Chapter 16 Part 1

6.9K 138 1
                                    

Note: I'm really sorry for any typos in all my stories here on wattpad. Unedited version lang kasi ito and I'm very busy working on my other novels na for publishing. The book is still available sa mga Precious Pages bookstores in case you want to read the edited version. Thank you. :)

KEIRA was bored to death sa loob ng mansiyon ng buong araw na iyon dahil wala siyang magawa. She only stayed inside her room to avoid Vince. She missed Jeremy so much, dahil simula pa ng huli silang magkita kaninang umaga ay hindi pa rin ito bumabalik. Pasado-alas-onse na ng gabi.
She lay down on her bed, covered herself with a blanket and drifted to sleep. Ilang minuto pa lang siguro siyang nakakatulog nang maramdaman niya ang pagtanggal ng kumot na nakataklob sa kanya at ang marahang paghalik sa labi niya. Nagmulat siya ng mata at napangiti nang masalubong ang guwapong mukha ni Jeremy.
“I’m sorry to wake you up,” bulong nito.
Umupo siya sa kama at tumingin dito. “Bakit ngayon ka lang dumating?”
“Come to my room, may ipapakita ako sa’yo,” pagkasabi noon ay nauna na itong lumabas ng kuwarto niya. Nagtataka man ay sumunod pa rin siya dito.
“What is it?” tanong niya nang makapasok.
Kinuha nito ang isang box na nakapatong sa kama nito at iniabot sa kanya. Her eyes widened when she learned that it was a brand new phone na ang disenyo ay hindi niya pa nakikita kahit kailan. It looked very expensive at nakakahiya namang itanong ang halaga noon.
“I want to give you that because I know you really need that thing. So, if I suddenly feel like missing you while at work, I can easily hear your voice. Iyan ang pinaka-bagong labas na cell phone ng kumpanya ni Christopher. Sa US at Europe pa lang nai-release ‘yan. Inabala ko pa si Christopher na nasa London para lang maipadala ‘yan dito. Do you like it?”
She felt like crying, hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. She looked at him. “This is too much, Jeremy.”
He smiled. “No, it’s not,” may kinuha itong folder na nakapatong din sa kama nito at iniabot sa kanya. “Here’s another one.”
She took the folder and opened it. Napasinghap siya, tuluyan ng tumulo ang luha niya. Lumapit sa kanya si Jeremy at niyakap siya.
“Sa iyo na ulit ang hacienda niyo, I will do everything para maibalik iyon sa dati. And I’m still working on getting back your father’s companies na ibinenta ng kuya mo,” pangako nito.
Napahagulhol na siya sa dibdib nito. Bahagya itong lumayo sa kanya at kinuha ang mga hawak niya saka ipinatong ang mga iyon sa bedside table. Hinawakan nito ang mukha niya at pinahid ang mga luha niya. “Don’t cry,” he whispered.
She bit her lower lip and looked at him. “Thank you so much.” She didn’t know how to pay him for everything he had done for her.
Naging pilyo ang ngiti sa mga labi nito. “Wanna show me how much?”
Tumawa siya at ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito. She saw his eyes dancing while staring at her face. “Why not?” bulong niya at hinalikan ito sa mga labi.

A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon