EPILOGUE

343 13 5
                                    

EPILOGUE

Misty's POV

Excited akong umuwi para ibalita kay nanay na may trabaho na ako. Dumaan pa ako sa litsunan para bumili ng litsong manok pati narin ng pansit para sa konting salo-salo para sa celebration ng oagkakaroon ko ng trabaho.

Pero pagkadating ko sa may pintuhan ng bahay namin ay may kakaiba akong naramdaman. Para akong kinakabahan na kinikilabutan. Hindi ko naman maipaliwanag kung saan iyon nanggagaling.

Binalewala ko nalang iyon dahil baka guni-guni ko lang at saka, dapat magcelebrate ngayon!

Pagkabukas ng pintuhan ay bumungad sa akin ang kapatid kong limang tanong gulang na duguan sa sahig namin.

Nabitawan ko naman ang mga hawak ko dahil sa bigla, galit, poot, kaba at takot.

Hayop ang gumawa nito!

"Aahhhh!!!" rinig kong sigaw sa may kusina namin kaya agad akong napatakbo roon at nakita ko nalang na pinagsasaksak ng isang lalaki ang nanay ko.

"Naaayyy!!" sigaw ko naman kaya napatingin sa gawi ko ang lalaki.

"Wag! Maawa ka!" pagsususmamo ko sa kanya pero tila ba wala itong naririnig at tuluyan na niya akong sinaksak sa tiyan.

Napaakap tuloy ako sa kanya dahil sa panghihina, paulit-ulit niya pang nilamaspasok ang kutsilyo sa aking tiyan dahilan para bumulwak ang dugo sa aking bunganga.

Wala na akong maramdaman. Manhid na ang buong katawan ko.

"Pare tara na!" tawag sa kanya ng isang lalaki kaya naman ay tumakbo na sila paalis at ako naman ay bumagsak sa sahig. Doon ko pa lamang naramdaman ang matinding sakit at hapdi sa aking tiyan.

Sobrang sakit naikamamatay ko na.

Nagsimula na ring lumabo ang aking mga paningin dahil sa luha.

Napatingin ako sa nanay ko na walang buhay habang dilat ang mga mata na nakatngin sa akin.

"Na...aayyy.." mahina kong pagtawag sa kanya na nagmistula ng ungol.

Sobrang sakit ng buong katawan ko lalo na sa aking tiyan, sobrang sakit na hindi ko na maipaliwanag pa.

Sobrang nanghihina narin ako, hindi ko na kakayanin pa.

"Gusto mo pa bang mabuhay?" rinig kong boses ng isang lalaki na nakasandal sa aming ref.

Gulagulanit ang damit nito at naaamoy ko ang tila ba naaagnas na katawan.

Wala sa sarili na akong napatango dulot ng sakit ng katawan at galit sa sino mang gumawa nito.

"Sige, pagbibigyan kita. Pero mangako kang gagawin mo ang mga iuutos ko pagkatapos nito." sabi niya at nguniti ng tila ba isang demonyo.

THE END

*****

Congratulations for making it this far! Buti natagalan niyo tong story ko bwahahaha!

Thank you for reading this kaekekan of mine. Kahit na echosera to sana nag-enjoy kayo!

Sa mga sumuporta dito sa story na to, thank you very much. I know i'm not that good, pero thank you pa din.

Stay tuned for the special chapters para mas malinawan kayo kung hindi niyo pa masyadong gets.

Kakapalan ko na.. Please read my next story: My Father's Killer. It would be also mystery thriller, pero baka mas madali ang updates dito since madami na akong chapters na naisulat at buo na ang plot sa utak ko.

Thank you berimats! I love you allllll!!!!


The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now