Chapter 18 Part 4

6.4K 121 1
                                    

PAGKAPASOK niya sa loob ng kuwarto niya ay narinig niya ang pagtunog ng cell phone na ibinigay sa kanya ni Jeremy na nakapatong sa ibabaw ng kama. Lumapit siya doon, baka si Jeremy na iyon. But it was an unregistered number. Nag-aalangan pa niya iyong sinagot. “Hello?”
“Keira,” said a husky voice from the other line.
Nanlaki ang mga mata niya. “D-Daniel? Daniel, nasaan ka? Kahapon ka pa—”
“Hello there, Keira.” Nagulat siya sa pumalit na boses sa kabilang linya. “Do you remember me?”
Natigilan siya. Paano niya makakalimutan ang boses na iyon? “K-Kuya…”
“Wow… that’s very nice of you. Akala ko nakalimutan mo na ako. It feels so good to hear your voice again. How are you doing? Diyan ka lang pala sa Hacienda Fabella nakatira, hindi mo man lang ako binibisita. Nagli-live-in na pala kayo nitong ex-boyfriend mo, rather, boyfriend? Nagkabalikan na yata kayo.”
“Why are you doing this, Kuya? Bakit kailangan mo pang idamay si Daniel? Wala siyang kasalanan sa’yo!”
“Meron, matagal na. Simula pa ng agawin ka niya sa akin! Hindi ko lang siya magawang tapusin noon dahil wala pa akong kalaban-laban sa kanya ng mga panahon na iyon.”
“Agawin? Kahit kailan ay hindi ako naging sa’yo! Pakawalan mo na siya, huwag mo na siyang idamay dito!”
“Para ano, Keira? Para magsama na kayo? No! I won’t let that happen! Minsan ka ng naagaw sa akin, hindi ko na mapapayagang mahawakan ka pa ng hayop na ito!”
Napasinghap siya nang makarinig ng pagkasa ng baril. “No! Kuya, please… please…” pagmamakaawa niya sa nangangatal na tinig kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.
“Yes, sister? Don’t worry, I won’t kill him, in one condition, pumunta ka dito, Keira. Ikaw lang. Kapag nalaman ko na nagsama ka ng kahit na sino, magpaalam ka na sa pinakamamahal mong ito.”
“No! Keira, don’t come here!” narinig niyang sigaw ni Daniel.
“Don’t listen to him, sweetheart,” sabi ng kuya niya. “Come here at pakakawalan ko si Daniel at si Alexandre. I’ll give you the address.”
Pagkabigay nito ng address ay pinutol na nito ang tawag. Nanghihina siyang napaluhod sa sahig. Tinitigan niya ang address na nakasulat sa papel, she needed to go there. Kailangan niyang iligtas si Daniel at Alexandre dahil siya ang may kagagawan ng pagkapahamak ng mga ito. Alam niyang siya ang gustong kapalit ng kuya niya. Pinilit niyang tumayo at tinitigan ang singsing na nasa daliri niya. “I’m sorry, Jeremy. I love you so much.”
A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon