A/N: This chapter is dedicated to Venizyennnyappy
January 7, 2***
Dear Diary,
Hindi parin nagpaparamdam sa akin si Devi sa hindi ko malamang kadahilanan. Marahil narin siguro bumabalik na siya sa dati kaya hindi niya na kaya pang magteleport o kung ano man.
Ngunit kahit ganun ay masaya parin ako dahil dalawang buhay sa loob ng tatlong araw nalang ang kailangan ko para kay Devi.
Tumawag naman sila mommy kanina sa akin dahil sinabi raw ng mga pulis ang nangyari sa akin sa kanila. Kinakamusta nila ako kung maayos daw ba ako o nasaktan ako. Sinabi ko naman na maayos lang ang kalagayan ko at wala silang dapat pang ipagalala.
Ngayon ay napagdesisyonan naming magkakaklase na bisitahin si Asha sa hospital dahil natrauma siya sa nangyari at inatake siya ng sakit niya sa puso. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya dahil hindi ko naman alam na may sakit siya sa puso.
Dahil kaibigan ko na siya ay napagisipan kong dalhan siya ng prutas na binili ko kanina.
Pansin ko ang pamumutla niya habang mahimbing na natutulog habang nakaratay sa kanyang higaan. Nalaman kong dahil sa kanyang atake ay kailangan na niyang operahan.
Pagkatapos kong ibigay sa kanyang nanay ang basket ng prutas na binili ko ay linisan ko na agad ang kanyang silid.
Pagkalabas kao naman sa kanyang silid ay bumalot agad sa akin ang amoy ng hospital, di gaya ng amoy ng kwarto ni Asha na naka hypoallergenic air freshner.
Kita ko ang mga nakadextrose na mga pasyente, ang iba ay nakawheelchair at ang iba naman ay pumipila pa sa ibat ibang pasilidad.
Ngunit ang nakakuha ng atensiyon ko ay ang lalaking isinusugod papunta sa ER.
Tumutungo sila sa direksiyon papunta sa likod ko.
Habang palagpas sa akin ang stretcher ay tila tumigil ang aking oras sa aking nasilayan.
Bawat segundo ay bumagal...
At halos mabagal na pagpintig ng puso ko na lamang ang aking naririnig.
Si Vlad.
Ang kababata ko.
Duguan siya na tila ba nasangkot sa isang aksidente.
Nang bumalik na sa dating tulin ang oras ay halos kapusin na ako ng hininga. At halos bumalik narin lahat ng mga ala-ala ko kasama siya.
Hindi pwede....hindi siya pwedeng mawala. Kailangan ko pa siyang makausap at kailangan ko pa siyang makasama.
Nakasunod na tumatakbo ang isang babae na medyo may edad na. Hingal na hingal rin siya at may bahid ng mga dugo at galos ang kanyang katawan. Inaalalayan rin siya ng isang nurse.
"Miss, gamutin ho muna natin ang mga galos niyo." suyo ng nurse sa kanya ngunit tulala lang ito at panay ang salita.
"Ang anak ko...gawin niyo lahat para sa anak ko.....Vlad...wag mong iiwan si mama..." paulit ulit niyang sambit. Tumutulo narin ang luha mula sa magkabila niyang mga mata.
"Gagaling po ang anak niyo, Miss." panunyo ng nurse sa babae. Napaupo nalang ang babae sa sahig at umiyak.
Dahil gusto kong makumpirma na si Vlad nga iyon ay nilapitan ko ang babae.
"Vlad ba ang pangalan ng anak niyo?" tanong ko sa kanya. Naiangat naman niya ang tingin niya sakin. At ang mga mata niya ay nagtatanong. Siguro ay iniisip niya kung ano bang pakealam ko sa kanila o kaya naman ay bakit ko siya tinatanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/133157253-288-k350691.jpg)
YOU ARE READING
The Killer's Diary
Mystery / ThrillerHighest Rank: #63 in Mystery/Thriller (02-04-18) I found her diary in my grandparents house. I thought it was just a normal one, written by a normal human.. It turned out that it's THE KILLER'S DIARY