Chapter 15 Part 3

7.1K 125 3
                                    

PANSAMANTALA siyang iniwan ni Jeremy sa bahay nina Aling Juana dahil may kailangan daw itong asikasuhin sa ibang lupaing bagong bili nito. Sakto namang nasa bayan si Aling Juana at ang ibang mga anak nito kaya silang dalawa lang ng panganay nitong anak na si Dianne ang naiwan sa bahay. Panay ang pangungulit nito sa kanya tungkol sa buong katotohanan sa pagkatao niya kaya napilitan siyang i-kuwento na dito ang lahat.
"Meaning, hindi talaga kayo ni Kuya Jeremy?" nanghihinayang na tanong nito.
Napangiti na lang siya sa tanong nito.
"Sayang naman," pagmumukmok nito. Bigla rin itong napatayo ng makarinig ng ugong ng sasakyan. "Si Kuya Jeremy yata 'yon," hinila siya nito palabas. "Hindi ako papayag na hindi kayo ang magkakatuluyan. Kung kailangang maging si kupido ako, gagawin ko para sa'yo."
"Dianne, ano ba? Hindi mo na kailangang gawin 'yan," sabay silang napatigil nang makitang bumaba ng sasakyan si Daniel at Jackie.
"There you are, Keira. Kanina ka pa namin hinahanap. Nasaan si Kuya?" tanong ni Daniel sa kanya nang makalapit ang mga ito. Nakita niya kaagad ang pagtaas ng kilay ni Jackie nang mapatingin sa kanya.
"Hindi niyo ba nakita sa farm? May kailangan daw kasi siyang asikasuhin," sagot niya.
"Ah, magka-ayos na ba kayong dalawa?" tanong ulit nito. Ilang araw din kasi itong wala kaya hindi niya nasabi dito ang pagkaka-ayos nila ni Jeremy.
"Ha? Ahm, yeah, nakausap ko na siya."
"That's great," napatango pa ito.
"She's your ex, right?" singit naman ni Jackie at tiningnan pa siya ng masama. "Dapat lang na magalit si Jeremy sa kanya, he doesn't want any of Daniel's ex-girlfriends."
Kaya pala ayaw niya na sa'yo, gusto niya sanang sabihin dito.
"That's three years ago, no need to make a fuss out of it," pagtatanggol sa kanya ni Daniel. Lumapit ito sa kanya at ngumiti. "I'm very sure na—" napatigil ito sa pagsasalita at kumunot ang noo. "What happened to your neck, Keira?"
Natigilan siya sa tanong nito. Nakasuot siya ng scarf kaya agad nitong nahawakan iyon at tinanggal. Mabilis niya iyong inagaw dito at ibinalik sa leeg niya.
"Mind your own business, Daniel," sita niya dito. Nakita niya nang sumilay ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito.
"I see. Are those bite marks, Keira? Kaya pala hindi kayo nakapag-umagahan kanina ni—"
"Daniel!" saway niya dito kasabay ng pamumula ng mukha. He grinned, alam na alam talaga nito ang mga bagay na iyon. Sinikap pa man din niyang takpan ang mga love marks na ginawa sa kanya ni Jeremy kagabi, iyon pala ay mabibisto din ng lalaking ito.
Halos patayin na siya ng tinging ibinigay sa kanya ni Jackie, samantalang si Dianne ay nagtataka pa rin sa nagiging takbo ng usapan. Parehas lang talaga si Daniel at Thaddeus na pahamak sa buhay.
Sabay-sabay pa silang napalingon sa isang sasakyan na pumarada malapit sa kanila. Her heart started to jump off her chest nang bumaba si Jeremy at agad na nagtama ang mga tingin nila.
"Good to see you here, bro. Kanina ka pa namin hinahanap," bati dito ni Daniel.
Hindi nito sinagot ang kapatid hanggang sa makalapit sa kanya. She smiled at him. Nagulat pa siya nang kabigin siya nito palapit at halikan sa mga labi. His kiss was gentle pero hindi pa rin niya napigilang tugunin ito, they kiss as if no one was around. She grabbed his broad shoulders for support.
Bumalik lang siya sa reyalidad nang marinig niyang tumikhim si Daniel, bahagya siyang humiwalay kay Jeremy at nakita niya nang biglang mag-walk-out si Jackie at pumasok sa sasakyan ni Daniel.
"I miss you," narinig niyang bulong ni Jeremy sa kanya.
Napatingin siya dito. "Parang ang tagal nating hindi nagkita, ah?" sagot niya dito. But deep inside, she missed him too.
Ngumiti lang ito at aktong hahalikan ulit siya nang biglang magsalita si Daniel.
"Stop it, mamaya na iyan sa bahay. May batang nanonood," sabi nito bago bumaling kay Dianne na nakatulala pa rin sa kanila.
Napatingin din siya dito at agad na lumayo kay Jeremy. "Let's go inside, Dianne. Mukhang may pag-uusapan pa yata silang dalawa," yaya niya dito at hinila na ito papasok.
Pagpasok na pagpasok nila sa loob ng bahay ng mga ito ay agad siya nitong hinila paupo. "Akala ko ba hindi kayo?" gulat pa ring tanong nito.
"Bakit? May sinabi ba ako?"
Napatili ito. "Ikaw ang kauna-unahang babaeng nakita kong hinalikan ni Kuya Jeremy. Bagay na bagay talaga kayo," kinikilig nitong sabi. "Kaya pala blooming na blooming ka ngayon."
"Tigilan mo nga ako, Dianne. Pag-aaral ang intindihin mo, huwag ang relasyon ng iba," paalala niya dito.
"Alam ko," sagot nito. "But did you see Ate Jackie's face nang halikan ka ni Kuya Jeremy? Nakakatawa talaga, galit na galit ang bruha."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Sigurado namang hindi pa rin noon titigilan si Jeremy," nakaramdam siya ng inis dahil doon. Alam niyang gagawin pa rin ni Jackie ang lahat makabalik lang kay Jeremy. At iyon ang bagay na hinding-hindi niya papayagang mangyari. She loved Jeremy and she would fight for him no matter what.
A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.  

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon