Chapter 17 Part 2

6.5K 126 0
                                    

HINDI niya alam kung ilang baso na ng wine ang nainom niya, hindi niya rin maintindihan ang lahat ng pinagsasabi ni Vince na nasa tabi niya. Ang iniisip niya lang ay kung nasaan si Jeremy dahil kanina pa itong wala sa paningin niya. Naiinis siya kapag naiisip niya na kasama nito si Jackie na nawawala din. Nakita niyang lumapit sa table niya si Thaddeus, inubos niya muna ang laman ng basong hawak bago ito hinarap.
“Have you seen Jeremy?” tanong niya dito. Hindi niya na pinansin ang pagkunot ng noo ni Vince.
“Yes, I’ve seen him went inside his cottage a while ago. May kausap sa cell phone,” sagot nito.
“Is he with Jackie?”
Ngumiti si Thaddeus. “I don’t see her with him. Though, if you’re that curious, see for yourself.”
Inirapan niya ito. “Never mind.”
Nagkibit ito. “Okay.”
She poured another glass of wine and looked at Vince. “Why don’t you talk to Jessie? It seems that she really wants to know you more.” Hindi naman sa itinataboy niya na ito, ayaw niya lang talagang umasa pa ito sa kanya.
“Bakit naman?” tanong nito.
“She likes you, isn’t that obvious?”
Tumitig ito sa kanya. “But I like you.”
She smiled at him apologetically. “I’m really sorry, Vince,” tumayo na siya. “I need to rest. See you in the morning.” Lumakad na siya palabas ng restaurant na iyon pero hindi siya tumuloy sa sariling cottage. She went to Jeremy’s cottage instead and knocked.
“Come in,” narinig niyang wika ni Jeremy sa loob. Pinihit niya ang seradura pabukas at ang una niyang ginawa pagpasok ay suyurin ang buong silid. Nakita niya si Jeremy na nakaupo sa isang armless chair at nakaharap sa isang computer na naroon. Tumingin ito sa kanya nang sarhan niya ang pinto. “Yes, baby?” he smiled and looked at the computer screen again.
Nakaramdam na siya ng pagkahilo kaya sumandal muna siya sa pinto at pumikit. “Where’s Jackie?” she asked.
“Why would you ask me that? Bodyguard niya ba ako?” narinig niyang sagot nito. “Hey, are you okay?”
Nang magmulat siya ng mata ay nakita niya itong nag-aalalang nakatingin sa kanya. “Yeah, naparami lang ang inom ko,” dahan-dahan siyang lumapit dito. “What are you doing?”
Ibinalik nito ang tingin sa screen. “Business, tumawag ang caretaker ng farm sa Thailand, nagkaroon daw ng problema sa production ng mangoes.”
“Is it serious?” tumayo siya sa likod nito at ipinatong ang mga kamay sa mga balikat nito.
“Not really, it’s going to be alright soon,” he answered huskily.
Yumuko siya para halikan ang leeg nito. The wine was already affecting her. “Really?”

------
Can't wait?
A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon