D. January 3, 2***

403 14 0
                                    

January 3, 2***

Dear Diary,

Ngayong araw na ito ay pinatawag kaming mga classroom officers na maglinis sa aming paaralan dahil pasukan na ulit namin bukas. Ako kasi ang treasurer ng klase namin.

Mahaba haba rin kasi ang naging bakasiyon namin kaya marami na namang dahon ang nahulog mula sa mga puno na kailangan naming linisan.

Pagpasok ko sa school ay usap usapan ang pagkamatay ni Jonas. Siyempre, gusto kong matawa dahil hindi panila nalalaman kung sino ang pumatay.

Galing na galing ako sa aking sarili, diary, dahil napakagaling kong pumatay.

Apat ang class officers sa bawat klase, at dahil anim na klase lang ang meron sa aming paaralan ay dalawampu't apat lang kaming nandito sa paaralan, mangilan ngilang guro lang naman ang pumunta.

Ipinawalis sa amin ang soccer ground. Malawak iyon kaya sumakit na rin ang likod ko dahil sa ngawit, diary.

Dumagdag pa ang nagbabadyang init ng panahon.

Nang matapos namin iyong linisan ay tumambay muna kami sa garden ng paaralan namin dahil mahangin doon.

Kasama ko ang aking mga kaklase na sina Bella, Carmen at Josaph.

Tanging pinagusapan namin ang nangyari sa kaklase naming si Jonas.

Para hindi ako mahalata ay nakipagusap lang ako sa kanila ng normal. Minsan ay sinusunod ko ang mga binubulong sa akin ni Devi.

Si Bella ay ang aming Presidente, si Josaph ang Vice president namin at si Carmen ang secretary namin.

May gusto ako kay Josaph. Bukod sa magandang lalaki at matipuno ito, mabait rin siya. Ngunit nalaman kong gusto niya pala si Carmen ay sobrang nagalit ako doon.

Gustuhin ko man silang patayin noon ay hindi ko magawa dahil wala pa akong sapat na kakayahan. Pero ngayong tinutulungan na ako ni Devi ay kailangan ko na silang patayin at gusto ko na silang patayin.

Paalis na kami ngunit napagpasyahan nila Josaph at Carmen na magpaiwan sa garden dahil magtatapat na daw si Josaph kay Carmen. Siyempre hindi ako makapapayag dun. Kaya sinabi kong kailangan ko munang mag banyo upang umuwi na si Bella.

Lingid sa kaalaman nila ay tatapusin ko na ang buhay nila. mabuti at idinala ko ang mga kutsliyo ko na inilagay ko sa aking bag.

Nakita ko sila na pumasok sa closed orchidarium. Mas maigi naman iyon dahil walang ingay na maririnig dahil sound proof iyon at dahil pasara narin ang school.

Sumunod rin ako sa kanila. Dahil malawak iyon at madaming halamanng naglalakihan ay hindi nila ako maikita kaagad. Inilock ko ang pintuan ng tahimik. Nakita ko naman sila sa pinakasulok ng orchidarium na naguusap.

Pareho silang nakatalikod sa akin kaya hindi nila agad ako napasin. Kinuha ko naman ang isang kahoy mula sa lupa at ihinampas ko iyon sa likod ni Josaph.

Naring ko ang ilang butong nabali na tumunog mula sa lakas ng pagkakahampas ko sa kanya.

Nagulat si Carmen sa presensiya ko, bakas iyon sa kanyang mukha. Ang mukhang iyan ang dahilan kung bakit ka nagustuhan ni Josaph. Ngayon ay sisisrain ko iyan.

Ihinampas ko ang kahoy sa mukha ni Carmen. Agad namang dumugo ang mukha niya at kita ko ang ilang bitak na nagawa dahil sa lakas ng paghampas ko. Ngayon ay hindi ka na maganda. Hindi ka na magugustuhan ni Josaph.

Ipinatihaya ko silang dalawa at gaya ng kay Jonas ay hiniwa ko ang mga dibdib nila. Feeling ko ay para akong doktor na nagoopera sa dami ng dala kong kutsilyo sa akin.

Pagbukas ko ng dibdib ni Jospah ay nakita ko ang mumuntng puso niya na pumipintig pintig at mainit pa. Napakaganda nito kung pagmamasdan.

Ang kay Carmen ay pumipintig parin. Marahil ay nawalan lang sila ng malay sa pagkakapalo ko.

Amoy na amoy ko ang malalansang dugo nila, naaakit na naman ako sa amoy nito kaya tumako ako ng dugo gamit ang dalawa kong kamay at uminom. Napakasarap talaga ng dugo nila, diary. Gustong gusto ko ito.

Naakit rin ako sa kulay ng dugo ni Josaph kaya humiwa ako at ipinasok iyon sa aking bibig. Medyo mapait ang lasa niya ngunit may hatid itong sensasyon sa akin na gustong gusto ko. Humiwa ako ng ilan pa at kinain ang mga iyon. Napakasarap pala nito, diary. Mas masarap pa sa karne ni Jonas.

Nang ma satisfy ako ay hinila ko ang puso ni Carmen na tumigil na sa pagpintig.

Iniabot ko iyon sa kamay ni Josaph.

Kinuha ko naman ang puso ni Josaph na mainit init pa at katitigil lamang sa pagpintig. Napakaganda nitong pagmasdan, diary, dahil balot ito sa dugo at kita ko ang ilang ugat na pumupulandit ng dugo.

Tinignan ko ang mga bangkay nilang balot na sa dugo.

Josaph, ngayon ay hawak mo na at nasa iyo na ang puso ni Carmen gaya ng hinihiling mo. At hawak ko naman na ang iyo. Ngayon ay magsasama na kayo habang buhay at wala nang magpapahiwalay pa sa inyong dalawa.

Nagmamahal,

Ysa

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now