Chapter 15 Part 2

6.8K 129 0
                                    

KINABUKASAN ay hindi matanggal ang ngiti ni Keira habang naghahanda siya ng sarili papunta sa farm. Pagbaba niya ay nasalubong niya si Donya Isabel at bahagya pa siyang nailang na pakiharapan ito.
“Hija, hindi ka na nakapag-almusal, pupunta ka ba sa farm ngayon? Nasaan ba si Jeremy?” magkasunod na tanong nito at niyaya siyang maupo sa sofa.
“Na-Nasa kuwarto pa po niya si Jeremy,” she stammered.
“Ganoon ba? Hinahanap kayo ni Daniel kanina, nasa farm na ang batang iyon at naghahanap na ng mapagli-libangan,” biglang umasim ang mukha nito. “Nandito pa rin iyang si Jackie, hindi ko naman maitaboy,” napatigil ito sa pagsasalita at napatitig sa kanya. “You look blooming, hija. Dahil ba bumalik na si Daniel?” puna nito.
She shook her head. “Hindi po, nagkausap na po kami ni Daniel noong gabing bumalik siya. Everything was settled, we’re still friends.”
“Alam ko, hija. I asked him to talk to you and settle the misunderstandings between the both of you. Mabuti naman at pinakinggan ako ng batang iyon, he said that you’re like a sister to him and he really regretted hurting you. It’s good na nagkaayos na kayo.”
“Thank you po,” hinawakan niya ang kamay nito. “Sa lahat-lahat,” hindi niya na napigilan ang mapaluha habang sinasabi iyon.
Pinunasan nito ang mga luha niya. “Wala iyon, hija. You’re like a daughter to me, and I really wished na sana nga ay anak na lang kita. Mangyayari na sana iyon kung hindi ka pinakawalan ni Daniel.”
She smiled at her. Kung alam lang nito kung ano ang namamagitan sa kanila ni Jeremy.
“What’s this drama all about, Ma?” biglaan ang paglukso ng puso niya nang marinig ang boses ni Jeremy mula sa likod ng sofa. Awtomatikong napatingin sila ni Donya Isabel dito.
“Nothing, hijo. Bakit ngayon ka lang din bumaba? Hindi ka na sumasabay ngayong kumain sa akin, ha?” nagtatampong tanong ng mama nito dito.
Hinalikan ni Jeremy ang ina sa pisngi. “Sorry, Ma… hindi na mauulit, medyo naging busy lang ako nitong mga nakaraang araw, pero babawi ako. But I really need to go to the farm now, at hihiramin ko na muna si Keira,” he said.
Nagulat pa siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at hinila siya patayo. Napatingin siya kay Donya Isabel na nakatingin naman sa mga kamay nila.
“Puwede ba, Ma?” pamamaalam ulit ni Jeremy.
Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ng donya at tumango. “Just make sure na hindi mo ulit siya aawayin, ha?”
Tiningnan siya ni Jeremy. She knew that kind of stare from him at nag-init ang pisngi niya sa gusto nitong ipahiwatig. “Of course, why would I?”
“Sige na at umuwi kayo ng maaga. Pauwiin mo na rin si Daniel,” paalala nito sa kanila.
A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon