Chapter 8 Part 5

6.7K 135 1
                                    

PAGKABABA niya sa hagdan ay agad siyang sinalubong ni Donya Isabel at niyaya siyang kumain. “Hija, mabuti at gising ka na. Mag-almusal ka na muna at samahan mo ako mamaya. Puwede ka ba, hija?” tanong nito.
Ngumiti siya. “Siyempre naman po. Saan po ba kayo pupunta?”
“Gusto kong magtungo ngayon sa bayan, bibisita muna ako sa klinika ng doctor ko. Isasama na kita para mapa-check-up mo na rin ang kalagayan mo ngayon. Ihihingi kita ng vitamins para diyan sa dinadala mo, napapansin ko kasing parang pagod na pagod ka nitong mga nakaraang araw,” sagot nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya napaghandaan ang pagdating ng oras na ito at wala siyang mahagilap na sabihin. Hindi niya na kakayanin pang magsinungaling ulit dito, napakabait nito sa kanya.
Napansin nito ang naging reaksiyon niya. “Ayaw mo ba, hija?” tanong nito.
Napatingin siya dito at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero muli niya iyong isinara dahil hindi niya alam ang sasabihin. Napayuko siya at naramdaman ang paglapit nito. Hinawakan nito ang kamay niya kaya napilitan siyang muling tumingin dito.
Ngumiti ito. “Alam ko,” mahina nitong sabi. Tila ba isang ina na alam kung ano ang pinagdadaanang problema ng kanyang anak.
Hindi niya naitago ang gulat sa sinabi nito. “A-Alam niyo?” hindi makapaniwalang tanong niya. “P-Pero…”
“Hindi ba sinabi sa’yo ni Jeremy na doktor ako? I stopped working since I married Alberto, pero hindi ibig sabihin noon ay nawala na lahat ng kaalaman ko sa medisina. Hija, you don’t have any symptoms of being pregnant. Isa rin akong ina, kaya alam ko ang dapat na pinagdadaanan ng isang buntis,” paliwanag nito.
Muli siyang napayuko. “I’m really sorry, ma’am. H-Hindi ko naman po intensiyon na lokohin kayo,” paghingi niya ng paumanhin dito. Iyon lang ang tanging masasabi niya ng mga oras na iyon. Hindi niya gustong isipin nito na manloloko siya gaya ng ibang mga babaeng nanloko dito matapos nitong kupkupin at alagaan. She didn’t want her to be depressed once more. “I’m really sorry.”
“Naiintindihan kita, hija. Alam kong nagawa mo lang magsinungaling dahil kailangan mo. Huwag kang mag-alala, hindi ko ipapaalam kay Jeremy ito,” sabi nito.
Nagtataka siyang nag-angat ng paningin dito.
“Sigurado akong paaalisin ka ni Jeremy dito kapag nalaman niya iyon,” napailing na lang ito. “Ewan ko ba sa batang iyon kung ano ang problema niya. Napakadaling magalit ngayon.”
“Salamat po.” Nagpapasalamat talaga siya sa kabaitan nito, ibang-iba ito kay Jeremy, napakadali para dito ang mag-tiwala.
“Kumain na tayo at ng masamahan mo na ako sa bayan,” anyaya nito sa kanya.
Sumunod lang siya dito.
“Pupunta pa rin tayo sa bayan, gusto kong ipagawa ka ng damit na maisusuot mo sa party sa susunod na linggo,” pagpapatuloy nito.
“Party?” ulit niya.
“Oo, dito gaganapin ang kaarawan ni Vince, Jeremy’s cousin, pinagbigyan ko ng gamitin itong mansiyon dahil minsan lang naman iyon dumalaw dito,” sagot nito. “I want you to be there, gusto kitang ipakilala sa mga kaibigan ko.”
Hindi niya napalampas ang tuwang nababakas sa mukha nito. Halatang gustong-gusto talaga nitong magka-anak ng babae, ito lang ang makakapagpa-tanggal ng depression nito. Nginitian niya ito at tumango.
“Great,” masiglang sabi nito at nagsimula ng kumain.
Hindi pa rin maalis ang ngiti niya habang sumusubo ng pagkain. Napakabilis mapasaya ng mama ni Jeremy, parang mommy niya din. Biglang may lumukob na lungkot sa kanya sa pagkaalala sa ina. Oh, how she missed her mother so much. She missed her smiles for her every morning and her advices for her every time she makes mistakes. Naputol ang pag-iisip niya nang muling magsalita si Donya Isabel.
“Siyanga pala, hija, nakita mo ba si Jeremy? Pumanhik ako sa kuwarto niya kaninang madaling araw pero wala siya doon. Hindi pa ba siya umuuwi?” tanong nito sa kanya.
Muli ay napipilan siya sa tanong nito. Ano ang sasabihin niya dito? Na natutulog sa kuwarto niya si Jeremy? My gosh, ano na lang ang iisipin nito sa kanya? Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago umiling. “H-Hindi ko po siya nakita,” tugon niya, feeling guilty of lying again.
Tumango lang ito. “Baka naman sa secret room niya na naman natulog ang lalaking iyon kaya hindi ko nakita kanina sa kuwarto niya,” nasabi na lang nito at nagpatuloy sa pagkain.
Secret room? Na-curious siyang bigla sa sinabi nito.
Mukha namang napansin nito ang pagtataka niya kaya nag-paliwanag ito. “Yes, hija. May secret room si Jeremy sa kuwarto niya, well, it’s not a secret anymore dahil may mga nakakaalam na. I never entered it kasi gusto ko siyang pabayaan sa privacy niya, but I think it’s just an extension of his room, para nga naman walang mang-iistorbo sa kanya kapag wala siya sa mood. At ayaw niyang may pumapasok doon ng walang pahintulot niya,” napatawa ito. “Naalala ko minsang nangahas pumasok doon si Daniel, halos suntukin na siya ni Jeremy dahil sa galit.”
Tumango na lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

A/N: I will updating this story every Monday and Wednesday. If you can’t wait, available pa po ang story nina Jeremy and Keira sa mga Precious Pages Stores.

The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:

Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:

Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd Samaniego

Still writing (wala pa po ito sa bookstores):

Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon Caulfield

Thanks so much for all of your support.


[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon