiisip ay biglang may nag pop up sa utak ko.




"Okay, maglalaro kayo ng basketball! One on one!" wika ko ng may ngiti sa labi.





"What?" Mr.Shades



"No!" DelaVega



Halos sabay na wika nila. Kita ko sa kanilang dalawa na ayaw nila ng basketball. Kaya iyon na lang ang i-pinush kong lalaruin nila.




"Ayaw n'yo? So, pwede na akong umalis?" hamon ko sa kanila. Tumayo na ako at akmang aalis na ng sabay rin silang sumagot.




"Fine!" Wika nilang dalawa



Ang ngiti ko ay napalitan ng isang ngisi. It's my time na paglaruan kayo ngayon. Hindi ko gusto na pagpustahan n'yo ako kaya makaganti man lang ako ay masaya na ako.




Alam kong hindi sila mahilig maglaro noon. Dahil lagi sila sa casino o kaya sa gym siguro.





"Ang game, basketball. Best of five! Ang manalo gagawin ang pustahan n'yo!" may kompiyansang wika ko.






Dahil alam na nila ang game. Nag umpisa na silang kumilos.
Sa taas ng hotel na ito ay may basketball court. Tiyak doon sila maglalaro.





Umakyat na kami sa rooftop. Doon gaganapin ang game. At dahil ako ang nakaisip mg laro. Tinanong ko si Kuya Gray kung marunong ba siya ng basketball.



"Kuya Gray marunong ka bang magbasketball?" curious kong tanong.




Sana marunong si kuya. Marahan siyang tumango. "Oo. Mahilig ako maglaro ng basketball. Alam ko lahat tungkol doon. Bakit?" balik tanong niya sa akin.





Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon