L. January 8, 2***

285 9 0
                                    


January 8, 2***

Dear Diary,

Half day lang ang klase namin ngayon dahil may seminar daw ang mga guro namin, kaya naman gusto ko sanang bisitahin si Asha pati narin si Vlad sa hospital.

Kahit na gulong gulo parin ako ngayon ay kailangan kong magpakatatag dahil wala akong magagawa kung tutunganga at magmumuni-muni lang ako.

Kailangan ko pang pumatay ng isa at dalawang araw nalang ang natitira sa akin.

Gusto ko sanang ipagwalang bahala muna ang pagpatay ko upang harapin muna si Vlad ngunit laging bumubulong sa akin si Devi. lagi ko nalang ipinipilig ang aking ulo dahil sa sakit.

Tinungo ko na ang kwarto kung saan namamahinga si Asha ngunit ang nurse na nagaayos nalang ng kama ang naabutan ko.

Nagtaka ako at nagtanung sa sarili kung tamang kwarto lang ba ang pinasukan ko gayung nandito naman ang basket na pinaglagyan ko ng prutas kahapon.

"Miss, nasaan na ang naka-charge dito kahapon.?" tanong ko sa nurse na siyang naglilinis at nagaayos ng pribadong kwarto.

Ngunit sinabi niya lang sa akin na idinala na raw siya sa America upang doon maoperahan dahil kailangan niya ng heart transplant.

Medyo nalungkot naman ako roon dahil kaibigan ko narin siya. Hindi man kasing sakit ng paglisan noon ni Vlad ay masakit parin dahil nawalan na naman ako ng isang taong maituturing ko na kaibigan.

Pumasok na naman sa aking isipan si Vlad kaya naman tinungo ko na ang kwarto niya na tinanong ko sa nurse kanina sa entrada.

Pagpasok ko ay kita ko ang mama niyana nagaayos ng flower vase sa tabi ng kama ni Vlad.

"Bumalik ka." sabi iya ng masilayan niya ako sa may pintuan.

"Kamusta na po si Vlad?" tanong ko sa kanya. Ngunimiti naman siya sa akin.

"Maayos na ang kalagayan niya. Maaari na siyang magising maya-maya lang." sagot naman niya. Inilapag ko naman ang basket ng prutas na aking dala sa isang silya at umupo sa katabi nitong silya rin.

Gusto kong malinawan ngayon tungkol sa sinasabi ng mama niya na pagbalik niya dito para sa akin. Hindi ko naman sigurado kung ako nga ang babalikan niya ns Ysa o ibang tao iyon. Ngunit ayaw mawal sa akin ang umasa na ako nga iyon gayong ako lang naman ang alam kong naging kaibigan niya noong bata palang kami.

'Sana magising na siya' piping kahilingan ko upang makausap ko na siya. Namimiss ko na siya lalo at apat na taon na ang nakalipas noong huli ko siyang makasama. Nangungulila na ako sa presensiya ng isang tunay na kaibigan.

Hinintay ko na magising si Vlad upang makausap ko siya. Lumipas ang bawat segundo, segundo na naging minuto at minuto na naging oras. Ngunit paglipas ng maghapon ay hindi parin siya nagigising kaya napagpasayahan kong umuwi na dahil dapit-hapon na.

Malungkot man ang aking kalooban ay pilit ko parin na kinukumbinsi ang aking sarili na magigising rin siya.

Paguwi ko ng bahay ay niluto ko ang natitirang karne ni Bella. Medyo maamoy na ito dahil sa tagal ngunit dahil naka freezer ito ay hindi siya nasira. Nagsaing muna ako ng bigas bago ko gawin ang proseso ng pagluluto ng kanrne ni Bella.

Iprinito ko nalang ito sa paraang parang nagluluto lang rin ng fried chicken. Hiniwa hiwa ko ito sa parihaba at saka isinawsaw sa itlog at sunod ay sa harina. At saka ko ilulublob sa kumukuong mantika. Amoy palang nito ay nagaalab na ang aking sikmura at nanunubig na ang aking bagang.

Nang maprito ko ito ay agad akong tumakal ng kanin at iniulam ito roon. Napakasarap talaga ng karne ng tao lalo na sa pagkakaluto nito ngayon.

Nang mabusog na ako ay nagsepilyo na ako at naligo bago humilata sa aking kama. mahabang araw ang nangyari ngayon ngunit wala itong kwenta lalo na at hindi pa nagigising si Vlad. Kailan ko kaya siya makakausap.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang aking katawan dahil sa maghapon kahit na wala naman akong ginawa kundi umupo lang sa silya at maghintay sa paggising ni Vlad.

"Bakit hindi ka pa pumapatay?" dinig kong boses ni Devi kaya naimulat ko naman ang aking mga mata sa pagkakapikit at tinignan siya na nakasandal sa aking vanity mirror.

"Wala ako sa mood ngayon, Devi kaya wag ka munang sumatsat diyan." sagot ko naman sa kanya at pinilit kong makaidlip muna upang kalimutan ang mga problema ko.

"Bakit hindi mo nalang patayin ang lalaking yun?" sabi niya naman na may bahid ng pagkairita kaya napaupo naman ako ng marinig ko iyon mula sa kanya dahil alam kong si Vlad ang tinuntukoy niya sa sinabi niya.

Uminit naman ang ulo ko sa sinabi niya.

"Bakit ko papatayin ang tanging lalaking naging kaibigan ko? Maghahanap nalang ako ng ibang papatayin ko!" singhal ko naman sa kanya.

Hindi ko alam pero may kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata niya. Maaaring guni guni ko lamang iyon.

"Hindi pa ba siya natuluyan?" iritang tugon niya sa akin kaya naan mas lalong uminit ang dugo ko sa kanya kaya napatayo na ako mula sa aking pagkakaupo at kinunutan siya ng noo dahil may ibang ibig sabihin ang sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin dun? Ikaw ba ang may pakana ng nangyari sa kanya?!" hindi ko mapigilan ang bahid ng inis at galit sa aking boses dahil buhay na ni Vlad ang pinaguusapan dito. Wala na akong pake kung demonyo siya o patay dahil galit na ako ngayon sa ginawa niya.

"Oo. Akala ko nga matutuluyan na ang gagong yun eh. Matibay pala." sabi niya at ngiting demonyo. Kung hindi lang siya patay o kung ano man ay baka nakanti ko na siya sa galit ko ngayon.

"Eh gago ka pala eh! Bakit mo naman ginawa yun?!Gusto mo bang tumigil na ako sa pagpatay para tuluyan ka nanag mawala?!!" singhal koulit sa kanya ngunit lalong nagdilim ang kanyang hitsura. Tuluyan nang naging itim ang pares ng mga mata at ang mga pangil niya ay tuluyan ng humaba at sumisilay na ito sa kanyang mga labi. Ang paligid ng kanyang mga mata ay naging kulay pula at halos lumabas na ang mga ugat sa kanyang mga braso.

Linapitan niya ako kaya napaatras naman ako sa pagkakatayo dahil talagang nakakatakot ang hitsura niya ngayon. Mukha na talaga siyang tunay na demonyo.

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking leeg na tila ba dinadama ito.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking leeg hanggang sa masakal na ako.

Kinakapos na ako ng hininga dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking leeg.

Halos pumutok na ang mga ugat ko sa ulo ng idinikit niya ako sa pader at itinaas. Ramdam ko ang paglayo ng aking mga paa sa sahig.

"Wag na wag kang titigil, Ysa kung ayaw mong patayin ko ang lalaking yun at ang buong pamilya niya." malalim ang boses na pagkakasabi niya sakin. Napipiltan naang akong tumango dahil sakal na sakal na ako sa pagkakahawak niya.

Binitawan niya naman ako at tuluyan nang naglaho.

Hawak hawak ko naman ang aking leeg habang naghihikahos na huminhinga nang makalapag na ako sa lupa.

Sa higpit ng pagkakahawak niya kanina sakin ay ramdam ko parin iyon kahit na wala na ang mga kamay niya sa aking leeg.

Mas lalo akong natakot para kay Vlad.  Kailangan kong pumatay.

Ngunit dahil sa pagod ko sa lahat ng naranasan ko ngayon ay tuluyan na akong nawalan ng malay.


Nagmamahal,

Ysa

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now