Chapter 7 Part 2

6.6K 132 4
                                    

“ILANG beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko ibebenta ang lupang ito? Hindi ba kayo marunong makaintindi ng salitang ‘hindi’?!” pagalit na wika ng lalaking sa tingin niya ay ilang taon lang ang tanda sa kanya, katabi nito ang isang babae na sa tingin niya ay nasa mid-forties na nito.
“I understand what that word means but unfortunately, I don’t accept ‘no’ for an answer,” pinilit ni Jeremy na kontrolin ang pagtaas ng boses.
Tiningnan siya nito ng masama. “Alam mo, Mr. Fabella? Napakarami ko pang mas importanteng gawain kaysa ang makipag-usap sa’yo. You know, I am a very busy person.”
“So am I,” sagot niya. “Hindi na naman kita aabalahin kung noon pa lang ay pumayag ka ng ibenta sa akin ang haciendang ito. Hindi na madaling maghanap ngayon ng buyer na mag-aalok pa ng mas mataas pang presyo sa offer ko. Look at this farm, it’s nearly hopeless,” pagpapatuloy niya habang inililibot ang paningin sa haciendang dati-rati ay hinahangaan niya. It had been seven years mula ng huli siyang tumungtong sa lupaing ito - he just finished college and was about to train some more. Kaibigan ng ama niya ang may-ari nito noon kaya dito niya naisip pumunta para lalo pang matuto sa pagpapatakbo ng isang buong hacienda. Utang niya sa taong iyon ang lahat ng dagdag kaalaman niyang naging dahilan ng pag-unlad ng haciendang iniwan ng ama niya.
Itinuring siya ng mag-asawang may-ari ng haciendang ito na parang isang anak, minsan nga ay hiniling pa ng mga ito na siya ang magpatuloy na magpatakbo ng hacienda nila kapag wala na sila. Ngayon nga ay tinutupad niya na ang kahilingang iyon nang makita niya ang pagpapabayang ginawa ng bagong may-ari nito.
“Hindi na magbabago ang pasya ko,” putol ng lalaki sa daloy ng alaala niya. “Iniwan ito sa akin ng mga magulang ko kaya hindi ako makakapayag na mapasakamay lang ito ng iba.”
Tumaas ang isang kilay niya at pinakatitigan ito. “You mean, ikaw ang anak nina Mr. Alvarez?” hindi makapaniwalang tanong niya dito.
“Oo,” walang palyang sagot nito.
“So, dalawa pala ang anak nila. Sa pagkakaalam ko kasi ay babae ang anak nila. Nasaan na siya?” tanong niya dito. Napansin niyang bahagya itong natigilan sa tanong na iyon.
“Hindi mo na kailangang malaman kung nasaan siya,” sagot nito bago tumalikod. “You can leave now.”
“Mr. Alvarez,” tawag niya muli dito. Tumigil ito sa paglalakad pero hindi lumingon sa kanya. “I’m offering you twice of its original price and I assure you na aalagaan ko ang buong haciendang ito gaya ng ginawa ng mga magulang mo.”
Napatingin siya sa babaeng kasama nito nang bigla itong mapasinghap.
Humarap sa kanya ang lalaki. “Gusto ko ng magpahinga. Makakaalis ka na,” iyon lang at dumiretso na ito sa hagdan paitaas.
Naiinis siyang napabuntong-hininga at nagpaalam na rin sa babaeng naiwan sa kinatatayuan nito. “Aalis na po ako,” magalang niyang paalam.
“Sandali lang, Mr. Fabella,” tawag nito at mabilis na lumapit sa kanya. “Maaari bang maghintay lang kayo ng kaunti pang panahon? Magbabago rin ang pasya ng pamangkin ko, medyo naguguluhan lang talaga ang batang iyon sa ngayon.”
Nginitian niya ito at tumango. “Salamat po, aasahan ko iyon at kung sakaling maisipan niyang tanggapin ang alok ko, alam niya naman kung saan niya ako makikita.”
“Sige. Mag-iingat ka sa pag-uwi.”
Nasa labas na siya ng mansiyon ng mga ito nang tumunog ang cell phone niya. Napailing siya nang makita kung sino ang caller.
“Anong kailangan mo?” hindi maitago ang inis sa boses niya. “Ano? Akala ko ba nasa labas kayo ng bansa? Bakit ka pa bumalik?” Ilang sandali siyang nakinig sa pinagsasabi nito at unti-unting kumukunot ang noo niya. “Na naman? Nasaan ka? Okay, wait for me there,” iyon lang at tinapos niya na ang tawag.
Tiningnan niya muna ang oras sa relo niya. Pasado alas-singko na ng hapon. Naiiling siyang napabuntong-hininga at nag-dial ng numero sa cell phone.

A/N: I will updating this story every Monday and Wednesday. If you can’t wait, available pa po ang story nina Jeremy and Keira sa mga Precious Pages Stores.

The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:

Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:

Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd Samaniego

Still writing (wala pa po ito sa bookstores):

Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon Caulfield

Thanks so much for all of your support.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon