Chapter 16 Part 3

7.1K 123 2
                                    


IT was nearly dawn when they arrived at the police station in Makati City, agad naman silang sinalubong ng isang lalaking sa tingin niya ay si Rafael Choi. He was a very gorgeous man that walks and talks with full of authority. Walang-walang pinagkaiba ang itsura nito at ng kakambal nitong si Raffy na nakita niya noon sa party. Only that, Rafael’s eyes would make any person feel insecure of being near him. Bahagya lang itong tumango at ngumiti sa kanya bilang pagbati bago hinarap si Jeremy.
“So, she’s the one, huh?” narinig niyang tanong nito.
Ngumiti lang si Jeremy. “How’s it going? Nasaan ang tita niya?”
“Follow me,” then he walked towards a private cell.
Hinawakan ni Jeremy ang kamay niya at iginiya siya pasunod kay Rafael. Nakita niya nang lumabas ang Tita Manette niya, naka-posas at gulat na nakatingin sa kanya. Bumitaw siya kay Jeremy at lumapit dito.
“Nasaan si Alexandre?” matigas niyang tanong dito.
Hindi ito sumagot.
“Tinatanong kita! Nasaan siya?” hindi niya na pinigilan ang sariling sigawan ito. Gusto niya nang manakit ng mga oras na iyon.
“Anak ko siya, wala kang karapatan sa kanya,” mahinahong sagot nito.
“You never treat him as your son. Sabihin mo na kung nasaan siya.”
Ngumiti lang ito. “You’re very lucky dahil nakatakas ka. Kung pinakinggan lang ni Anderson ang utos ko noon na patahimikin ka na rin, wala ka na siguro dito sa harap ko ngayon para sigawan ako.”
“Damn you,” narinig niyang mura ni Jeremy mula sa likod. She looked at him and saw the anger he was trying to control.
Tumingin din ang tita niya dito. “I never thought of seeing you here, Mr. Fabella. Nalandi ka rin pala nitong pamangkin ko, kaya pala ganoon na lang ang pagka-gusto mong makuha ang hacienda namin.”
Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito. “Nasaan si Alexandre? Kapag hindi mo sinabi kung nasaan siya, I swear na hindi lang iyan ang aabutin mo.”
“Ask Anderson, iyon ay kung mahahanap niyo siya. I never want that child kaya ipinadala ko siya sa kuya mo. Now, kung wala ka ng gustong itanong, umalis ka na. I’d rather face the criminals in here than face you,” her aunt said bitterly.
“Why do you hate me so much? I don’t know what I’ve done wrong for you to hate me. Why did you do it to my parents?” she asked out of curiosity, hindi dahil nasasaktan siya sa galit nito sa kanya.
For once, she saw pain in her aunt’s eyes. “You want to know why? It’s because of your mother,” she paused to take a deep breath. “I never thought of my sister to betray me, napakasakit. I’m your father’s girlfriend when he met her. Hindi ko na dapat sila pinagkilala, hindi na sana nawala sa akin si Carlos. I’ve always loved your father, pero dahil sa mama mo, nawala lahat ng pinangarap ko kasama ang taong mahal ko. That’s why I hated you, dahil ikaw ang bunga ng kataksilan nila.”
Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na iyon ang dahilan ng galit nito kaya hindi agad siya nakapagsalita. It took a while before she answered. “Y-You shouldn’t have killed them.”
“I shouldn’t have, pero nagawa ko na. Hindi ko na sila maibabalik.”
Lumapit siya dito at hindi nito napaghandaan ang pagsampal niya sa mukha nito. “You know you deserve more than that,” she said under her breath.
Hindi na ito nagsalita at tumalikod na para bumalik sa sarili nitong selda. Lumapit sa kanya si Jeremy at niyakap siya.
“Walang kuwenta siyang tao at ina,” sabi nito. Nang tingnan niya ito ay nakita niya ang galit sa mukha nito. Alam niya ang nararamdaman nito, iniwanan din ito ng sariling mga magulang kaya ganoon na lang ang galit nito. “We’re going to find Alexandre,” tumingin ito kay Rafael. “Thanks a lot, pare. You did a lot of help.”
Tumango lang si Rafael at sinagot ang tumatawag dito. “Yes, sweetheart? I’m about to go home,” tumingin ito sa kanila at nagpaalam.
Pagkaalis nito ay tumingin siya kay Jeremy. “Is he married?”
Tumingin din ito sa kanya at umiling. “I don’t know what’s happening to him. He’s acting weird these days, the fact na si Raffy naman malapit ng ikasal,” napangiti pa ito.
“He’s getting married? You mean, fiancé niya iyong ka-date niya sa party sa mansiyon?”
“No, I don’t think so. Mas maganda naman si Ashlee kaysa doon sa ka-date niya.”
Tiningnan niya ito ng masama pero agad din siya nitong hinapit sa baywang. “But you’re more beautiful, baby. And I miss you already,” he whispered and proceeded on kissing her.
Napaungol siya pero bahagyang lumayo dito. “Jeremy, we’re on a police station,” paalala niya dito.
Niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya at ngumiti. “We must go back to Cebu, hinihintay na tayo ni Vince. We’re going to Bantayan Island, remember? We’ve got to go straight to his ferry boat before noon.”

A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon