Q. Intruder

266 15 0
                                    

A/N: Sorry sa very late update saka medyo masabaw utak ko dahil busy sa school, pero babawi ako sa susunod na chapters. Promise!!



Akeos' POV

Namumutla palang ako pagkatapos kong basahin ang panibagong sulat sa pahina ng libro. Kung namatay ang babae ay pano niya naisulat ang huling pahina?

Nagsimula na akong kilabutan sa nangyari dahil sakto ang nangyari kay lolo Vlad noon. Kinuwento noon sa amin ni lola noon ang nangyari.

Na nawala ang ala-ala niya noong 18 siya. Hindi parin mag sink-in sa akin na totoo nga ang mga nakasulat sa kwaderno.

At ang kaibigan ni Lolo. Babalikan niya si lolo at tuluyan na silang magsasama.

Hindi pwedeng mangyari yon.

Unti unti ko nang nagpagtagpi ang lahat ng nangyari.

Ang diary, ang kaibigan ni lolo, si Ysa, ang babae sa panaginip ni lolo at maging sa napanaginipan ko kagabi.

Iisang babae lamang yun. At yun ay si Ysa.

Sana walang mangyari kay lolo. Nagtakot ako dahil madilim na ang paligid, balot ng maiitim na ulap ang langit na mukhang ano mang oras ay bubuhos ang malakas na ulan.

Sobra nakapagtataka at medyo kinikilabutan na ako dahil ilang minuto palang ang itinagal ng pagpunta ko sa aking silid. Dinala ko ang diary sa paglabas ko ng silid.

Paglabas ko ng kwarto ay agad akong pumunta sa hardin upang tignan ang kalagayan ni lolo. Ngunit wala ng tao doon. Magulo dito na tila ba may gumawa nito na sinuman.

Sunod kong sinuyod ang buong bahay upang hanapin sina mama at sina ate ngunit hindi ko sila mahanap. Unti unti naring dumidilim ang mga pasilyo ng bahay at para bang paulit ulit lamang ako ng dinaraanan.

Lahat rin ng silid ay naka-lock at hindi ko mabuksan.

Basag lahat ng antike sa bahay. Lahat ng mga painting ay wasak wasak.

Hanngang sa may isang kwarto akong nakita na bukas. Sumisilay ang ilaw mula sa siwang ng bukas na pinto.

Akin itong tinungo upang malaman ko ang mga nandon ngunit nakita ko lang si Lolo na nakaupo sa kanyang kama at nakatingin ng diretso sa akin.

Kinilabutan ako sa kanyang madilim na titig at mala-demonyong ngiti na tila ba may pinaplano siya.

"Nalaman mo na siguro ang kwento hindi ba?" diretso ang titig niya sa akin habang nagsasalita.

"A-ayos ka ang ba L-lo?" medyo kinakabahan kong tanong kay Lolo. Iba kasi ang pakiramdam ko sa tingin na ipinupukol niya sa akin. Parang hindi siya ang lolo ko.

Bigla siyang humalakhak. Ngunit lalong mas nagtindigan ang aking mga balahibo dahil halong babae at lalaki ang kanyang boses. Walang bahid ng isang matanda.

Mas natakot pa ako ng biglang nasakop ng itimang kanyang buong mata.

"Sabi ko naman sayo na wag ka nang makialam eh." sabi niya sa isang pambabae na boses. Nakakapangilabot dahil pareho sila ng boses ng babaeng nasa panaginip ko.

"Hayaan mo na kami! Umalis ka na dito! Patay ka na diba?!" sigaw ko sa kanya kahit na balot na anko ng takot sa posible pa niyang gawin sa amin.

"Nandito lang naman ako para kunin ang pinakamamahal ko eh." sabi niya.

Tama nga ang hinala ko. Kukunin na niya si Vlad. Iyon ang nakasulat sa diary niya. Ang diary niya ng masususnod.

Ang diary niya.

"Hindi mo makukukuha si lolo mula sa amin!" sigaw ko sakanya.

"Hangal ka!Wala nang makakapigil sa akin! Hinintay ko ang pagkakataong to upang makasama na siya! Naghintay ako ng mahabang panahon!" sigaw niya sa akin.

Bakas ang galit sa kanyang mukha. Hindi niya pupwedeng kunin sa amin si Lolo Vlad. Nagisip ako ng mabuti kung papaano ko siya mapipigilan, ngunit isa lamang ang naisip ko.

Ilusyon ko lamang ang lahat ng ito. Hindi sila totoo. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata upang bumalik na sa realidad kung sakali pero hindi ko maramdaman ang aking pagkagising.

Pagmulat ng aking mga mata, wala na ako sa bahay.

Nasa isang rooftop na ako ng isang kung anong istablisyimento. May kataasan ito dahil malawak ang nakikita kong kabuuan sa baba.

"Lisanin na natin ang mundong ito." rinig kong boses ng babae sa aking likuran at nang pagharap ko sa gawing iyon ay kita ko ang pagpapatihulog ng isang babae mula sa railing na simento.

"WAAAAGGGGG!!" sigaw ng isang may kalakihan na lalaki, na tila ba gustong oigilan ang lalaki. Gutay gutay ang kanyang manggas dahil sa malalaki niyang braso na maugat.

Saka ko lamang napagtanto na nasa panahon ako ni Ysa. At ang lalaking yun ay si Devi.

Medyo natakot ako dahil sa naging mga deskripsiyon sa kanya ni Ysa sa diary kaya naman ay ginusto kong tumakbo na upang hindi niya ako makita ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Na para bang nasimento ito sa aking kinakatayuan.

Rinig na rinig kong ang mumunti ngunit nanggagalaiting sigaw ng lalaki na tila ba nahihirapan ngunit sa huli ay napatawa ito na para bang demonyo na kababalik lamang sa impyerno.

"Hangal ka talaga, Ysa. Ang akala mo siguro ay mamamatay ako sa pagkatihulog mo. Tsk. Salamat sa buhay mo at nakabalik na ako sa dati." ngayon naman ay boses na ng isang lalaki ang aking narinig. Matino tino na ang boses niya at normal narin ang laki ng kanyang katawan.

Pinilit kong makaalis sa aking kinatatayuan dahil paharap na siya sa aking direksiyon ngunit hindi ko magawa.

Nang makaharap siya sa akin ay tila ba hindi rin niya ako nakikita.

Kung ganun ay ipinapakita lang ni Ysa sa akin ang nangyari.

Pero bakit? Bakit niya ipinapakita sa akin to?

"Normal na ako ngayon pero may kuneksyon parin ako sa baba, hindi kita ihahandaan ng pwesto roon dahil gusto kong makita mo kung anong pakiramdam ng pakalat-kalat na kaluluwa." ngising sambit ni Devi at tuluyan ng naglaho.

Ngayon, may nabubuhay nang imortal na demonyo sa mundong ito. Papaano ko siya mapipigilan o mapkikitil gayong isa siyang demonyo?

Uminit ang libro sa aking kamay at napagtanto kong hawak ko nga pala ang kanyang diary. Binuklat ko ito upang tignan kung may panibagong pahina at mayroon nga. Itinulo ko na ang pagbabasa...

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now