Chapter 17 Part 5

6.8K 126 5
                                    

SAKTONG paglabas niya ng cottage ni Jeremy ay nakasalubong niya si Thaddeus na umiinom ng buko juice.
“Hey, Keira! Want some?” alok nito.
“No, thanks. Have you seen Jeremy?”
Kumunot ang noo nito. “Kagabi mo pa siya hinahanap sa akin, ah. Hindi pa rin kayo nagkikita? Grabe naman kayo maglaro ng hide and seek.”
Unti-unti ng nauubos ang pasensiya niya. “Just tell me kung nakita mo siya.”
Napangiwi ito sa tono ng boses niya. “Yes, naglalakad siya kanina papunta doon sa kabilang resort,” itinuro nito ang isang daan.
“So, kasama niya nga talaga si Jackie?” she was now angry. “Where’s Daniel?”
“Umalis na.”
Nagtataka siyang tumingin dito. “What?”
“Umalis na siya kanina pang madaling-araw, may kailangan daw asikasuhin sa car shop niya sa Makati.”
“Ganoon ba? Sige, maglalakad-lakad na lang muna ako dito,” paalam niya dito.
Nagkibit-balikat lang ito at ipinagpatuloy niya na ang paghahanap kay Jeremy. Halos malibot niya na ang buong resort ni Vince ay hindi niya pa rin nakikita kahit anino nito. Hanggang sa pabayaan niya na lang ang mga ito kung saan man ito naroroon. She continued on walking hanggang sa makasagi siya ng isang puting bato na nakaharang sa dinaraanan niya. Napatingin siya doon at nakita niya ang mas marami pang nag-gagandahang batong pandagat na nakakalat sa buhanginan at bumubuo ng mga salita.
Kumunot ang noo niya habang binabasa ang nakasulat doon, pero bigla rin siyang napatingin sa tabi niya nang makarinig ng pagsinghap ng isang babaeng may kasamang lalaking may hawak na camera. They looked like foreigners.
“It’s so sweet,” tukoy nito sa mga batong nakakalat doon. “Take a picture of me here, honey,” utos nito sa kasama.
Napangiti siya at muling napatingin sa mga bato. It was really sweet, ang suwerte naman ng babaeng iyon para makatanggap ng ganoong klaseng proposal. Marry me, iyon ang nabuong salita sa nakakalat na bato. May red rose petals ding nakakalat sa paligid noon. Napabuntong-hininga siya at dahil doon ay napatingin sa kanya ang foreign couple na katabi niya. Tiningnan niya ang mga ito at bahagyang napahiya sa sarili. Bakit ba siya nandito pa rin at ginugulo ang sweet moments ng dalawa? “Sorry,” hinging paumanhin niya sa mga ito. Nagtaka pa siya nang matamis na ngumiti ang mga ito at lumakad palayo.
Hindi niya na iyon pinag-ukulan ng pansin at tumalikod na para bumalik sa pinanggalingang cottage nang bigla niyang mabangga ang isang bulto ng katawan. Napaangat ang tingin niya dito at nagulat pa siya nang makitang si Jeremy iyon. He smiled and looked straight in her eyes.
“Will you?” he asked.
Hindi niya maintindihan kung ano ang itinatanong nito. “Anong—” napatigil siya sa pagtatanong nang hawakan nito ang mga balikat niya at iikot siya paharap sa mga batong tinitingnan niya kani-kanina lang. Napasinghap siya nang makuha ang ibig nitong sabihin. “J-Jeremy…” tears started to fall down her cheeks.
Inilapit nito ang bibig sa kaliwang tainga niya. “Will you marry me, Keira?” his voice was serious. Muli siya nitong iniikot para magkaharap ulit sila. “I bought this a few weeks ago pero ngayon lang ako nagka-lakas ng loob na ibigay sa iyo,” may kinuha ito sa bulsa ng pantalon. Her heart was about to explode when she saw the white gold ring with a heart shape on top that was made of diamonds.
Kinuha nito ang kamay niya at isinuot sa palasingsingan niya ang singsing. It perfectly fit. Mabilis niya itong niyakap at isinubsob ang mukha sa leeg nito para umiyak. “Don’t cry, baby,” bahagya siya nitong inilayo at tinitigan sa mukha. “Answer me, first.”
She held his face and kissed him on the lips. “Yes, I will marry you, Jeremy,” buong pagmamahal niyang sagot dito.
It was shadowed in his eyes that too much happiness she had never seen on him. Mahigpit siya nitong niyakap. “I’m very happy, Keira. I’ve never felt like this before.”
She never felt this kind of happiness and satisfaction before, too. After what happened to her parents, hindi niya alam na mararamdaman pa niya ang ganitong kasiyahan. “I love you, Jeremy,” she whispered.
Muli siya nitong inilayo at mariing hinagkan sa labi. She kissed him back para lamang maputol nang makarinig sila ng palakpakan mula sa likod.
Nakita niya doon sina Thaddeus, Vince at Jessie na patuloy lamang sa pagpalakpak. Behind Thaddeus was Jackie and she saw pain in her eyes while looking at them.
Umiling si Thaddeus. “Akala ko, hindi na matutuloy ang proposal na ito. Congratulations, pare. Sayang wala rito si Daniel, kung alam lang niyang may ganito kang pakulo, siguradong hindi agad iyon aalis.”
Lumapit naman sa kanila si Vince. Tumingin ito kay Jeremy. “I can’t believe na ikakasal ka na, cousin. Kaya pala ganoon na lang ang galit mo sa akin, you should have said it earlier para hindi ko na napormahan itong si Keira. But I’m very happy for both of you,” inilipat nito ang tingin sa kanya. “I still like you, Keira, as my cousin-in-law.”
She smiled at him. “Thank you.”
Tumango lang ito at tumalikod para yayain si Jessie na bumalik sa restaurant. Before leaving, Jessie mouthed ‘congratulations’ for her. Kinindatan niya lang ito at ngumiti. Mukhang may pag-asa na talaga ito kay Vince.
Napatingin siya kay Jackie nang lumapit ito sa kanila. “Congratulations for both of you. I’m sorry, Keira, for what I did, and Jeremy, I’m also very sorry for leaving you for Daniel. I hope you find it in your heart to forgive me.”
“It’s alright, Jackie,” Jeremy answered.
Ngumiti lang ito at naglakad na din palayo. Sinundan na lang ito ni Thaddeus.
A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon