R. January 10, 2***

268 12 0
                                    


January 10,  2***

Dear Diary,

Pakiramdam ko ay nakalutang nalang ako sa kawalan. Hindi ko maramdama ang mga parte ng aking katawan at puro itim na ang aking nakikita.

Para akong isang isip na nasa isang madilim na silid. Walang ilaw. At wala akong kahit ano mang narinig. nabibingi na ako dahil sa katahimikan ngunit wala akong magawa man lang.

Siguro ay huli na para patawarin niya ako. Sana ay may kahahantungan rin ang ginawa ko.

Pero kailangan kong makumpirma na wala na nga si Devi ngayon. Na tuluyan na siyang naglaho.

Ang mga naiisip ko siguro ngayon ay naitatala dito sa diary na ito.

Hindi man ako makagalaw at makagawa ng gusto ko ngayon, ngunit ipinapangako ko na babalikan ko si Vlad at tuluyan na kaming magsasama.

Sa pagkakataong ito ay wala nang magpapahiwalay pa sa aming dalawa. Kahit ang kamatayan. 

Kaya kung sino mana ang nagbabasa nito ngayon, wag mo nang tangkain pang maki-alam. 

Mag-ingat ka dahil baka isunod ko na ang buhay mo.

Nagmamahal,

Ysa

*

Akeos' POV

Bakit nagkaganito?!

Akala ko ba ay nagbago na siya? Akala ko ba ay gusto niya lang na nasa mabuting kalagayan si Lolo Vlad?!

Kung ganun ay bakit gusto na niyang kitilin si Lolo Vlad?!

Naguguluhan na ako.

Unti unti nang nagbago ang paligid at naibalik na ako sa kwarto ni Lolo Vlad. Akala ko ay nandun na si Ysa ngunit laking pasasalamat ko namakitang mahimbing lang siyang natutulog.

Kung ganun ay imahinasyon ko lamang iyon.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang aking relos. 11:30 na pala.

Baka naglakad lang ulit ako ng tulog at panaginip ko lamang iyon.

Hindi ko din hawak ang diary ni Ysa, napakatotoo ng panaginip na iyon. Akala ko ay mapapahamak na si Lolo.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Ate Akiera. Ngunit para bang blanko lang ang mata niya at tila ba tumatagos ito sakin.

Napatigagal ako ng kaunti sa hitsura niya. Dilat ang mga mata niya ngunit medyo maiitim ang ilalim nito.

"Akeos, pwede bang samahan mo ako?" sabi niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Bakit naman siya magpapasama eh gabing gabi na? Saan ba siya pupunta?

"Hoy manang. Gabing gabi na o. Saan ka ba pupunta?" tanong ko sa kaya.

Ngunit ngumiti lang siya sa akin at naglakad palabas ng bahay. Nababaliw na ba siya?!

Sinubukan ko siyang pigilan ngunit duniretso lang siya sa kakakahuyan.

Wala naman akong nagawa kundi sundan na lang siya dahil baka anong mangyari sa kanya roon.

"Hoy Akiera! Nasan ka na ba ha? San ka ba pupunta?" mahinang sigaw ko para marinig niya ako. Pero naglakad lang siya ng diretso at para bang walang naririnig.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Nagsimula ng tumagaktak ang malalamig na butil ng pawis mula sa aking noo, pati ang palad ko ay pinagpapawisan na rin. Hindi maganda ang kutob ko rito. Para bang may masamang mangyayari mamaya lang.

Sinundan ko lang siya hanggang sa mapadpad kami sa hindi ko na alam na parte ng gubat. Madilim kasi ngunit kita ko ang liwanag na tumatagos mula sa isang kubo.

Mukhang may tao nga dun, pero ano namang gagawin ni Akiera dun?

Tinungo ko ang pintuan ng bahay kung saan pumasok si Akiera.

Magulo rito na para bang hindi tinirhan ng ilang dekada.

Nagulantang naman ako ng makita ko sina Mama, papa, saka si lola na nakagapos sa duguang papag. Nangingitim na ang bahid ng dugo na iyon na para bang ilang taon na ang nakalipas.

Biglang pumasok sa aking isipan ang isang pahina ng diary ni Ysa. Ang pagpatay niya kay Jonas.

Kung ganun, totoo ang lahat ng ito?! Hindi ito imahinasyon o panaginip lamang.

Pero bakt nasali si Akiera?

Bago pa ako makapagisip ng paraan para maitakas ang pamilya ko rito ay may tumama na sa aking ulo.

Ramdam ko ang kirot dahil sa lakas ng pagtama nito at tuluyan na akong nawalan ng malay.

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now