Chapter 18 Part 1

6.6K 115 1
                                    

PAGKABALIK nila kinabukasan sa Hacienda Fabella ay agad silang sinalubong ng nag-aalalang si Donya Isabel.
“Jeremy, hijo. Mabuti naman at nakabalik na kayo. Hindi niyo ba kasama si Daniel?”
Kumunot ang noo ni Jeremy. “Nauna na siyang umuwi sa amin kahapon. Wala pa ba siya dito? Ang sabi niya dadaan lang daw siya sa car shop niya sa Makati.”
“Wala pa, hindi ko rin naman ma-kontak. May dumating kasing mga pulis dito kaninang umaga. Tinanong kung sasakyan daw ni Daniel ang nakita nila sa toll way papuntang Maynila.”
“Nasaan na daw ang sasakyan?” tanong ni Jeremy. Kita niya rin sa mukha nito ang pagka-bahala, maging sina Vince at Thaddeus ay ganoon din.
“Nasa police station na dito malapit sa atin. Anak, ang ikinababahala ko ay hindi nila natagpuan si Daniel,” napahawak ang donya sa dibdib nito. Mabilis niya itong hinawakan at pinaupo sa sofa.
“Imposibleng naaksidente lang si Daniel,” singit ni Thaddeus. “Hindi siya naging isang international car racer para lang ma-aksidente sa isang toll way.”
“Then, where is he? Don’t tell me umalis na lang siya ng walang paalam. He’ll never leave his Ascari A10 in the middle of nowhere. It’s one of his collections!” galit ng wika ni Vince.
“Call Rafael right now, Thaddeus. Ipa-track mo ang number ni Daniel,” utos ni Jeremy. Agad namang tumalima si Thaddeus at nag-dial sa cell phone nito. Maya-maya lang ay nagbibigay na ito ng instructions kay Rafael.
“I’ll call Matthew para maipakuha ang sasakyan ni Daniel. Nandito siya ngayon sa Cebu dahil sa ginawa niyang free medical check-up,” sabi naman ni Vince na nag-dial din sa numero nito.
Tumingin siya kay Donya Isabel. “Pumasok na po muna tayo sa kuwarto niyo, I think you need to rest. Mahahanap din po natin si Daniel,” pagpapagaan niya sa loob nito. Maging siya ay kinakabahan din pero ayaw niyang ipakita ito sa donya para hindi na ito lalong mai-stress.
Tumango lang ito at nagpatangay na lang sa pagtayo niya. Bago siya maglakad ay hinawakan niya muna ang braso ni Jeremy at tumingin dito para ipahatid na maaayos din ang lahat. Ngumiti ito at tumango.
Bago makapasok ng kuwarto ni Donya Isabel ay narinig pa niya ang sinabi ni Thaddeus.
“Jeremy, hindi mai-track ang number ni Daniel. I think his phone’s turned off and left somewhere. We need to call Christopher.”
A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon