N. Another Page

246 12 1
                                    


Akeos' POV


'WAG kang hahadlang sa plano ko bata. Baka mapaaga tuloy ako.' sabi ng isang babae na duguan.

Agad na pumasok sa utak ko na ang kaibigan ni lolo yun. Hindi ko alam pero malakas ang loob kong siya yun.

Wala siyang mukha ngunit puno ng dugo ang kanyang damit.

HIndi ako makapagsalita dahil mukhang makatotoohanan ang lahat hanggang sa magising na ako.

laking pasasalamat ko na panaginip lamang yun.

Hingal na hingal naman ako na napaupo mula sa aking pagkakahiga. Ramdam ko rin ang mga butil ng pawis sa aking mukha at leeg.

Tama. Isa lamang iyong masamang panaginip.

Tumingin naman ako sa bintana at napakawalan ko ang buntong hininga ko nang makita ko na sumikat na ang araw.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at naligo na upang mahimasmasan ako mula sa isang bangungot.

NAKITA ko naman sila mama sa may hardin kung saan ako tumungo. Pero mas nagtataka ako sa ikinikilos ni lolo Vlad ngayon.

Parang balisa siya at hindi alam ang gagawin.

Kapagku'ay titingin siya sa kaliwa at iiling tapos ililipat ang tingin sa kanan.

Noong una ay iniisip kong baka nabaliw na si lolo ngunit kinumbinsi ko naman ang sarili ko na dala lamang yun ng katandaan niya.

"What's happening to lolo?" pabulong na tanong sa akin ni Ate Akiera na halatang napansin niya rin ang kakaibang kilos ni lolo.

"I dont know but he's acting weird lately." i just answered.

Nagkibit balikat nalang siya nag-cellphone nalang.

Pinilit kong ipagwalang bahala ang kakaibang gawain ni lolo ngunit pilit na lumilihis ang loob ko.

May gusto akong gawin ngunit hindi ko maisip o magawa kung ano man iyon.

Naisipan ko naman na pumunta muna sa kwarto ko upang tignan ulit ang libro o kwadernong nakuha ko sa lumang silid kahapon. Bilang pumasok sa utak ko ang ideya na iyon kaya sinunod ko na lamang.

Agad kong binuklat iyon at laking gulat ko nang may panibagong pahina roon na may sulat.

Nagsitaasan lahat ng balahibo ko. Pero baka nakaligtaan ko lamang itong basahin kahapon o kaya naman ay hindi ko napansin.

Itinuloy ko na ang pagbabasa.....

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now