Akeos' POV
Nadischarge na si papa sa ospital dahil maayos na raw siya at wala nang proprolemahin pa sa estado ng kanyang kalusugan.
Pero hanggang ngayon ay nagdududa parin ako sa mabilis na pagkarecover niya.
Si mama ay nandun parin sa mental assylum ngayon at nagpapagaling. Baka abutin daw siya ng isang buwan pa roon. May experience narin kasi siya sa pagkakakidnap niya noong bata pa siya kaya mas naalala niya ito at lumala ang lagay niya.
"Pa? San ka pupunta ngayon?" tanong ko kay papa dahil nakagayak siya ngayon.
"Dadalawin ko sana ang mama mo ngayon sa assylum, saka para icheck narin ang kalagayan niya." sagot nito ng kaswal.
Masama ang kutob ko sa pagdalaw niya ngayon. Para bang may mali sa lahat ng nangyayari. Medyo nagaalangan ako ngayon kaya naisipan kong sabihan si Ate na samahan si Papa sa assylum. Hindi naman ko makapunta dahil entrance exam ng gusto kong unibersidad ngayon.
"Ate, pakisamahan naman si papa sa assylum. Baka mamaya atakihin siya ulit." pamimilit ko kay ate dahil wala narin naman siyang gagawin ngayon dahil bakasyon palang nila.
"Kaya na ni papa yun no. Walang magiging problema." sagot lang nito habang nanonood ng isang fashion channel.
"Sige na! Malay mo kung anong mangyari sa kanya diba? Mas maganda na yung safe." pangkukumbinsi ko sa kanya. Napairap lang ito sa akin at bumuntong hininga. Amoy pop corn pa.
"Oo na! Oo na!" payag rin nito at pumunta ng kwarto niya para magpalit.Nakita ko pa ang pulang marka na naiwan sa leather na sofa. Tss.
Wala na ba siyang pambili ng napkin?
Ilang segundo pa ang nakalipas ay narinig ko ang pagharurot ng kotse ni papa paalis.
Napakamot ako ng ulo ng marealize na naiwan si Kiera. Kahit kailan ay ang bagal talaga gumayak ng babaeng yun. Kaya naman ay nagmamartsa kong tinungo ang kanyang silid.
"Hoy Akiera! Ang tagal mo! Naiwan ka na ni papa!" pagkakatok ko sa kanyang pintuan. Ngunit walang sumasagot sa loob. Hindi kaya nakatulog na yun sa bathtub or shower? O baka nalunod na?
"Akiera! Hoy babaita!" sigaw ko ulit pero walang sumasagot.
"Aish! Papasok na ako!" paalam ko at binuksan ang pintuan niya.
Nakapagtataka dahil wala na siya sa kwarto niya. Ang pintuan ng banyo ay nakabukas na rin.
Kumabog ang dibdib ko ng makakita ako ng mga bakas ng dugo sa sahig. N-no..
Agad kong dineretso ang banyo niya at nagkalat nga roon ang dugo.
Bakit may dugo?
Nasagot ang tanong ko ng makita ko ang shorts na ginamit niya kanina.
Halos sumigaw ako sa inis ng marealize kong nasabuyan lang iyon ng tubig kaya nagkalat ang dugo.Tss. Halos lumabas na ang puso ko sa kaba tapos buwanang dalaw niya lang pala yun.
Nakapagtataka lang dahil napakametikuloso pagdating sa sanitation ni Ate. Ayaw nito sa magulo.
Siguro ay nagmamadali lang ito at hindi ko namalayan na sumabay pala siya kay Papa pag-alis.
Kaya naman tumungo narin ako sa school para sa entrance exam ko.
Habang naglalakad ako sa hallway ay naalala ko nanaman ang nangyari kanina kaya para makasiguro ay tinawagan ko si Ate Akiera.
"Hoy manang! Nasan ka?" tanong ko sa kanya.
"Di ba pinasundan mo sakin si Papa?" sagot nito na may bahid ng sarkasmo.
Mabuti naman at maayos lang siya.
"Tss. At saka yung---" naputol ang sasabihin ko nang biglang nacut ang line. Binabaan niya pala ako.Tss.
Nag-exam na ako at mabilis ko lamang iyon natapos dahil Valedictorian ako nung high school ako at madali lang naman ang mga iyon.
Sa isang linggo pa raw ang releasing of results kaya naman hindi na ako nagtagal doon.
Paglabas ko ng campus ay biglang may lumapit sa aking isang matandang babae na halatang pinaglumahan na ng panahon. Kulubot na ang balat niya at nakatungkod na ito.
"Magiingat ka, ijo. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo." wala sa sariling bigkas nito ngunit alam kong ako ang pinagsasabihan niya.
Biglang sumibol ang takot at kaba sa akin sa hindi ko malamang dahilan.
Tinignan ko ulit ang matandang babae ngunit hindi siya nakatingin sa akin.
Ako ba talaga ang pinagsasabihan niya?
"Lola Asha! Haynako." rinig kong pamilyar na boses ng isang babae. Si Sandra? At anong sinabi niya? Lola Asha?
Pamilyar ang 'Asha' na iyan sa akin.
"Tinakasan mo na naman ako Lola." hingal na sabi nito habnag buhat-buhat ang isang bag.
"Sandra?" hindi ko maiwasang sabihin.
"Oh ikaw pala, Aki. Pasensiya na dahil kinulit ka ata ni Lola. Sige, balik na kami ng Assylum." paalam nito at alalay kay Lola.
"Sa Assylum?" nagtatakang tanong ko.
"Oo. Na-diagnose din si Lola Asha dun. Bakit ba? Sasabay ka?" kaswal na sabi nito sa akin.
"Sige tutal nandun din sina mama at ate." sabi ko at nakitabi kay Lola at inalalayan din siya.
Walang nagsasalita sa amin ni Sandra habang naglalakad habang si Lola Asha ay patuloy lang sa pagbikas ng "Ingat ka."
Nakakarindi ito at nakakakilabot rin ngunit hindi ko namang pwedeng suwayin si Lola.
May kalapitan rin pala ang assylum sa campus namin kaya kung sakaling makapasa ako ay pwede kong dalawin si mama dito.
Nakita ko ang kotse ni papa na nakaparada sa parking lot kaya natiyak kong hindi pa sila umaalis. Mabuti naman para hindi na ako magcommute pauwi.
Gusto ko sanang tanungin si Sandra kung kaano-ano niya si Lola Asha ngunit tumunog ang alarm ng assylum. Agad naman naming ipinunta si Lola sa mga nurse na nagaalalay ng mga pasyente at tinignan kung anong nangyari.
Hinablot ko ang robe ng isang doktor at tinanong kung anong nangyari.
"May babae raw na nakitang duguan sa may CR ng babae." sagot nito at tinungo na ang sinabing lugar.
May mali sa nararamdaman ko ngayon na hindi ko mawari kung ano. Kinakabahan ako at nanglalamig.
Sa pagtakbo ko ay may nabunggo ako. Si ate pala.
"Hoy Kiera? Nasan si papa?" tanong ko sa kanya pero parang wala siya sa sarili niya.
"Hindi ko alam." sagot lang nito at naglakad na palayo. Anong problema niya? Baka hindi nga niya alam.
Pero sinasabi ng instincts ko na puntahan ko ang cr ng babae. Halos liparin ko na ang buong ospital para lamang makarating doon. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nararamdaman ang mga ito.
At mas lalong binalot ako ng kaba ng marinig ko palahaw ng pamilyar na boses.
"Hindi!!! Ang asawa ko!!!! Hayop ang gumawa nito."
YOU ARE READING
The Killer's Diary
Misterio / SuspensoHighest Rank: #63 in Mystery/Thriller (02-04-18) I found her diary in my grandparents house. I thought it was just a normal one, written by a normal human.. It turned out that it's THE KILLER'S DIARY