A/N: Sorry for the very late update. Busy kasi sa school.
W. Darkness
Akeos' POV
"Aki, kumain ka na." pag-aalok ni Sandra sa akin pagkain sa tray na inilapag niya sa gilid ng kama ko. Pero wala akong ganang kumain.
"Kumain ka na, nangangayayat ka na." pangaalok uli niya pero hindi ako makasagot. Para na akong namatay sa mga nangyari. Una, namatay si mama. Pangalawa, sumunod si Papa sa kanya dahil inatake ito sa puso. At pangatlo, nawawala si Ate Kiera.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko. Kasalanan ko ba? Sino ba ang may kasalanan?
"Its' not your fault, Aki. Kaya dapat ay magpalakas ka, pupwepwede niya tayong balikan." rinig kong sabi ni Sandra kaya napatingin ako sa kanya. Sinong babalik? Si Vlad?
"Eh di balikan niya ako para tuluyan na rin akong mamatay." nangingisi kong sabi pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
Dalawang linggo na ang nakaraan simula ng pangyayari sa Assylum. Pina-cremate nalang ang mga labi ng magulang ko, ni hindi kami nagdaos ng pagluluksa.
"Manahimik na na nga. Ubusin mo yan, pag di mo yan naubos malilintikan ka talaga sa akin." sambit nito at tuluyan ng umalis ng kwarto ko. Sa loob ng dalawang linggo ay si Sandra ang sumama sa akin. Para siyang naging nanay at ate ko. Ni hindi ko alam kung bakit niya to ginagawa. Siguro ay naaawa lang siya sa akin.
Tinignan ko naman ang inihain niya, yung paborito ko pala. Adobo. Napangiti naman ako kahit papaano dahil may kasama parin ako sa kabila ng mga nangyari. Baka tuluyan na akong nabaliw o nawala sa katinuan kapag inabandona niya rin ako.
Habang kumakain ako ay pumasok si Sandra sa kwarto ko.
"I-lock mo ang lahat ng pinto at bintana, at wag kang magpapapasok ng kahit sino lang. Kakatok nalang ako ng apat na beses pag dumating na ako." sambit nito na tila ba nagmamadali habang medyo kinakapos pa ng hininga. San naman kaya siya pupunta? Napailing nalang ako at sinunod ang sinabi niya. Isinara ko lahat ng bintana at ini-lock ko ang pinto.
Habang hinuhugasan ko ang mga pinagkainan ko ay nakarinig ako ng apat na katok sa pinto kaya naman pinuntahan ko iyo dahil alam kong si Sandra yun. Pero parang ang bilis naman nya samantalang parang nagmamadali siya kanina. Ang babae talaga nayun.
"Bakit ang---" napatgil ako sa pagsasalita ng wala naman akong makita na tao sa pintuan. Sinilip ko ang magkabilang gilid ngunit wala ngang tao. Nantri-trip ba siya? Tss.
"Kung nangtr-trip ka, Sandra---Oh ba't may sulat dito?"sambit ko ng may makita ako na papel sa may paanan ng pintuan.
Pinulot ko naman ito kahit halatang parang luma at gusot ito. May bahid ng pula sa gilid ng papel. Bigla akong kinabahan at nanlamig.
Mali ang nararamdaman ko dahil para bang ilang beses ko na tong naramdaman at masama ang kutob ko dito kaya minadali ko itong buksan at tumambad ang kanina ko pa inaasahan.
Nakasulat ang mga salita gamit ang pulang likido.
Kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay para pumuntahan ng sinabi niyang lugar. Ni hindi ko na inisip kung nakapambahay at nakatsinelas lang ako basta ang importante ay madatnan kong ligtas si Sandra.
Malakas ang kabog ng dibdib ko at para akong isang atleta sa bilis kong tumakbo.
Tumatagaktak ang malamig na pawis sa aking noo at hingal na hingal ako ng makarating ako roon.
Sa kubo sa gitna ng kagubatan.
Ni hindi ko alam kung ano ang naroon pero tinungo ko parin ito.
Pero wala akong nakitang sinuman doon.
YOU ARE READING
The Killer's Diary
Tajemnica / ThrillerHighest Rank: #63 in Mystery/Thriller (02-04-18) I found her diary in my grandparents house. I thought it was just a normal one, written by a normal human.. It turned out that it's THE KILLER'S DIARY