Akeos' POV
Kasabay kong nakarating ang ambulansiya at pulisya sa gubat.
Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko ngayon. Pero ramdam ko ang magkakahalong kaba, takot at galit.
Hindi ito ang unang beses na inatake ni Devi ang pamilya ko kaya mas nagliyab pa ang poot ko para sa kanya.
Why do i need to suffer like this?
Habang patungo ako sa kubo ay iba't-ibang mga posibilidad ang naiisip. Sana ligtas si Ate at si Sandra. I cant afford to lose them both.
"Sandra!" sigaw ko ng makita ko siyang nakasandal sa may puno at kandong ang itaas na bahagi ng katawan ng ate. Parehas silang duguan. Pakiramdam ko ay para ba akong sinasaksak ng paulit-ulit hanggang sa manghina ako.
"No!" i exclaimed at nilapitan sila. Kita ko ang mga kalmot at mga galos ni ate pero malala ang kalagayan ni Sandra.
Mabilis silang isinakay sa ambulansiya upang dalhin sa hospital. Sakay ng kabilang ambulanya si ate pero mas pinili kong samahan si Sandra, mas pinili ng utk at puso ko na sa kanya sumabay.
Nilapatan muna siya ng paunang lunas ng mga nurse at kinabitan narin ng breathing devices pero sa tingin ko ay hindi iyon sapat.
"Sandra wag kang pipikit." i pleaded. Hawak ko ang kanyang mga kamay at nakatingin sa kanyang nanghihinang mukha.
Napangiti naman siya habang tila ba hinihila ang mga talukap ng kanyang mga mata pasara.
"A-aki...." hirap niyang sambit.
"Shhhh save your energy." sabi ko. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko at kumikirot narin ang dibdib ko. Why am i feeling this way?
Itinaas niya ang kamay niya at sinapo ang pisngi ko.
"Ta-tapos na...." nakangiti niyang sabi pero napadaing siya at bumagsak ang kamay.
"I know shhh." sabi ko habang pumapatak ang aking mga luha.
"Na-nagawa m-mo........ma-maha...." uti unti na niyang ipinikit ang kanayang mga mata.
"No Sandra! No, wag ka munang pumikit please? Malapit na tayo." humahagulgol kong pagmamakaaawa sa kanya pero hindi na siya nakasagot pa.
"No!" sabi ko pero napaatras na ako ng inilabas na siya ng ambulansiya at ipinasok sa hospital.
Ipinasok siya agad sa emergency room, sinubukan ko siyang sundan pero hinarang ako ng mga nurse.
"Sir hanggang dito nalang po kayo, maghintay na lang po kayo sa dito sa labas." paliwanag ng nurse kaya napa upo nalang ako sa semento at napasandal sa pader.
Ang sakit pala na makita ang babaeng mahal mo na nahihirapan, na hindi na niya kaya. Napasabunot naman ako ng buhok ko habang patuloy sa pagiyak at pananalangin na sana maging okay na ang lahat, na sana makaya ni Sandra.
Ako ang lalaki pero wala akong nagawa para maiwasana ng lahat ng ito, wala akong kwenta.
"Ganyan nalang, susuko ka na?" naitaas ko ang tingin ko at nakita ko ang isang babae na nakadamit pangpasyente at may hawak na stand ng dextrose.
"Wag kang magalala, malakas ang kasintahan mo kay Master. Hindi niya siya pababayaan." seryoso at maangas nitong sabi at tumungo na palayo.
Kahit papaano ay nabigyan ako ng pagasa sa sinabi niya, kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at tinungo ang chapel.
Pumasok ako doon at lumuhod sa luhuran.
Matagal tagal ko narin nung huli ko 'tong ginawa, pero sana pakinggan niya parin ako.
"Lord, alam kong hindi ako karapat-dapat pakinggan pero sana kahit ngayon lang ay pakinggan mo ako. Tulungan mo po si Sandra at ang ate ko, pakiusap. Sana po matapos na ang lahat ng ito. Kayo na po ang bahala sa amin, Panginoon.", taimtim kong panalangin.
"O diba? Nagdasal ka din." rinig kong boses kaya napalingon ako at nakita ko ulit yung babae na may hawak na stand ng dextrose.
"Walang imposible kay God at sigurado akong makakaligtas ang kasintahan mo, wala akong nakikita na Reaper sa paligid ng ER kaya sigurado akong ligtas siya." sabi niya.
Ang weird naman niya, nakakakita ba siya ng mga kaluluwa o tumakas lang talaga siya sa mental. Pero sana nga.
"Ano ka ba?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at tumayo na.
"Sabihin nalang natin na isa rin ako sa mga pinagpala." matalinhaga niyang sabi at naglakad na palayo.
"Magdilang anghel ka sana.." bulong ko.
YOU ARE READING
The Killer's Diary
Misterio / SuspensoHighest Rank: #63 in Mystery/Thriller (02-04-18) I found her diary in my grandparents house. I thought it was just a normal one, written by a normal human.. It turned out that it's THE KILLER'S DIARY