Chapter 7 Part 3

7.1K 141 7
                                    

NAPATINGIN si Vanessa kay Dianne – ang panganay na anak nina Aling Juana at Mang Tonyo – nang tawagin siya nito.
“Ate Vanessa,” anito. “Nandiyan na ‘ata si Kuya Jeremy sa labas, mukhang sinusundo ka na,” ngumiti pa ito.
Tumayo siya at nagpaalam na dito at sa iba nitong mga kapatid, maging kay Aling Juana na abala sa kusina. Pagkatapos ay tumuloy na siya sa paglabas. Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang isang hindi pamilyar na black Porsche na nakaparada hindi kalayuan sa bahay nina Aling Juana. Nakita din niya ang isang lalaki na nakasandal sa harap noon at nakapamulsa. Nakasuot ito ng black round neck shirt at khaki shorts na tinernuhan ng black and white Nike sports shoes.
Napalingon ito sa kinatatayuan niya, ilang sandali lang ay nakangiti itong lumapit sa kanya. Unti-unti ay nakikita na niya ang itsura nito. He had a very friendly face at mukhang hindi maramot ngumiti. May malalim na dimples ito sa mag-kabilang pisngi at makapal na kilay na nakakapagpa-dagdag ng emphasis sa mga mata nitong ngumingiti din. He was also muscular based on the way his shirt fits his body. Clean cut ang gupit ng buhok nito na purong itim. Bahagya pa siyang napatingala nang makalapit ito sa dahil halos kasing-tangkad din ito ni Jeremy na sa tingin niya ay nasa six ‘two. He is handsome, sabi niya sa sarili. Pero hindi niya type. At sino naman ang type mo? tanong naman ng kabilang bahagi ng isip niya.
“So, did I pass?” narinig niyang tanong ng lalaking nasa harap niya. He had a very cool and friendly voice just like his appearance, while Jeremy had a very husky and serious voice that was full of authority. “Did I pass?” tanong ulit nito nang hindi agad siya sumagot.
Ilang sandali siyang napaisip bago niya napansin na napatagal pala ang pagmamasid niya dito kaya ganoon ang tanong nito. Hindi niya ipinahalata ang pagkapahiya at mabilis na ngumiti. “Pwede na,” sagot niya.
Lumaglag ang balikat nito pagkarinig sa sagot niya. “Pwede lang?” Napabuntong-hininga pa ito. “Kung alam ko lang na napakagandang babae ang ipasusundo sa akin ni Jeremy, di sana ay nakapaghanda pa ako,” sabi pa nito saka malungkot na tumingin sa kanya. “Bakit ba lahat na lang ng suwerte ay napupunta kay Jeremy? I should have met you first para hindi ‘pwede na’ ang sagot mo sa akin.”
Napatawa siya sa sinabi nito.
“But I’m cuter than him, right? Admit it, mas madalas yata akong ngumiti kaysa sa kanya. That’s why mas maraming babae ang lumalapit sa akin,” pagmamayabang pa nito.
“Mas mayabang ka nga lang sa kanya,” biro niya dito. Pero totoo naman ang sinabi nito, mas madaling pakibagayan ang ugali nito kaysa kay Jeremy, kaya nga napakadali na sa kanya ang kausapin at biruin ito kahit ngayon pa lang sila nagkakakilala.
“Mayabang din naman si Jeremy, ah,” dugtong pa nito. “Well, actually, lahat naman kaming magkakaibigan ay mayayabang,” napakamot pa ito sa ulo.
Napailing na lang siya sa mga pinagsasabi nito.
He smiled at her, showing a perfect set of white teeth and cute dimples on his both cheeks, and those smiling eyes that could melt a lot of girls around the world. “By the way, you’re Vanessa, right? Sinabi sa akin ni Jeremy kanina nang tumawag siya,” inilahad nito ang kanang kamay. “I’m Thaddeus. Thaddeus Arzadon.”
Tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito. “Nice to meet you, Thaddeus.”
“Me too,” sabi nito. “Shall we go? It’s nearly seven, hindi ka pa yata naghahapunan, ihahatid na kita sa inyo,” pagkasabi noon ay lumakad na sila papunta sa sasakyan nito. Pinagbuksan muna siya nito ng pinto bago ito lumipat sa driver’s side.
“Nice car,” komento niya pagkapasok nito sa sasakyan. Sigurado siyang may sinasabi ito sa buhay dahil sasakyan pa lang ay tinitingala na. “Is this the latest model of Porsche?” tanong niya. He started the engine and smiled.
“Oo,” ngumiti ito. “This is my favorite car, kaya nga ginagamit ko lang ito kapag nagba-bakasyon ako. Hindi ko pwede itong gamitin sa trabaho, I don’t want my ‘baby’ to get hurt.”
Tumango siya at ngumiti. Ang mga lalaki talaga, seryoso kapag sasakyan nila ang pinag-uusapan. “Taga-rito ka rin sa Cebu?” naisipan niyang ibahin na lang ang usapan. Pagod na siyang pag-usapan ang mga sasakyan, iyon din ang malimit nilang usapan ng ex-boyfriend niya. Ayaw niya ng maalala ito.
“Hindi,” sagot nito. “Sa Makati ang residence ko, nandoon kasi ang trabaho ko, pero may rest house din ako dito sa Cebu, in Matutinao, Kawasan. Do you know the Kawasan Falls? That’s the reason why I chose that place; the view is very beautiful and relaxing. Hindi lang halata pero, I’m an avid fan of nature kahit sa lungsod na ako lumaki at nagka-isip.”
“Kawasan Falls is really beautiful, I want to visit it again,” pagsang-ayon niya dito.
“I’ll take you there some other time. Kapag may pagkakataon akong maitakas ka dito,” pagbibiro pa nito.
Napangiti siya sa mga hirit nito. “Bakit ka nga pala nandito ngayon? Wala ka bang trabaho sa Maynila?”
“Ipinatawag kasi ako ngayon ni Jeremy. May kailangan kasi kaming pag-usapan tungkol sa kontrata ng pagbili niya sa ilang mga lupain dito,” saglit itong tumingin sa kanya at ngumiti. “I’m his lawyer.”
Hindi makapaniwalang napatingin siya dito. “Talaga?”
“Bakit? Wala ba sa itsura ko?” nakangiting tanong din nito.
“Medyo,” pag-amin niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang ganoong klase ng trabaho pala ang ginagawa nito dahil parang wala itong problema kung umasta.
Tumingin sa kanya si Thaddeus. “How old are you, Vanessa?”
“Twenty-four,” sagot niya. “Ikaw?”
“Matanda lang ako ng dalawang taon kay Jeremy, I’m twenty-nine, kaya mas mature ang isip ko doon,” natatawa nitong sabi.
Napailing siya sa sinabi nito. “Hindi halata.”
Napahalakhak ito. “Sinasabi ko na nga bang hindi ka sasang-ayon. Seryoso lang talaga si Jeremy kaya mas mukha siyang mature, pero ang totoo napakadali pa rin noong masaktan at napaka-immature mag-isip.”
“Sinisiraan mo ba ang kaibigan mo?”
Nanlaki ang mga mata nito. “Hindi ah, I’m just telling you the truth, hindi para ma-turn-off ka sa kanya kundi para mapag-pasensiyahan mo siya kapag medyo masama ang pakikitungo niya sa’yo. Mahirap para sa kanya ang mag-tiwala. Kung hindi ko pa nga siya pinilit na sumali sa ‘society’, wala yata iyong magiging kaibigan. Kahit na siya ang pinaka-madalang na pumunta doon, hindi niya pa rin magawang pabayaan ang barkada kapag napapa-trouble,” pagku-kuwento nito.
“Anong ‘society’?” tanong niya dito. Iyon ang salitang hindi niya masyadong naintindihan sa mga sinabi nito.
Napansin niya ang bahagyang pagkatigil nito. “Ah, it’s like, ah… some kind of… barkadahan ba ang tawag doon? T-Tawag sa isang barkada, parang high school lang,” ngumiti pa ito. “Naparami na pala ang mga nasasabi ko.”
Kumunot ang noo niya, hindi niya napalampas ang biglaang pagka-utal nito. May mali ba sa tinanong niya?
Sandali itong lumingon sa kanya bago muling ibinalik ang paningin sa daan. Hindi na muli ito nagsalita, kaya siya na ang unang bumasag ng katahimikan.
“Nasaan nga pala si Jeremy?” naisipan niyang itanong dito.
“Nasa labas siya ng hacienda, dapat kanina pa siyang nandito but suddenly, out of the blue, Jackie called. So, kailangan niyang pumunta agad doon,” sagot nito.
Hindi niya naiwasan ang magulat sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla na lang ang paglukob ng inis sa buong damdamin niya. Pinagsisisihan niya ang pagtatanong ng tanong na iyon.
Nakita ni Thaddeus ang naging reaksiyon niya. “Oops, I’m sorry… I shouldn’t have said that,” sabi nito sa mababang boses saka tinapik ang sariling bibig. “Napakadaldal ko talaga.”
Bumuntong-hininga siya at itinuon ang pansin sa labas ng bintana. “S’okay, wala namang masama doon. May pinagsamahan din naman sila,” iyon lang at nanahimik na ulit ang buong sasakyan hanggang sa makarating sila sa mansiyon ng mga Fabella.

A/N: I will updating this story every Monday and Wednesday. If you can’t wait, available pa po ang story nina Jeremy and Keira sa mga Precious Pages Stores.

The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:

Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:

Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd Samaniego

Still writing (wala pa po ito sa bookstores):

Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon Caulfield

Thanks so much for all of your support.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon