Chapter 17 Part 4

6.6K 113 2
                                    

NAGMULAT ng mga mata si Keira nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto. She looked at the side of her bed pero wala na siyang katabi doon. Nagpumilit siyang umupo kahit na parang minamartilyo ang ulo niya dahil sa hang-over.
Hindi pa rin tumitigil ang katok sa may pinto kaya napilitan siyang mag-tapis na lang ng kumot. Nagulat pa siya nang mapagbuksan niya ng pinto si Jessie kasama si Vince. Gulat ding napatingin sa kanya si Jessie, si Vince naman ay walang kaemo-emosyon ang mukha.
“S-Sorry sa abala, Keira. Hinahanap kasi namin si Jeremy, wala ba siya diyan sa loob?” tanong ni Jessie.
Umiling siya at agad na yumuko. Alam niyang pinamumulahan siya ng mukha. “Wala na siya nang magising ako.”
“Ganon ba?” tanong sa kanya ni Vince. Tumingin ito kay Jessie. “Siya nga siguro iyong kasama ni Jackie kanina papunta sa kabilang resort.”
Napaangat siya ng tingin dito. “Bakit sila papunta doon?”
Muling ibinalik nito ang tingin sa kanya at nagkibit-balikat. “Nagpasama siguro si Jaq.”
Tumingin din sa kanya si Jessie. “Sundan mo na lang sila, Keira. Siguradong hindi pa nakakalayo ang mga iyon,” pagkasabi noon ay niyaya na nitong umalis si Vince.
Napansin niya ang pagiging malapit ng dalawa ng mga oras na iyon, pero hindi niya na iyon pinag-ukulan ng pansin at nagmamadali na siyang pumasok sa banyo at nagbihis. Bakit ba ayaw tantanan ng Jackie na iyon si Jeremy?
A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon