January 9, 2*** [2]
"Vlad. Maging masaya ka ha?" sabi ko habang panay ang pagagos ng mga luha ko sa aking mga mata.
"Ano bang sinasabi mo ha? Siyempre kasama na kita kaya magiging masaya ako." natatawang sambit naman niya habang pinipilit na punasan ang mga luha ko
Napapikit ako at humagulgol. Tatapusin ko na ang lahat ng ito kahit na masakit.
Gagamitin ko na ang huling alas ko.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya upang mapatitig siya sa akin.
Pumikit muna ako ng mariin at tinitigan siya sa mata.
"Babalikan kita balang araw Vlad. Pero sa ngayon kalimutan mo muna ako ha?" sabi ko habang nakatitig sa kanya. Hinihipnotismo ko siya upang kalimutan na niya ako.
Sa huling sandali ay hinalikan ko siya sa labi at ipinahiga sa kama niya.
Marahil ay ito na ang huling araw na makikita ko pa siya at mainiding sakit ang dulot nun sa akin dahil sa tingin ko ay higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya simula pa nung mga bata kami. Matagal ko na ginustong makita siya ulit at sa kamalas-malasang pagkakataon ay ang pagkikita namin ulit ay ang magiging huli ko naring sandali.
Sinulyapan ko siya sa huling pagkakataon at napahagulgol.
Pumikit ako ng mariin at tuluyan ng nilisan ang kanyang silid at tumungo sa rooftop.
Matatapos din ito.
Malaki naman ang ngiti niya ng makita niya ako. Ngiting para bang mananalo na siya sa labang siya rin ang nagumpisa.
"Sabi ko na ngaba na sa akin ka parin babagsak." demonyong tawa niya at unti unti akong linapitan.
Napaatras naman ako papunta ng railings dahil sa paglapit niya sa akin. Nakakatakot man ay pinilit kong magpakatatag para kay Vlad at sa mga magulang ko.
"Papatayin mo na ba siya?" ngiting tanong niya sa akin. Kinakabahan man ako ay nagawa ko siyang sagutin.
"Hindi." pigi-hininga kong sagot.
Kagaya nang nakita ko kagabi ay naging ganun ulit ang hitsura niya.
Purong itim na mata na pula ang paligid.
Mahahaba at matulis na pangil.
Maugat na ulo.
At malalaking mga brasong puno ng ugat.
"Anong sinabi mo?" tanong niya habang naglalakad.
"Hindi ko siya papatayin." paguulit ko sa kanya.
Nang tuluyan ko nang maiapak sa semnto ng railing ang aking mga paa ay tinitigan ko siya sa mata.
"Anong gagawin mo?" tanong niya sakin.
"Sa akin nakasalalay ang buhay mo diba?" nagmamatapang ko na tanong sa kanya.
Ang mukha niya naman ay nabahala dahil narealize niya na ang ibig kong sabihin.
Dahil kung mawawala ako ay ganoon din siya. Nabubuhay siya ng dahil sa akin, at tuluyan na siyang mawawala ng dahil sa akin.
Dalawa lang ang pwedeng maging resulta ng gagawin ko: Mamamatay siya o tuluyan na siyang babalik sa taong anyo niya.
"Hindi tayo nararapat mamuhay sa mundong ito Devi." sambit ko na mas lalo niyang ikinabahala.
Gumana sana ito.
Iniatras ko ang isang paa ko at tumingin ng mabilis sa aking babagsakan.
Kapag nahulog ako dito ay sigurado akong mamatay agad ako at gayun din siya.
"Lisanin na natin ang mundong to." nakangiti kong sambit at tuluyan ng nagpatihulog.
"WAAAAGGGGGGGGGG!!!!!" rinig ko pang sigaw niya habang pilit akong inaabot kahit huli na ang lahat.
Ngunit bago ako tuluyang mahulog ay para bang bumalik sa akin lahat ng mga alala-ala ko.
Halo halong masaya at madilim.
Ang mga mukha nila mommy at daddy.
At si Vlad.
Jesus at ama sa langit, alam kong hindi ako namuhay ng maayos. Nilabag ko lahat ng inyong mga utos.
Ngunit sana ay patawarin niyo ako at pagbigyan ang dalawa huling kahilingan.
Maging masaya sana lahat ng naiwanan kong mga tao at sana ay hayaan mo akong makasama si Vlad balang araw.
Tanggap ko na na mamamatay na ako.
Kasabay ng pagbalik ng oras ay ang tuluyan ko nang paglagapak sa semento at pagkabawi ng aking buhay.
Nagmamahal,
Ysa
![](https://img.wattpad.com/cover/133157253-288-k350691.jpg)
YOU ARE READING
The Killer's Diary
Mystery / ThrillerHighest Rank: #63 in Mystery/Thriller (02-04-18) I found her diary in my grandparents house. I thought it was just a normal one, written by a normal human.. It turned out that it's THE KILLER'S DIARY