Chapter 5 Part 1

7.5K 151 4
                                    

“WOW…” buong paghanga niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng manggahan na lahat ng puno ay hitik na hitik sa bunga. “You have a really great farm,” sabi niya dito habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.
“Thank you, we also breed different kinds of horses here,” sagot nito sa kanya.
Excited siyang napatingin dito. “Horses? Can I see them?” Matagal na din siyang hindi nakakasakay ng kabayo. Iyon lang ang tanging libangan niya noon sa farm nila.
Tumingin ito sa kanya. “Some other time, marami pa tayong dapat gawin,” pagpapa-alala nito sa kanya.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tumango. “Sorry,” muli niyang ibinalik ang tingin sa manggahan. “Malaki siguro ang kinikita niyo sa mga ito, ano?” naisipan niyang itanong dito.
“I should say, yes. Lalo na kapag ini-export namin ito sa mga bansang in-demand ng mangga like China and US,” tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.
“You really love Agriculture, right?”
“Everyone has the right to choose the profession they really want. I chose to be an agriculturist because I have learned to love this farm. I have learned to treasure this just like how my father did. Totoong wala na nga sa kabihasnan ang mga farmers at haciendero but still kung wala sila, anong mangyayari sa mga nasa lungsod?
“Tahimik ang buhay dito, hindi mo kailangang makipag-sabayan sa mga nagtataasang buildings, towers at sa mga ingay ng sasakyan. You don’t need to face the media kapag nagka-problema. I don’t want my private life to be exposed in public,” sabi nito.
Hindi niya magawang ialis ang tingin dito. Katulad na katulad ito ng ama niya, parehas ang dahilan ng mga ito kung bakit nais nilang manatili sa hacienda at pahalagahan iyon na para bang bahagi na iyon ng buhay nila.
Tumingin siya sa isang puno ng mangga at nakita niya ang isang trabahador na nakatungtong sa bakal na hagdan at abalang-abala sa pamimitas ng mga hinog na bunga. “I want to try harvesting some mangoes, para naman may mai-tulong ako,” aniya.
Tumaas ang isang kilay nito. “Talaga? Kaya mo?”
“May hagdan naman, ‘di ba? Susubukan ko lang,” pagkasabi noon ay lumakad na siya papunta sa trabahador na kabababa lang sa bakal na hagdan at ngayon ay sinusuri na ang mga bunga. “Manong,” napalingon sa kanya ang matanda. “Magpahinga na po muna kayo, ako na po muna ang papalit sa inyo na mamitas ng mga bunga,” pagpapatuloy niya na halatang ikina-gulat nito.
“Naku po, ma’am. Hindi po pwede, baka po—” napatingin ito sa parteng likod niya kung saan nakatayo si Jeremy. “Magandang umaga po, Sir,” bati nito dito.
“Magandang umaga din, Mang Oscar. Sige na po, magpahinga na muna kayo. Pakisabi na rin sa iba na magpahinga na din muna sila. Ako na munang bahala dito,” sabi nito sa matanda.
Tumango lang ang matanda at umalis.
Ibinaling sa kanya ni Jeremy ang paningin at ngumiti. “Go ahead,” sabi nito. Hindi niya agad naintindihan ang sinabi nito dahil hindi niya mapigilan ang sariling tumitig sa guwapong mukha nito. Marunong din pala talagang ngumiti ang lalaking ito. I’ve never thought that he can be more than gorgeous. Agad din niyang binura sa isipan ang mga salitang iyon. What am I thinking? Nahihiya niyang inilayo ang tingin dito at lumapit sa bakal na hagdan at umakyat doon.
Nakita niya nang lumapit din ito sa hagdan at tumingala sa kanya. “Be careful,” paalala nito. “Ihulog mo na lang dito ang mga napitas mo.”
Sinimulan na niya ang pamimitas ng mga manggang abot-kamay niya at ihinuhulog dito na lahat naman ay agad nitong nasasalo.
“Mag-iingat ka sa ilang mga bunga diyan, maraming langgam sa mga iyan,” sabi nito pero huli na ang paalala nito dahil pag-abot niya sa isang kumpol ng mga bunga ay naramdaman niyang may gumagapang sa kamay niya. Nagulat siya kaya agad niyang pinagpag ang mga itim na langgam na gumagapang doon, hindi niya na naalala na nakatungtong nga pala siya sa hagdan at namalayan niya na lang na nawalan na siya ng balanse at nahulog. Ipinikit niya ang mga mata at naramdaman ang mga brasong sumambot sa kanya. Pagmulat niya ay agad niyang nasalubong ang mukha ni Jeremy.
“I told you to be careful,” wika nito.
“I-I’m sorry,” bulong niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba naman kasi bigla na lang din itong bumait sa kanya? Tumikhim siya. “P-Pwede mo na akong ibaba,” pilit niyang pinatatag ang boses.
“Next time, mag-ingat ka na, baka kung mapaano pa ‘yang anak mo,” paalala nito bago siya ibinaba. “Get in the car, ihahatid na kita kina Aling Juana,” pagkasabi noon ay nauna na itong maglakad papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan.
Sinundan niya ito ng tingin. Tingnan mo ang lalaking ito, napakabilis magpalit ng mood. Tiningnan niya muna ang basket ng mga mangga bago naiinis na sumunod dito.

A/N: I will updating this story every Monday and Wednesday.

The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:

Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:

Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd Samaniego

Still writing (wala pa po ito sa bookstores):

Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon Caulfield

Thanks so much for all of your support.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon