Chapter 7 Part 1

6.7K 144 1
                                    

“IYAN po lahat ang kailangan nating gawin ngayong araw, Sir Jeremy,” wika ni Mang Tonyo. “Sir?” ulit na tawag nito.
Napatingin siya dito. “Bakit?”
Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. “May problema ka ba, hijo? Parang hindi mo narinig ang mga sinabi ko, ah. Kanina ka pang nakatulala lang diyan.”
“Problema? Wala naman. Pasensiya ka na, medyo pagod lang siguro ako,” pagdadahilan niya dito. Bakit ba naman kasi bigla na lang nawawala ang isip niya sa trabaho kapag naaalala niya si Vanessa? Dapat niyang tigilang ang pag-iisip dito pero hindi niya magawa. Lalong nagulo nito ang isipan niya nang matikman niya ang mga labi nito. Ano ba naman kasing pumasok sa isipan niya at nagpadala siya sa tuksong hagkan ito? Pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na iyon at imposible ng matanggal pa iyon sa isipan niya.
Muli ay naalala niya ang nangyari sa kanila sa loob ng kuwadra at hindi niya alam kung bakit umasta siya ng ganoon. He never injured a woman by just kissing her, but he did it to Vanessa. He had never felt so uncontrollable all his life; he had spent his twenty-seven years of existence controlling his emotions in front of all the people around him. Ano bang meron sa babaeng iyon at nagawa nitong tanggalin ang kontrol niya sa sarili?
“Sir?” narinig niyang tawag ulit sa kanya ni Mang Tonyo. Nang tumingin siya dito ay may ipinakita itong folder sa kanya. “Kontrata ito ng pagbili ninyo sa lupang nasa Kanlurang bahagi nitong hacienda, ang Hacienda Alvarez, iyon ang dating hacienda na kasosyo ng ama niyo sa pabrika ng asukal ninyo sa Maynila. Ito iyong farm na may pinakamalaking asokarera dito sa atin.”
“Bakit? May problema ba?” tanong niya dito at kinuha ang folder na iniaaro nito.
“Nagmamatigas pa rin ang bagong may-ari ng lupang iyon, hindi daw talaga nila nais ibenta ang buong hacienda,” sagot nito at napakamot sa ulo. “Mukhang mahirap talagang kausapin ang batang iyon, hijo. Ako na mismo ang nagtungo sa kanya noong isang araw pero ayaw talaga.”
Binasa niya ang nilalaman ng contract of sale na hawak niya. “Bakit? Ito na ang magandang offer na makukuha nila. We’ve been pinning on that farm for almost a year!” hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses. “Ano bang maipagmamalaki niya? Magdadalawang-taon ng sira at hindi napapakinabangan ang haciendang iyon. Hindi na iyon kumikita. May balak ba siyang gawing tambakan ng basura ang lupang iyon?” naiinis na itinapon niya sa lupa ang folder. “Ikaw na muna ang bahala sa lahat ng mga kailangang gawin dito sa farm ngayong araw, Mang Tonyo. I’m going to Hacienda Alvarez myself and personally talk to that… that jerk,” napabuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy. “Call Attorney Arzadon, may ipababago ako sa kontrata. Sabihin mong maghintay siya sa akin,” pagkasabi noon ay nagpatuloy na siya sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan.

A/N: I will updating this story every Monday and Wednesday. If you can’t wait, available pa po ang story nina Jeremy and Keira sa mga Precious Pages Stores.

The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:

Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:

Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd Samaniego

Still writing (wala pa po ito sa bookstores):

Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon Caulfield

Thanks so much for all of your support.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon