Chapter 9 Part 4

6.5K 124 0
                                    

NAKATITIG lang si Jeremy sa mga puno ng mangga na nasa harapan niya habang malalim na nag-iisip. Hindi niya maintindihan ang mga nararamdaman niya, nitong mga nakaraang araw ay isinubsob niya ang sarili ng higit pa sa trabaho sa farm. Hindi niya gustong umuwi kaagad sa mansiyon para maiwasan si Vanessa, pero hindi niya pa rin mapigilan ang sariling silipin ito minsan sa silid nito habang natutulog.
Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya pero sigurado siya sa isang bagay, he missed her a lot. Alam niyang umiiwas din ito sa kanya.
Napatigil siya sa pag-iisip nang makarinig ng ugong ng sasakyan palapit. Nakita niya ang isang black Jaguar na pumarada sa tapat ng isang puno ng mangga malapit sa kanya. Hindi niya na kailangang alamin kung sino ang sakay noon, agad siyang tumayo at lumapit sa kinapaparadahan ng sasakyan.
Pagkababa ng driver noon ay agad nitong ibinato ang susi ng sasakyan nito. Alam niyang iyon ang gagawin nito kaya mabilis niya iyong nasalo.
“Bukas pa ng gabi ang party mo, bakit nandito ka na agad?” tanong niya dito.
Ngumiti sa kanya si Vince, ang pinsan niya. “Mabilis pa rin talaga ang mga reflexes mo, pinsan,” puna nito sa ginawa niyang pagsalo sa susi. “Saka masama bang mapaaga ako ng isang araw? What’s up? It’s been a year na nga ba ng huli akong tumuntong dito?”
“Nothing’s new,” sagot niya. “Kumusta ang kumpanya?”
“Doing great,” lumapit ito sa kanya at sumandal sa unahan ng sasakyan nito. “I should surprise Tita Isabel today, I miss her a lot.”
Tumango lang siya.
Lumingon ito sa kanya at tumawa. “You haven’t change, dude. Still—” napatigil ito sa pagsasalita at sabay pa silang napatingin sa sasakyang pumarada malapit sa kanila.
Nagulat siya nang makita ang paglabas nina Thaddeus at Vanessa sa sasakyan. Naramdaman din niya ang biglang pag-angat ng likod ni Vince mula sa pagkakasandal sa sasakyan.
A/N: I will updating this story every Monday, Wednesday and Friday. If you can’t wait, available pa po ang story nina Jeremy and Keira sa mga Precious Pages Stores.

The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:

Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:

Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd Samaniego

Still writing (wala pa po ito sa bookstores):

Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon Caulfield

Thanks so much for all of your support.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon