Chapter 12 Part 1

6.8K 120 2
                                    

NAPATIGIL si Jeremy sa pagpasok sa loob ng sasakyan niya nang maramdaman ang pagyakap mula sa likod niya.
“J-Jeremy, please… please… don’t go,” pagmamakaawa ng babaeng sobra-sobra niyang pinahalagahan sa loob lamang ng maikling panahon pero ano ang ginawa nito sa kanya? Hindi niya alam na niloloko na pala siya nito at pinagsi-sinungalingan sa buong panahon na iyon.
Napailing siya. Hindi niya na alam kung ano pa ang dapat isipin ng mga oras na iyon. Hindi niya na alam kung ano pa ang paniniwalaan at kung ano pa ang totoo. Sobra-sobra niya itong pinagka-tiwalaan, pero anong ginawa nito? Nagsinungaling ito sa kanya. Pati pangalan nito ay itinago nito sa kanya.
Marahan niyang kinalas ang pagkakayakap nito sa kanya at humarap dito. “Tell me, Vane— no, Keira,” humugot siya ng malalim na hininga. He was hurt. Gusto niya ng umiyak pero ayaw niyang ipakita dito kung gaano kasakit para sa kanya ang pagsisinungaling nito. Pilit niyang pinaniwala ang sarili na hindi ito katulad ng ibang babae, pero ano ang nangyari? “Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin?” nakita niya ang pagpatak ng luha sa mga mata nito. Gusto niyang murahin ang sarili ng mga oras na iyon. Bakit gusto niya pa rin itong yakapin sa kabila ng ginawa nito? Muli siyang napailing. “Napakahirap bang magsabi ng totoo?”
“I-I’m sorry,” iyak nito. “I’m so sorry, Jeremy.”
“I’m sorry?” sarkastikong ulit niya sa sinabi nito. “Kung hindi pa dumating si Daniel, hanggang kailan mo balak itago sa akin ang lahat? Ipinakita mo lang sa akin na hindi mo ako pinagkakatiwalaan, and I trusted you so much. Alam mo na ang pinaka-ayaw ko ay pagsisinungalingan ako, pero ginawa mo pa rin,” bahagya niya itong inilayo sa kanya. “Give me some time to think this over. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat gawin,” pagkasabi noon ay mabilis na siyang pumasok sa loob ng sasakyan at pinaandar iyon palayo.
Sumulyap siya sa side mirror at nakita ang paghagulhol nito ng iyak. His heart was breaking at the sight of her but he couldn’t turn back. He needed to calm down first. He needed to think straight and to erase all the pain and anger inside him.
PATULOY pa rin si Keira sa pag-iyak habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Jeremy. Gusto niyang magpaliwanag dito at alisin ang lahat ng sakit na dinulot niya sa lalaking iyon. Alam niya kung gaano kasakit dito ang ginawa niya, sinabi niyang hindi siya tulad ng ibang mga babaeng nanloko dito at sa Mama nito pero anong ginawa niya? Mas malala pa siya sa mga babaeng iyon? Bakit niya ginawa iyon? Bakit siya nagsinungaling dito?
“Hija,” narinig niyang pagtawag mula sa likod.
Paglingon niya ay nakita niya si Donya Isabel, puno ng awa at pag-aalala ang mukha nito.
Napayuko siya para maitago ang patuloy na pagpatak ng luha sa mukha. “I’m sorry ma’am…” nasabi niya na lang dito. Maging ito ay niloko niya, hiyang-hiya na siya dito.
“Let’s go inside the library, hija. Talk to me,” yaya nito. Inalalayan siya nito hanggang sa makapasok sila sa loob ng mansiyon at sa library ng mga ito. Now, she was more than willing to tell everything to this woman.
“I’ve talked to Daniel,” anito. “Sit and tell me everything.”
Pagkaupo nila sa settee na nandoon ay agad niyang ikinuwento dito ang nangyari at ang buong katotohanan sa pagkatao niya. Hindi nito naitago ang simpatya sa lahat ng pinagdaanan niya.
After more than an hour ay tumayo na ito. “Talk to him, hija. Kailangang malaman ni Jeremy ito, para hindi niya isipin na niloloko mo siya,” utos nito sa kanya.
Muli na naman siyang napahikbi. “Sobra ko na po siyang nasaktan,” she shook her head. “Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako.”
“Ssshhh…” hinaplos nito ang mukha niya. “Maiintindihan ka niya. Sigurado akong nagpapakalma lang siya ngayon. Be strong, hija.”
A/N: I will updating this story every Monday, Wednesday and Friday. If you can’t wait, available pa po ang story nina Jeremy and Keira sa mga Precious Pages Stores.

The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:

Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.

The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:

Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd Samaniego

Still writing (wala pa po ito sa bookstores):

Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon Caulfield

Thanks so much for all of your support.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon