Chapter 18 Part 3

6.6K 135 2
                                    

NAGISING si Keira sa liwanag na tumatama sa mukha niya. Maghahating-gabi na siyang nakatulog kagabi sa kahi-hintay ng balita tungkol kay Daniel at sa kakabantay kay Donya Isabel.
Pagkababa niya ay dumiretso siya sa komedor kung nasaan nandoon si Donya Isabel at nag-uumagahan. Nasa mukha pa rin nito ang pag-aalala pero ngumiti nang makita siya. “Hija, come on, let’s eat. Masyado kang napagod sa pagbabantay sa akin kagabi.”
“Wala pa po ba sina Jeremy?” tanong niya.
“Wala pa nga, sana naman ay makita na nila si Daniel.”
Lumapit siya dito pero agad din siyang napahawak sa mesa nang makaramdam ng pagkahilo. Her whole surroundings were spinning. Napapikit siya at napahawak sa ulo.
“Hija, are you alright?” narinig niyang tanong ni Donya Isabel na napatayo na sa kinauupuan.
Bigla siyang napahawak sa tiyan at natutop ang sariling bibig. Hindi na ito nakalapit sa kanya dahil nagtatakbo na siya papasok sa may kusina, diretso sa may lababo at doon nagduduwal. Wala namang laman ang sikmura niya kaya walang lumabas doon.
Nagpupunas na siya ng bibig nang makalapit sa kanya si Donya Isabel at hinagod ang likod niya. Pinagpapawisan pa rin siya.
“Are you okay, hija?” inabutan siya nito ng isang baso ng tubig. Ininom niya iyon at bahagya na siyang nahimasmasan. What was happening to her? Wala naman siyang natatandaang kinaing masama.
Pagtingin niya kay Donya Isabel ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. “Are you pregnant, Keira?”
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. Hindi pumasok sa isip niya ang bagay na iyon kaya hindi kaagad siya nakapagsalita. Buntis nga ba siya?
“Kay Jeremy, ‘di ba?” pangungumpirma nito.
Nagyuko siya ng ulo, nahihiya siya dito.
“I knew it,” pagpapatuloy nito. Niyakap siya nito ng mahigpit. “Akala niyo ba maililihim niyo sa akin ang relasyon niyo? Halatang-halata sa palitan niyo ng tingin ang mga nararamdaman niyo para sa isa’t isa, hija. Nag-iba si Jeremy simula ng dumating ka dito, hindi siya palaging naglalagi dito sa mansiyon noon. Since you came, mas marami ng oras ang inilalagak niya dito kaysa sa farm.”
“I’m sorry, ma’am,” she cried.
Bahagya itong lumayo sa kanya. “What are you sorry for? For falling in love with my son? No, hija, you made me very happy. You can call me ‘Mama’ now. Kapag hindi mo ginawa iyon, magtatampo talaga ako sa’yo.”
Napangiti siya. “Y-Yes, M-Mama.”
A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon